CHAPTER 8

501 20 3
                                    

DESTINED FOR YOU

DARREN'S POV 
Mali talaga ang kutob ko sa babaeng yon, kay Cate di ko alam pero mali talaga na kalabanin pa sya ni Aero.

"So ano Dre, anong plano mo? Bakit ba kase ang init lagi ng bunbunan non satin" sabi ni Axel na para bang pasan nya ang lahat sa sobrang pagkakunot ng noo.

"Edi pahirapan ano pa ba?" Sabay suot ng nakakalokong ngisi. May pinaplano tong hindi maganda.

Di nalang ako nagsalita dahil maraming bumabagabad sa isip ko, narinig ko na lamang na nagbeep ang cellphone ko.

Kinuha ko ito ng makit ang text ng pinakamamahal kong babae.

BOO:
   Hello BOO, how's your day? Sorry ah di tayo makapag-meet di ko kase matakasan si ate, you know naman.....

Napangiti ako dahil hindi nya ako nakakalimutang kamustahin. Araw-araw sya kung tumawag at mag-text saakin. Matagal ko rin syang niligawan. Kaso hindi ko pwedeng ipagsabi sa iba dahil delikado sya sa ate nya.

Matapos mabasa yon ay agad na akong nagtipa ng text.

ME:
Okay lang naman BOO, ikaw ayos lang ba? Wag ka nang sumama sa ate mo ngayon huh.....and sa Saturday may pupuntahan tayo...

Ilang saglit pa lamang ay nakapagreply na sya...

BOO:
Saan naman tayo pupunta? pero pa makakatakas ako go ako dyan pero alam mo namang bantay sarado ako ni ate

ME:
Syempre secret ko yon, just prepare your self, sabihin mo nalang ulit na may bibilhin ka lang I love you BOO ko

BOO:
Sige.... I love you too...

Ngumiti na lamang ako at sinilid sa aking bulsa ang aking telepono at nagpatuloy sa paglalakad.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan huh Luckie?" Tanong saakin ni Axel dinko namalayan na nasa harap ko na pala sya.

"Bakit masama na ba ngayon ngumiti?" Pagbabalik ko sa kanya ng tanong.

"Hindi naman....." nanlulumo nyang sabi. Para ka tuloy pinagsakluban ng langit at lupa. "Oh Aero anong muka yan" tanong ko sa kanya dahil kanina pang nakakunot ang mga noo nya.

"Si Czayra, feeling ko parin may tinatago sya sakin" sabi nito sa isang seryosong tono.

Di nalang kami sumagot ni Axel sa likod nya. Dahil baka may masabi pa kaming mali at malagot pa kami.


AERO'S POV
Papasok na kami ng cafeteria ngayon nang may nakaupo sa kabilang special table at sina Hangin yon.

Nice using special table huh.....b-but why? Naglakad kaming tatlo papunta sa table namin na katabi lang ng table ng Hangin.

Nakita ko pang inihahain na sa kanila ang mga binili nila, at yung sa kanya ay......what?? Kaya sobrang payat eh kung kumain parang tuta isang slice lang ng mocha cake at apple juice.

Si Darren na ang omorder ng kakainin namin. Di ko maiwasan na mapatingin sa kabilang table. Bwiset naman Aero bakit mo sya nililingon!? Nakita ko pang hindi parin sya kumakain. What the inuna pa ang lollipop sa pagkain ah?  Teka bat ba ko nagagalit? Bwiset!!! Pinilit kong wag lingunin ang mesa nila.

Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain ay nakita ko na tumayo na sila isa-isa. " tara nalang sa library maaga pa naman eh" yaya nung isa sa kambal na kasama nya. Sya kaya ung nililigawan ni Axel?! And hirap naman eh! Halos magkamuka rin sila...

Destined for You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon