CHAPTER 62

299 10 2
                                    

DESTINED FOR YOU


(A/N): wag kayong magagalit kung halos bawat chapter natin lagi akong nag-a- I love you sa inyo ah! Sabihin nyo sa mga jowa nyo na (kung meron? HAHAH) na wag maseselos HAHAHA...Coz everyone deserves to be loved...

Kaya! I LOVE YOU ALLLLLL!!




CATE'S POV

"Cate halika na!!" Sigawni Heather habang nagtatampisaw sa tubig dagat.


Silang apat pa lang nina Alliyah, Heather, Darren at Axel ang naroon, yung isa may gagawin daw narinig ko kaninang sabi kay Axel. Narinig ko lang huh! Aksidenteng sinasadya!


"Later!" Sigaw ko pabalik, hindi na nila ako pinansin at lumangoy na palayo sa likod ng mga bato. "Kinginang mga to, iniwan na talaga ako ng tuluyan" bulong ko.


Hindi ko pa natatanggal ang shorts at shirt ko, pero naka-tapak na ako. Hindi ko na rin kase sinuot ang flat shoes ko papunta dito sa buhangin, sinuot ko nalang si Doraemon—este yung tsinelas kong Doraemon.


Tinatamad pa akong maligo , samantalang sina Alliyah at ang kakambal nya nakaligo na'rin sa pool dito. Diba matinde?


Mag-isa lang akong nakaupo dito sa buhanginan, may nakasapin lang na blanket tapos may malaking payong pansangga sa araw. Ewan ko'ba sabi ko sa cottage nalang pero mas gusto daw nila sa ganito.


Habang pinapanood ko ang paghampas ng alon ay hindi ko maiwasan hindi kumanta.


"Hey, have you ever tried, Really reaching out for the other side" feeling mo Cate! Feeling maganda ang boses! Pero maganda naman talaga hindi ko maiwasang hindi mapangiti, dahil sa Mr. And Ms. XCA na yon kung bakit ko sya nakilala. "I maybe climbing on rainbows, But baby, here goes" dahil don kaya ako nasasaktan ngayon.


Humahapdi na ang mga mata ko, ilang sigundo pa ay sigurado akong tutulo na naman ang mga luha ko. Bigla nalang umurong ang luha ko ng may maupo sa tabi ko.


Nilingon ko iyon at nanlaki ang mata ko. "Don't mind me, continue singing" si Aer—kumag ang nasa tabi ko!!


Tangina ang awkward!! Wala akong masabi! Ayaw bumukas ng bibig ko parang bigla kong nalulon ang dila ko. Hindi na ako nagsalita o kahit gumawa ng katiting na tunog. "Thanks for inviting me" nagsalita nanaman sya!! Kaso seryoso at walang emosyon.


Nanatili lang ang mata ko sa paghampas ng alon. "Hmm...you're welcome" sa wakas nakasagot rin ako!! Halata ba na kinakabahan ako?! "By the way how's kambal?" Tsismis muna tayo Cate ganon?


Para kaming tangang nag-uusap na hindi naglilingunan. "I guess they're fine" I guess?? Guess mo muka mo!


Tumango-tango lang ako, para kunyari naiintindihan ko ang sinasabi nya kahit hindi naman. Tumayo na ako para maligo. "I need to go, baka hanapin na ko nina Alliyah" paalam ko. Bakit ba ako nagpapa-alam?! Bakit?! Pero okay na yon, diba parang ang rude naman kung aalis ako bigla?! Ang rupok mo Cate!!


Tumayo nalang ako para tanggalin ang shorts at shirt ko, tinupi ko iyon at ipinatong sa tabi ng gamit nina Heather. Ngayon nakasuot nalang ako ng two peice na kulay itim. Naglakad na ako palayo sa kanya para lumusong sa tubig.


Destined for You Where stories live. Discover now