CHAPTER 65

305 10 15
                                    

DESTINED FOR YOU

Authorist notist:
  Mga Yumis, medyo matatagalan ang mga UD natin...dadalahin kase ni Ate ang wifi!! Kaya load load lang me ngayon....kaya sana maintindihan nyo...luv lots...;))




AERO'S POV

Umalis na si Cate papuntang Japan. Naiwan ako dito sa Condo nya. "Sorry...sorry sa gagawin ko Cate"



Kinausap ako ng tatay nya. Isa daw sya sa maehemplong tao sa buong mundo. Hindi ko sya personal na nakaka-usap pero sa tawag nya idinadaan, ni hindi sya nagpakilala kung sino sya. Sinabi nya saaking saktan ko ang anak nya, si Cate. Sabihan ng masasakit na salita. Dahil kung hindi papatayin nya sina Jamie pati sina dad at ang tunay kong mga magulang. At sya daw mismo ang maglalayo sakin sa anak nya.



Tanginang buhay to!! Inampon lang ako nina Dad. Dahil ex ni Dad ang tunay kong nanay at kapatid ni dad ang tunay kong tatay. Napaka dumi ng pagkatao ko dahil bunga ako ng rape. Kinuha ako ni dad dahil gusto akong patayin ng tunay kong ama. Tinakas lang daw ako ni dad sa hayop kong tatay. Kaya pala ayaw sakin ni mom, dahil anak ako ng pinagseselosan nya noon. Kaya pinsan ko lang sina Jamie at Jalie, at tito at tita ko ang mga tunuring kong magulang.


Hindi ko matanggap ang mga yon kaya kahit itinigil kona, nakipag basag ulo ulit ako. Kaya rin ako tumira sa condo ni Cate dahil don, labing syam na taon nilang tinago sakin ang totoo.



"Mahal kita Cate...mahal na mahal" bulong ko habang umiiyak dahil sa gagawin ko.


Lumipas ang isang araw. Nakipagkita ako kay Stefanie, sinakto ko ring makikita kami ng kambal ng araw na yon. "I'm happy that I'm with you Aero" Si Stefanie.


Ngumiti ako ng pilit sa kanya. "Ako rin" masaya sana kung hindi ko sya sasaktan, kung hindi ko kailangang iwan si Cate..



"Malapit na si Cate dyan sa condo nya" tinawagan ulit ako ng tatay ni Cate. Hindiko alam kung saanglupalop nya nakuha ang cellphone number ko.


Ito na ang araw na ayoko sanang dumating. Kasama ko Si Czayra dahil alam kong mas magagalit sya sakin kapag si Czayra ang nadatnan nyang kasama ko.



Kinuha ko ang cellphone ko para mag-text. Wag ka na munang bumalik Cate... wag muna...


To: MyQueen

Wag ka ng bumalik.


Wala akong nagawa kundi hagilapin agad si Czayra na naka-bra lang at naka-upo sa tabi ko. Agad ko syang hinalikan ng marinig ko ang boses ni Cate sa labas. Sorry...sorry Cate...ayokong gawin to pero kailangan....



"A-Aero..." halos pabulong kong narinig ang sabi nya. Tumigil ako sa paghalik kay Czayra at hinarap si Cate. Sobrang sakit na nakikita mo ang babaeng mahal mo na nasasaktan.


"O nandyan kana pala?" Pinilit kong ngumiti ng nakaka-asar. "Bakit bumalik kapa?" Halos ayaw bumuka ng bibig ko dahil ayaw ko syang saktan.


Nakikita ko ang pamumuo ng luha nya. "B-bakit?" Umiiyak na sya at mas lalo akong nahihirapang itaboy sya, gusto ko syang yakapin ng mahigpit. Ansakit eh!




"Anong bakit?" Tumawa ako ng bahagya kahit halos sabihin ko sa kanya na utos to ng tatay nya. "Biruin mo mas masarap pala humalik si Czayra sayo?" Kailangan ko tong gawin Mahal ko, para sayo...


Destined for You Where stories live. Discover now