CHAPTER 23

351 13 3
                                    

DESTINED FOR YOU
Dedicated to:
—Mr. JPM

CATE'S POV
Casual Attire na ang labanan namin ngayon. Naka-ayos na si Lucy, nakasuot sya ng white long  sleeves na jacket, na naka-tuck-in sa kanyang caramel brown khaki pants, with his white flat shoes. And some accessories that match his style.

Habang ako hindi ko alam kung alin ang susuotin ko, wala na kaseng naka-hang na pang-casual.

Iniiayos ng make-up artist ni Lilain ang buhok ko, sa gilid nya nilagay ang hati noon at bahagyang pina-umbok ang taas. Nag matapos iyon ay tumayo ako.

Lumapit ako kay Ms. Viran "maam, alin po ang susuotin ko? Walanpo kase akong naihanda na casual attire"

"Ahhh, yun ba? Sabi nina Mr. Quizon kanina, yun daw nasa maliit na box na pinadala nila kanina" paliwanang nya.

Tumango na lamang ako sa kanya. Binuhat ko iyong kahon papunta sa aking pagbibihisan. Sana lang hindi na to sing' iksi ng short kanina saad ko sa aking isip.

Binuksan ko iyon at tumambad sakin ang napaka eleganteng damit. Hindi naman ako nagsusuot ng ganito eh! Yes maybe shorts, but not this!

Isa iyong long back white off-shoulder Cocktail dress, purong white iyon na hinaluan ng mga kumikinang na kristal. Ang palibot ng pinaka manggas noon ay may mga paro-parong kulay itim. Ang laylayan ay at paalon.

No choice tayo Cate! Kailangan! Sinuot kona iyon. Medyo makati ang tela noon para saken, hindi talaga kase ako sanay sa ganoon.

Nang maisuot ko iyon ay parang pinasadya lamang, tama ang sukat ng bewang at ang haba nito, tumambad na naman ang balikat ko na may pilat.

Ammppp!!! Hindi ko napansin kanina pagbukas ko ang hubog noon. May pa- cleavage amp.! Napansin ko lamang iyon noong naisuot kona.


Huhubarin kona sana kaso may narinig akong kimatok "Cate! Ayos na ba? Sukat ba sa katawan mo?" Sigaw ni Ms. Viran pagkatapos kumatok.

"Yes Miss!" Tugon ko.

Agad kong tinupi ang mga pinag-hubadan kong damit, lumabas ako at kinuha ang stilettos sa gilid ng isa pang kahon, pustahan tayo yan ang gown

Pagkatapos kong isuot ang aking stilettos ay napatingin ako kay Lucy  na naka-upo sa sofa.

Nakatitig lang sya saakin. Konti nalang iisipin ko may saltik to. Sinalampak ko ang aking sarili sa sofa roon. Medyo ilang ako dahil sa mga balat na nakikita sa katawan ko. Yes, I wear shorts, but not typically short, tank top, and even off-shoulders, but I always wear Scarf, and I don't show cleavage.

Mga sampung minuto rin kaming nanatili roon, paglabas na paglabas ko palang pinagtitinginan na agad ako ng mga tao.

Habang naglalakad kami nina Ms. Viran ay may humagis saking isang white long-sleeves na jacket, nilingon ko ang pinaggalingan noon.

"Ibalot mo muna sa sarili mo, nakikita ang kaluluwa mo" sabi ni Lucy-fer saakin.

Sa kanya pala yong long-sleeves na iyon, nakapatong lang pala yon sa black nike, v-neck shirt nya.

Agad kong itinaklob iyon sakin, choosy paba ko? Kahit kaya kong patayin yang mga nagtitinginan ngayon, kailangan magkilos babae muna.

Nakarating na kami sa backstage, nagpaalam ren si Ms. Viran na iiwanan na kami roon. Nagsi-rampahan nanaman ang mga kandidata.

Marami sa kanila ay naka fitted dress, balloon dress, at ang nakaagaw ng pansin ko, ang white to pink gradient na suot ni Czayra. Lampas lang iyon ng tuhod nya. Ibinalik kong muli ang jacket ni Lucy sa kanya. Agad naman nya itong sinuot

Destined for You Where stories live. Discover now