CHAPTER 81

257 13 8
                                    

DESTINED FOR YOU


AERO'S POV

Hindi ko alam kung paano magre-react sa nalaman ko. "W-wala ka talagang amnesia?" Pag-uulit ko. "Hindi moko nakalimutan?" Naiiyak na ako, sobrang saya ng araw na 'to para sakin.


Tumango sya sakin habang hawak ang pisngi ko. "Nga-ngayon ko lang nabasa, kanina lang, kanina ko lang nabasa yung sulat" sabi nya habang patuloy na tumutulo ang luha sa mata nya.


"Seven Years na palang nandon yon, seven years too late, but seven years, I still love you" sabi ko na nakapagpangiti sa kanya. Nakapatong ang noo ko sa noo nya.


"I love you Lucy ko" bulong nya bago nya ako yakapin.


"I love you too Natsu ko" saka nya ako niyakap gamit ang isang kamay nya. Seven years... still you...



"Hello tita" bati ko sa mama ni Cate, bumisita kami sa bahay nila dahil kay Keanu.



"Hello tito ninong!, hi tita ninang!" Sigaw ni Keanu pagkakita nya samin. Sina Mama at Queliah don muna sa condo ni Cate, hindi pa kase tapos yung pinapagawa kong bahay para sa kanila.


Kami ni Cate live in palang, hindi parin kami kasal, lumipas na ang limang bwan simula nung nalaman ko na wala syang amnesia. Noong una hindi rin nakapaniwala sin kuya Mark pati ang mga kaibigan namin, pero kinalaunan naniwala na rin sila.



Nakuha ko na ang mana ko. Si Vishkan, nasa kulungan dahil sa kasong rape, murder, dalawa lang yan sa mga naging kaso nya meron pang sampu.



At ngayon, dahil sya ang leader at ako ang pumapangalawa, parehas naming pinamamahalaan ang oraganization. Binago ang mga batas, sabay naming inayos ang lahat.



CATE'S POV

"King ina! Ano ba kaseng sine 'tong panonoorin natin?!" Sigaw ko kay Aero, sa wakas nagagawa ko na ulit ang matagal ko ng gustong gawin, makipag rambulan, makipag barilan, makipag murahan, basta lahat ng katarantaduhan.


Basta nalang nya ako hinablot sa bahay kanina eh. "Loves Story" simpleng sagot nya, agad ko syang binatukan dahil sa pasimple nyang pagtawa. "Miss na miss ko parin yang pagbatok mo sakin" sabi nya.


Hinayaan ko nalang naman sya. Pumasok kami sa sinehan hindi ko alam sa lalaking to. Marami naman kaming pera pero bakit nasa pinaka-unahan pa talaga kami? Hindi ba pwedeng bumili sya ng pwesto don sa likod?



Isa pa sa pinagtataka ko. Ang alam ko kapag magsisine pag papasok ka at hindi pa umpisa ang palabas, bukas pa ang mga ilaw, pero nung pumasok kami sobrang dilim na, hindi pa naman nag-sisimula. Ang ingay pa sa paligid.


Naupo kaming dalawa habang hinihintay magsimula kung anong love story tong palabas na to.


"Kamusta na pala yung baby nina Stefanie at Ash?" Tanong ni Aero sakin. Biruin mo nagkatuluyan yung dalawang yon HAHAH.


"Ayon, mukang lalaking hambog tulad ng tatay" natatawa kong sabi sa kanila. Tumawa rin naman sya sa sinabi ko. Babae ang anak nila pero pakiramdam ko tomboy yon, pakiramdam ko lang ha di ko sure.


"Baby..." narinig ko ang pagtawag ni Aero sakin, hindi na nga babi ang tawag nya, minsan yan ang tawag nya sakin pero madalas baby, depunggol na yan. "Nilalamig ka?" Tanong nya.


Tumango ako sa kanya, medyo malamig nga dito. Bigla nalang nyang hinubad ang suot nyang jacket bago isuot sakin. "Pano kang kumag ka?" Tanong ko.



Destined for You Donde viven las historias. Descúbrelo ahora