CHAPTER 17

388 10 0
                                    

DESTINED FOR YOU
Dedicated for:
—Mr. QCC


CATE'S POV
Uwian na pero naiinis parin ako, hindi ko talaga matanggap ang nagyari sa buhok ko. May value kase yon kaya ganito ako mainis. Sakay ako ng kotse ko ngayon. Nauna na ako sa mga kaibigan ko dahil wala ako sa mood ngayon.

Kada titingin ako sa salamin, nakikita ko ang sarili ko sa ganoong ayos. Yung mahaba kong buhok biglang umikli na syang ikinapuputol ng butse ko.
Nag-stop signal ang traffic light kaya bigla akong napa-preno.

Hinampas ko ang aking manibela dahil mas nadagdagan pa ang inis ko. "Arghh, bwiset! Bwiset! Bwiset!" Napatingin muli ako sa salamin. " pasalamat kayo ayaw ko ng gulo, dahil kung hindi hindi ko kayo mapapatawad" bulong ko habang tinititigan ang sarili sa salamin.

Nag-go signal na ang traffic light, kaya tinapakan ko ang aking gas, sobrang bilis kong magpatakbo ngayon, wala akong pakealam sa speed limit sa kalsada ngayon, basta ang nasa isip ko lang ay gusto ko nang maka-uwi ng bahay at magkulong sa kwarto.

Nang makarating ako sa tapat ng subdivision namin ay napatigil ako dun sa park, nakita ko si happy na nandoon na naman, tumigil ako don saglit at ibinaba ang aking windshield.

"Happy! What are you doing there? Pano ka ba nanakalabas ng bahay?" Pagtawag ko sa aking alaga. Agad naman itong lumapit sa akin kaya sapilitan kong inibot ang pintuan ng aking kotse para mabuksan.

Nang mabuksan ko iyon ay sumampa na si happy sa loob. "Baby, bakit nandyan ka nanaman? Ikaw talaga nagiging psaway kana ah"

Nag-drive na ako papunta ng bahay, nai-park kona ang aking kotse na parking area namin.

Ipinagbukas ko si Happy ng pinto, nagunguna-nguna syang bumaba at pumasok ng bahay. Kinuha ko sa likod ang aking sling bag, yes kahit may locker samin nagdadala parin ako non.

ais
Pagkapasok ko ng bahay ay walang tao sa salas. Siguro ay nasa kusina or mga kwarto nila ngayon. Papaakyat na ako ng biglang lumabas si mama galing kusina, naka-apron pa habang hawak ang isang wooden spatula.

"Hi Baby, ohhh....what happen to your hair?" Nagtatakang tanong ni mama habang lumalapit saakin.

Lumapit ako sa kanya upang yumakap. "Nagpagupit lang ako Ma, new hairstyle for this year" saka ako ngumiti ng labag sa loob.

"Ohh....I like it, bagay sayo anak" habang hinawakan nya ang aking magkabilang pisngi.

"Thanks Ma, sige na po ma, punta na po ako ng kwarto" tumango lamang si mama kaya nagtungo na ako sa aking kwarto. Sumalampak ako sa aking kama, at niyakap ng mahigpit si Happy. "Baby, wala na yung mahabang buhok ni mommy mo" paglalambing ko sa kanya.

Tumayo ako para pumunta sa banyo, maliligo muna ako baka sakaling mabawasan ang init ng ulo ko.

After I take my bath I wear, cargo jeans, tank top, denim jacket and some boots. Pupunta muna ko sa firing station dito sa Leviathan.

Iniwan ko nalang si Happy na natutulog sa kama dahil hindi ko sya pwedeng isama. Nang makababa ako ay wala parin akong nakita sa salas kaya nagpatuloy nalang ako sa labas.

Ini-start ko ang aking motor at umalis na ng subdivision namin. Let me use my illegal intelligence on driving. Lampas sa speed limit ang pagpapatakbo ko kahit naka-stop ang traffic light, go parin ako.

Mabilis ko lang narating ang aking pupuntahan. Pagpasok ko sa loob ay agad na bumungad saakin ang mga tao roon. Tinatanguan ko na lamang sya.

"Good afternoon, Maam Cassandra" bati nya ng nakangiti.

Destined for You Where stories live. Discover now