CHAPTER 27

372 11 0
                                    

DESTINED FOR YOU

LILAIN'S POV
Heheheh success! Napaka talino mo talaga Lilain. Sabi kase ni Daddy saken hakot award daw sina Aero at Cate. Well expected kona yon....

Bigla naman akong napalingon sa may pinto ng kwarto ko. "Yes dad?" Tanong ko ng papasok si Daddy sa kwarto. "Oh...mommy? Ano pong meron?" Takang tanong ko.

Umupo si mommy sa tabi ng kama ko. "Are you okay na Lilain? Or gusto mong magpa-admit sa hospital?" Kita sa mga matani mommy na nag-aalala na talaga sya.

Yeah, it's been three days since Nagsimula akong mag-panggap. Ubos na nga yong foundation ko tsaka concealer.

"Yes maam, I'm fine, Tulog pang ang katapat nito" saka ko sila nginitian.

Buong akala kase nila, may sakit talaga ko. Nilalagyan ko kase ng hot compress ang leeg at noo ko, para mukang may sakit ako, heheheh.

"Are you sure anak?" Tanong naman ni Daddy.

"Yes naman Dad, sure na sure" saka ako nag- thumbs up sa kanya.

"Okay, but make sure na sasabihin mo samin kung may masakit sayo anak ha?" Si mommy na ngayon ay nakatayo na sa gilid ni daddy.

"Yes mom I will" saka isang matamis na ngiti ang iginawad ko sa kanila.

Nagpa-alam na sila at tsaka lumabas. Woahhh... lusot, hehehe best actress talaga ko.

CATE'S POV
Mabigat ang pakiramdam ko pagka-gising ko. It feels like, I need more rest dahil hindi ko maimulat ng ayos ang mga talukap ng mata ko.

Nilingon ko ang wall-clock at shitt 12:30 na ng hapon, napa-dami yata ang tulog dahil sa sobrang puyat kagabi.

Hindi naman pwedeng hindi ako pumunta sa celebration na sabi nina Axel dahil candidate din daw ako.

Mabuyi na rin yon para hindi ko makita sina mama dito sa bahay.

Dali-dali akong naligo at nagbihis, for sure bar ang pupuntahan nila, kaya magsusuot ako ng maong jeans at over sized hoodie jacket, naka tack-in, at tsaka flat sneakers.

I don't wanna show too much skin, lalo na't bar iyon. There's a lot of pervert and disrespectful man for sure. Kahit pa sabihin natin na nandoon ang tatlong gago.

Dinala ko lang ang maliit na wallet na kasya lang sa hidden pocket ng hoodie ko. Nandon ang mga kakailanganin ko kung sakali.

Nagmadali akong bumaba, at sumakay ng kotse para hindi na ko na makita sina mama. Dali-dali kong pina-andar ang kotse ko.

Halos sagasaan kona ang mga kasabay kong kotse dahil sobrang traffic! Dapat pala motor na lang ginamit ko. Tutal ganto naman outfit ko kahit ang init-init.

Nang-magkaroon ako ng tyempo ay nag-over take ako sa isang silver na Expander tsaka sa iba pang mga sasakyan.

Kailangan kong makarating agad sa bar na yon dahil kapag na-late ako, ako pa ang manlilibre. Hindi big deal sakin ang manlibre kaso, tinatamad ako.

Malapit na ko sa bar siguro in two minutes nandon na ako. Tanghaling tapat pero bar, diba ang sagwa? Pero hindi na ko nag-reklamo at nakisakay nalang ako.

After that fvcking traffic, nakarating rin ako. Pumasok ako sa loob. I search the whole place, baka sakaling makita ko sina Lucy-fer. Pero wala sila.  Tumingin ako sa wrist watch, 1:33 na pero wala pa yata sila.

"Hey, Cate!" Narinig ko ang pangalan ko mula sa labas.

Nilingon ko iyon at nandon ang tatlong ungoy. Lumapit ako sa kanila. "Nauna ko?" Tanong ko pagkalapit sa kanila.

Destined for You Où les histoires vivent. Découvrez maintenant