CHAPTER 7

517 12 1
                                    

DESTINED FOR YOU


CZAYRA 'S POV
Maaga akong nagising kaya maaga din akong nakapag ayos ng sarili bago pumasok, hassle nga eh araw-araw nalang aalis ng bahay. Habang naglalagay ako ng aking lipstick ay may kumatok sa aking pinto. "Czayra nandyan si Aero sa baba susunduin ka daw" sigaw ni yaya sakin. Yes wala dito ang parents ko dahil sa business, pero sa tagal ng panahon nasanay nalang rin ako.

"Sige yaya susunod na ko" tinapos ko na kaagad ang pagli-lipstik ko dahil baka mainip si Aero. Bakit kase kailangan pa kong sunduin.... kainis! Papalabas na sana ako ng may kumatok nanaman sa pinto. Binuksan ko ito at tumambad saakin ang nakangising si Aero.

"Good morning babe" bati nya sakin, akma na syang yayakap saakin ng pigilin ko sya. "Anong problema babe?" Nagtatakang tanong nya.

"I'm not in the mood Aero" yes kahit kailan hindi ko pa sya tinatawag na babe, nakakasuka kaya, kahit magtu-two years na kami, Aero lang ang tawag ko sa kanya at mukang di manlang nya napapansin. "Wag ngayon please"

"O-okay, sige tara na, baka ma-late ka pa" aya nya saakin. Sumunod nalang ako sa kanya papunta sa kotse nya.

Habang nasa kotse kami ay walang kibo si Aero, mas mabuti narin yon kesa sa sobrang daldal nito.

"Ahmm... Aero mamaya wag mo nalang akong sunduin may pupuntahan lang ako" sabi ko sa kanya dahil naka-stop naman ang traffic light.

"San ka pupunta babe? Samahan kita" pagpupumilit nya. Kulit mo talagang lalaki ka.

"Hindi na, baka kase matagalan ako tsaka susunduin naman ako ng kotse namin sa bahay" yes I lied, may tatagpuin lang kase talaga akong importanteng tao mamaya.

Nilamon ng katahimikan ang byahe namin hanggang sa nakarating na kami sa school nag-park sya sa ilalim ng school. Bakit hindi dun sa parking nila? Smells fishy huh...

Pagkababa ko ng kotse nya ay nag-paalam na ako na aalis. "Sige Aero una na ko" tumango lamang sya at ako naman ay nagtungo na sa aking room. Nakalusot ako don ah.... you're so smart Czayra.

Papasok na ko ng room ng makita ko si Zhabi, kumakaway saakin mula sa upuan namin.

"Oh girl anong nangyare sa muka mo bakit gusot?" Pabiro nyang tanong pero wala ako sa mood para makipag-plastikan.

I roled my eyes, kahit kailan talaga Zhabrina "Never mind, samahan mo nalang ako mamaya may kikitain lang ako" then I smirked.

"God, uuwi ba siya ngayon? Nice I want to meet him na" maarteng sabi ni Zhabi, kulang nalang kumislap ang mga mata.

Tumango nalang ako dahil hindi to titigil kapag hindi ko pa tinapos ang usapan. Finally I'm gonna meet you na...



CATE'S POV
Maaga akong nagising ngayon pero di ko alam kung bakit. Nagising ako na nakasalampak sakin si happy at tulog na tulog parin. "Good morning baby" bulong ko rito para hindi sya maalinpungatan sa pagtulog.

Pagkatapos ko maligo ay bumaba na ako. Suot ko na naman ang uniform na to sobrang iksi kase ng palda. Sailor moon kabwiset. Bat ba hindi nalang palitan ng under the knee na palda at kailangan pang maging ganto kaiksi, isang maling galaw may makikitang di dapat makita. Nagsuot rin ako ng scarft dahil tirik ang araw ngayon.

"Good morning nana, good morning kuya at mama" bati ko sa kanila good mood ako kase ayos na kami ni kuya.

"Masaya yata ang alaga ko ah?" Tanong ni nana saakin at tumango naman ako.

Destined for You Onde as histórias ganham vida. Descobre agora