CHAPTER 11

472 12 1
                                    

DESTINED FOR YOU

UNKNOWN'S POV
Naka-upo ako sa isang bench malapit sa parking lot, ng makita ko ang target ko.

Nagtago ako sa likod ng malaking puno upang hindi nya mapansin. Nakita ko syang sumakay ng kotse nya paalis ng campus. Nang makita kong nakalabas na ang kotse nya sa may gate ay lumabas narin ako sa aking pinag-tataguan.

"San kaya pupunta ang demonyo?" Bulong ko sa aking sarili.

AXEL'S POV
Hello guys ako nga pala ang pinaka gwapo at pinaka malakas ang appeal saaming tatlo. Nandito ako ngayon sa bahay. Kasama ko ang kapatid ko na si Dart, and as usual wala dito si Mommy at Daddy dahil may mga investors silang kikitain.

Kauuwi ko lang galing ng school, kaya masyado akong hinila ng antok.

"Hayop ka! Bakit moto nagawa kay Heather ? Ano bang kasalanan nya sayo? Tandaan mong demonyo ka, oras na makawala ako dito ako mismo ang papatay sayo!" Sigaw ko sa isang lalaking nakangisi na parang aso pero natatakluban ng itim ang mga muka nito kayat di ko sya makilala.

"Ako pa talaga ang demonyo? Tanungin mo kaya yang kaibigan mo, baka alam nya ang dahilan" patingkol nya kay Cate na naka-gapos sa bakal na haligi. At wala itong malay.kung si Cate bakit pati si Heather?

Nakita ko pang tumunghay si Cate, sinyales na gising na ito. Natanaw din ng aking mata ang nanlilisik na tingin ni Aero sa lalaki na hawakhawak si Heather sa buhok.

Lalapit na ang lalaki sa kinaroroonan ni Cate habang kinakaladkad si Heather. Ng malapit na sya ay basta nalang nyang itunulak si Heather kay Cate na parang piraso ng ginusumot na papel.

"Ahh" inpit na sigaw ni Heather dahil sa lakas ng pagkakabagsak nya.

"Hayop ka! Subukan mong saktan ang mga babaeng yan at pagsisisihan mong nabuhay kapa" nagngangalit kong sigaw. Nakikita ko sa mga mata ni Heather at Cate na nahihirapan na sila.

"Hindi ko pagsisisihan dahil oras na makaganti ako, pwede na kong mamatay" nakangisi nya sabi.

"Ano bang kailangan mo? Pera? Katanyagan?, ano? Sabihin mo ibibigay ko sayo wag mo lang silang saktan, lalo na ang babaeng pinakamamahal ko" seryosong sabi ni Aero habang napako ang tingin sa dako ni Cate.

"Ayy... umiiral na naman ang kabayanihan mong pakialamero ka, alam mo matagal na dapat tapos tong plano ko eh kaso sumaw-saw ka" saad nya habang may kinukuha sa likod. "Alam mo, gusto kitang makitang nasasaktan, kayong dalawa ni Axel" saad nya habang pinagmamasdan ang baril na hawak nya.

Nagpalipat-lipat ang tingin nya saamin ni Aero. "Ah alam kona, pagsasabayin ko nalang para masaya diba?" Sabay baling sa gawi ng mga babae. At walang ano-anoy pinaputukan nya sina Heather at Cate direkta sa kanilang noo.

Agad akong napabalikwas sa aking kama ng akoy magising, pawis na pawis ako at kumakabog ang dibdib. Agad kong naalala ang laman ng aking panaginip kaya agad kong tinipa ang numero ni Heather.

"Heather" kabado kong sambit matapos nyang sagutin ang aking tawag. "Nasan ka, ayos ka lang ba huh?" Nanginginig na tono kong tanong sa kanya.

"Oo naman, teka bakit ba bigla kang napatawag at parang manginig-nginig yang boses mo?" Nagtataka nyang tanong.

"Ahh wala, namiss lang kita agad" pagsisinungaling ko para di na sya mag-alala.

"Ah sige Axel ibababa kona toh ah, baka dumating na rin dito si Cate eh, ikaw di kaba talaga makakapunta?" Tanong nya.

"Sorry, hindi talaga eh, baka kase dumating na dito sina mommy, sige na enjoy"

Destined for You Where stories live. Discover now