CHAPTER 4

594 23 2
                                    

DESTINED FOR YOU
Dedicated to:
—Ms. Jade Ann Dimaano

AERO'S POV
Aligaga akong napapatingin sa magkabila kong gilid dahil sa nagawa kong pagkakamali. "Shett!" Mura ko habang nagmamadaling umalis. "Tara na! Baka maabutan pa tayo dito ng may-ari nyan! Bwiset kang hangin ka! Sakit ka sa ulo!" Pagmamadali kong makaalis sa parking lot na iyon dahil sa pagkataranta, malay ko bang hindi kay hangin yon nakakainis!

"Wala na kami dyan Aero, ikaw lang bumutas nyan, mag-isip ka kung pano mo matatakasan yan" si Axel pero di ko na lang iyon pinansin at dali- dali kong pinaharurot ang aking kotse paalis ng school.

Nagmamadali akong pumasok ng kwarto pagkarating ng bahay. "Bwiset! Bwiset! Naisahan nanama ako non, nakadalawa na sya saken!" Iritado kong sabi.

Ayos lang kahit magsisigaw ako sa kwarto ko dahil sound proof naman toh, kahit i-max volume mo ang tv at mga speaker ay di ka maririnig. May narinig akong pagkatok kaya agad kong kinalma ang aking sarili bago ko buksan ang pinto.

Binuksan ko ang pinto at kaagad kong nakita ang mga kapatid ko na malawak ang ngisi, ano kayang kailangan nitong dalawa

"Kuya!" Sabay nilang pagtawag saakin.

"Samahan mo kami sa Mall please.." si Jamie habang magkadaop ang mga palad.

"Please kuya" si Jalie habang kumukurap kurap ang mga mata at tumutulis ang mga nguso.

Natawa nalang ako sa kanila, parang nawala ang init ng ulo ko nang makita ko ang kambal.

Tinapik- tapik ko ang kanilang ulo . "Sige, just wait for me here. Maliligo lang muna ang kuya" sabay nginitian ko sila bago nagtungo sa closet.

Kumuha ako ng black khaki shorts at black V-neck shirt. Binilisan ko lamang ang pagligo para di mainip ang mga kapatid ko, knowing them mainipin sila sa isang bagay. Lumabas ako at nakita ko na bukas ang closet ko kaya ibinaling ko kaagad ang aking paningin sa kambal at nakita kong suot ni Jamie ang scarft na matagal ko nang tinatago. Dali- dali akong tumakbo sa kanila dahil baka masira!

"Ako naman magsusuot" pang-aagaw ni Jalie sa scarft habang hinihila niya ito.

dagliang akong lumapit para kuhanin ang scarft sa kanila. "Akin na yan" mahinahon kong sabi sa kanila hanggat maaari ay ayokong mgalit sa kanila.

"Pero kuya this scarft is not for a guy like you, can I take it?" Tanong ni Jalie ng nakangiti, na para bang sigurado syang papayag ako.

" no that's mine I'm keeping it for years now, that's my friends gift" napangiti ako ng banggitin iyon. At maalala ang nakaraan ko.

Ibinigay naman saakin ng kambal ang scarft at agad ko iyong isinilid sa aking closet, pero pagbalik ko sa kanila ay parehas silang nakanguso saakin.

"Ano tara na?" Aya ko sa kanila. Nangunguna-ngunang lumabas ang kambal saakin. Kinuha ko na ang susi ng kotse ko, dahil baka masigawan ako nitong dalawa kapag nagtagal pako.

"Kuya let's use your car nalang!" Sabi ni Jamie mula sa salas.

"Okay then" natatawa kong sabi, kahit kailan talaga ang mga kapatid ko mga boss. " I'll call first your hyungs, so they can join with us?" Bigla nalang lumabas sa bibig ko, siguro dahil alam kong may gusto tong mga to sa mga kapatid ng mga kaibigan ko.

"Kasama si Dart?" Tanong ni Jamie

"Ehh si Louis, kuya" tanong naman ni Jalie.

Destined for You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon