CHAPTER 30

391 10 0
                                    

DESTINED FOR YOU

CATE'S POV
Pagkarating ko ng bahay ay nagpahinga lang ako saglit, 2:00 na ng madaling araw ng makarating ako.

Salamat kay Aero. Dahil hindi ako napahamak. Hindi naman ako napansin ng mga kasamambahay pati nina kuya at mama. Siguro dahil tulog na sila.

Habang nagpapahinga ako sa kama ko ay sumampa si Happy. "Hello baby" saka ko sya niyakap. "Ano kayang pwedeng iregalo don sa demonyito mong kalaro?" Tanong ko sa kanya.
Saglit akong napaisip. Nahh! Bukas ko nga pala ibibigay yung wish mong demonyito ka!

Halos trenta minutos ren akong gising bago matulog. Nagising ako dahil sa alarm. 5:00 in the morning. Kusot-kusot ko ang aking mata ng makita ko si kuya sa may sofa. Nakatungo ito.

Agad akong sumeryoso. "What are you doing here? Get out" mahinahon kong pakiusap pero halata sa tono ko ang galit.

"Saan ka galing kagabi?" Seryoso nyang tanong sa akin. Saka nya akong tinitigan.

"The hell you care?" Saka ko binalingan ng tingin si happy. Kinumutan ko sya. Using my bed sheet.

"Sagutin mo ang tanong ko, saan ka galing?" Bawat tono ng pananalita nya ay may diin. Pero di ako papatinag.

Muli ko syang nilingon at nakatingin parin sya saakin. "It's none of your business" saka ako tumayo para kumuha ng susuutin ko.

"Talaga bang hindi kana titino?!" This time galit na sya. "Ugali ba ng babae na umuwi ng dis'oras ng gabi! Your just a minor! Menor kapa! Tapos kung san-san kapa nagsusu-suot?!" Napatigil sya ng bigla ako g humarap sa kanya.

Hindi ko alam pero nag-init ang ulo ko dahil sa mga sinusumbat nya, gusto ko mang palagpasin iyon ay hindi kona nagawa. "Matino ako! Sadyang wala lang kayo sa kalagayan ko! Kaya hindi nyo alam ang nararamdaman ko" Nilagpasan ko sya dahil baka kung ano pang masabi ko. Saka ako pumasok ng banyo ko. Pero bago ako makapasok.....

"Wag mo kong tinatalikuran! Kinakausap pa kita" hinablot nya ang braso ko kaya napaharap ako sa kanya.

Binawi ko kaagad ang braso ko at mabilis na tinahak ang banyo.

Binuksan ko ang shower at hinayaang umagis ang tubig sa buhok ko kasabay ng mga luha na mula sa mata ko.

Hindi ko namalayan na humihikbi na pala ako. "Palagi nalang mali....palagi nalang ako....gusto ko lang naman mawala yung sakit......gusto ko lang maranasang maging malaya....gusto ko lang takasan yung sakit....pero hindi ko magawa....dahil buong pagkatao ko.....hindi nyo gusto" bulong ko sa loob ksabay ng pag-agos ng tubig.

Sinadya kong tagalan ang pagligo para wala na si kuya sa labas pag labas ko. Paglabas ko ay wala na si kuya kaya nagbihis nako ng uniform ko.

Hindi naman na ganoong kasakit ang batok ko, wala din namang halos, o gasgas na naiwan dahil sa pagkakahampas doon.

Nasa harap ako ng aking vanity table. Isusuot kona dapat ang salamin ko ng mapansin ko ang maliit na basag noon sa gilid.

Malas! Anong gagamitin ko nito! Sigaw ko. Hindi naman yon ganoong halata pero hindi na ako konportableng suotin iyon.

Wala akong ibang choice kundi suotin ang ginamit kong contactless galing kay Lilain.

Halos mangiyak-ngiyak ako sa paglalagay ng isa sa kanan. "Bwiset naman!" Mahigit limang minuto bago ko iyon nailagay, namumula na ang mata ko at tumutulo na rin ang luha ko. Bakit ba kase hindi ako mahilig sa mga ganito! Umabot ng dose minutos bago ko naayos ang sarili ko roon.

Destined for You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon