CHAPTER 18

411 16 4
                                    

DESTINED FOR YOU

CATE'S POV
Naka-uwi na ako ng bahay, agad akong nagtungo sa aking silid, nandon pa rin si Happy na tulog parin hanggang ngayon.

Nagpalit ako ng pajama at t-shirt na pan-tulog. Isinalampak ko ang aking sarili sa kama. Nilamon agad ako ng antok dahil sa pagod.

Maaga naman akong nagising kinabukasan. Dating gawi. Ligo-bihis-kain yan ang ginawa ko pagka-gising.

Pagkababa ko ng Dining ay nandon sina mama kasama si nana at kuya. Nakita ko pa ang gulat sa mata ni kuya. Yeah, shocked because of my hairstyle.

"Goodmorning" pinilut kong maging masaya ang boses, pero wala, sumasayad parin yon aa pagiging walang gana.

"Who styled your hair?" Normal na tanong ni kuya.

Ahmmm, crazy person? "Me, I just want the whole attention of the school? you know, to open my greatest enemy that I can slay" pagsisinungaling ko. Way to hide is to lie.

"Ohh, good for you"

Ng matapos ang aming breakfast ay umalis na ako, di na ako sumabay kay kuya, dahil isang malaking gulo lang kapag nangyari yon, baka mapag-kamalan pa kong jowa nyan, parang don sa nabasa kong pocket book, yung mag-kapatid napagkamalang , mag-asawa.

Nairita talaga ako sa uniform namin, ang hirap kaya mag-drive kapag nakaganon ka. Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking mga daliri at iniayos ang aking salamin.

Lumabas ako ng aking kotse at naglakad papunta sa aking silid. Bawat madaanan ko ay nagbubulungan. Hindi ko na lamang iyon pinansin dahil hindi ko naman alam kung positive or negative iyon.

Ng nasa tapat na ako ng aking silid ay narinig ko ang paghiyaw ni Lilain. "I knew It! Tama ang hinala ko, sila nga ang lalaban. Hahahahah"

Bigla namang sumingit si Cris, isa ko pang kaklase. "Mananalo na tayo nito"

Papasok na ako ng aking room at bigla nalang akong sinalubong ng sampal ni Stefanie.

"Bitch!" Bungad nya saakin pagkatapos akong sampalin. "Si Czayra lang eh! Bakit dumagdag kapa?! Ha!?" Isang sampal pa ang iginawad nya saakin na syang dahilan ng pagbagsak ko.

Shitt,,, masakit yon ah tumayo ako para harapin sya. Nagsimula na rin ang pag-kukumpulan ng mga estudyante sa paligid.

Itinagilid ko bahagya ang aking ulo. "Ayos na ba? Okay ka na ba sa mga sampal mo?" Sarkastiko kong tanong sa kanya.

"Hindi dahil malandi ka!" Lalapit na sana sya sakin at sasampalin akong muli.

Syempre inunahan ko na sya. Simampal ko sya ng magkabila tutal naka dalawa sya sakin kanina ako den.

"Equal" huli kong sinabi bago ako pumasok ng aking silid.

Kumain ako ng lollipop habang naghihintay sa mga kaibigan ko. Nararamdaman ko parin ang init ng pusngi ko siguro ay dahil sa sampal ni Stefanie.

"What happen to your cheek?" Bungad sa akin ni Heather. Di ko namalayan na nandyan na pala sila ni Alliyah.

"Slapped"

"Nino!? Sabihin mo papatulan ko yung bugwit na yon!" Natawa naman ako sa reaksyon ni Alliyah. Napaka supportive friend naman.

"Wag na, si Stefanie lang naman yon, tsaka wala naman yung mga alepores nya" nakangiti kong sagot. Nakakatuwa lang kase Syempre alam ko na totoo sila.

Destined for You Kde žijí příběhy. Začni objevovat