CHAPTER 59

314 12 0
                                    

DESTINED FOR YOU

Authorist notist:

Di ka kina-crush back ng crush mo? Wag kang mag-alala ako rin >_<



CATE'S POV

June 3, Wednesday , may pasok na naman pero tatlong oras lang pwedeng wag na pumasok pero mas pinili kong umattend para bawas aralin nalang ulit pag-uwi ko sa Pilipinas.


Nasabi ko na rin kay Kuya yung nangyari kahapon. Sinabi nya lang na mas magdadagdag sya ng bodyguards ko dahil mas malapit ang Birthday ko mas marami ang gustong pumatay sakin, eh ang kaso binabayaran ko ang guards ko para hindi ako sundan. Ganon ako kapasaway.


Dahil mamaya pa namang 9:00 AM ang klase na pupuntahan ko nag-stay muna ako sa kotse ko. 6:00 palang naman, maaga lang talaga akong umalis dahil nabo-bored ako.


"Need something?" Tanong ko ng sagutin ang tawag ni Dad. Medyo nagtataka ako kase ngayon nalang ulit sya tumawag sakin.


"You sure? you want to celebrate your debut there in the Philippines?" Napa-irap nalang ako dahil sa sinabi nya. "We can celebrate in other coun—


"Sa Pilipinas, sa bahay, kasama si mama, at ang mga kaibigan ko" sunod-sunod kong sagot bago tuluyang putulin ang tawag.


Mags-scroll na sana ako sa Instagram ko ng nag-text si Kuya.


From: Brotherhood

Nasaan ka?


Agad na nangunot ang noo ko dahil sa text nya. Saglit ko pa iyong tinitigan bago magreply.


To: brotherhood

Sa school anong gusto mo dyan sa Pilipinas?


"Alam namang bahay, school, mall lang ang pinupuntahan ko" bulong ko patungkol kay kuya.



From: Brotherhood

Umuwi ka muna may pina-deliver ako. Urgent to kailangang kailangan bilisan mong babae ka.



"Aba! Nag-uutos lang ganon?" Para na akong baliw na nagsasalita mag-isa sa loob ng kotse ko. "Arghh! Pag'to hindi naman importante makakakita yon ng demonyong maganda!"



Wala ako sa mood nagdrive pauwe. Napahinto ako ng mapadaan ako sa mall. "Pwede namang mag-shopping muna kahit saglit diba? Tumawa muna ako bago tuluyang lumiko pumunta sa mall.



Nagpunta agad ako sa mga swimwear, plano kong magyaya ng beach pag-uwi ko ng Pilipinas. Sabi naman ng doctor ko pwede na daw akong maarawan basta matake ko yung kailangan kong inumin.



Bumili ako ng mga two-piece, at at mga ibang pang beach outfit, bumili ako ng shades, hoops pati mga bags.


Namili rin ako ng mga laruan, pambatang damit, mga tsokolate, sapatos para kayna Cahil sa bahay ampunan, kayna Alliyah at Heather naman ay mga libro, off-shoulders, tank top, at bagong iPad. Sina Jamie at Jalie naman, mga painting stuffs, mga libro pati narin damit. Sa mga lalaki naman binilhan ko nalang sila ng luxurious na pabango, ganon din sa kapatid ni Axel at Darren. Si Ate Clet at Gino? Bahala na sila, mayaman naman na sila.


Malapit na magtanghalian bago ako nak-uwi. Pinapunta ko don ang dalawa kong guards para kumanin ang mga pinamili ko. Kaya hindi ako nahirapan na iuwi yon.


Nakatitig ako sa cellphone ko bago pumasok sa loob ng bahay. "Where's the delivery?" Mataray kong tanong habang nakatingin parin sa cellphone ko.


Destined for You Where stories live. Discover now