CHAPTER 22

368 10 7
                                    

DESTINED FOR YOU

AERO'S POV
Totoo ba talaga ang lahat ng to? Nandito na kami ngayon sa backstage, malapit na mag-start ang pageant na to, and shett, I just can't believe this is happening.

"And now let us see the handsome and beautiful candidates, a warm of applause for them" deklara nang MC.

Unang rarampa si Love ko, partner nya si Mike, hindi naman ako seloso, lalo na't hindi naman ganong ka-gwapo si Mike, mayaman lang talaga, hindi tulad ko mayaman na! GWAPO PA!

Nasa huli kami ni Natsu, ako ang nag-requests non kay kuya Mark. Paki-sapak naman ako kung panaginip lang to oh . Panay ang sigawan sa labas. Hindi naman ako kinakabahan dati sa mga ganto-ganto ah, pero ewan ko kung bakit parang sasabog ang puso ko ngayon.

Hindi ko namalayan na kami na ang susunod ni Natsu. "Let's Welcome, our last, and furious candidates, Mr. Aero Quel MonteCarpio and Ms. Cate Dixon"

Nang narinig namin ang palakpakan ay lumabas na kami. Una munang rarampa ang mga babae bago kami.

Nagsimula nang rumampa si Natsu, napatitig ako sa kanya. Basta! Ewan bigla nalang akong hinihop ng katauhan nya, shett!!! Bakit ganto? Bakit nag- slow motion ang lahat at sya lang ang nakikita ko, at wala akong narinig na ingay mula sa mga manonood. Hindi ko pa iyon nararnasan, kahit kailan. Ngayon lang!

Ngayon ko lang napansin ang kurba ng katawan nya, kung paano sya maglakad, kung pano sya mas napaganda ng gupit ko, at ang....ang ngiti nya, natural na narural iyon at hindi pilit. H-hindi kaya? Hindi pwede Aero! Hindi kayo talo.

Sa kanya lang nag-focus ang paningin ko, hindi ko yata makakalimutan ang ngiti nya, na ngayon ko lang nakita, ang bawat hakbang nya. Ang oras na to, parang ayaw ko nalang matapos.

CATE'S POV
Cate kalma, natural lang dapat pangaral ko sa aking sarili. Rinig na rinig ko ang hiyawan, ngunit ilan lang ang naka-agaw ng aking pansin.

"Go ate Cate" nang lingunin ko iyon ay ang kambal na kapatid ni Lucy. Suot nila ang mga panyo na bigay ko sa kanila. Ginawa nila iyong headband.

"Go Bestfriend!" Sigaw naman ni Heather na malapit lang sa gawi ng kapatid ni Aero.

"Go Bestfriend ko den! Kaya mo yan!" Sigay naman ni Alliyah. Mas naging natural ang ngiti ko roon.

"Wahh!! Classmate namin yan!"

"Amin yan! Sa section B yan!"

"Section B for the win!"

Saglit akong tumigil sa gitna, dahil yon ang natandaan ko sa rehearsals nila. Saglit kong inilibot ang paningin ko.

Expected kona na nandoon si kuya dahil nag-text sya sakin, pero si mama hindi. Masaya ang ekspresyon na makikita sa kanyang muka, pero galit paren ako sa kanya. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at pumunta nalang kay Lucy.

Habang papalapit ako ay nakatitig lang sakin si Lucy. "Lucy ikaw na" bulong ko sa kanya pagkarating ko sa tabi nya.

Bigla syang napa-pikit, para bang bumalik sa wisyo. Nagsimula na syang rumampa, mas malakas ang hiyawan nila ngayon.

"Go! Papa Aero!"

"Wahhh!! Shett!! Ang pogi mo Aero"

"Crush ko yan!"

"Ang galing mo Aero!"

"Go Aero!"

"Wahhh!! Kuya namin yan! Go kuya! Go kuya!" Sigaw ng kambal na may pa dance-step pa.

Destined for You Where stories live. Discover now