CHAPTER 29

378 15 3
                                    

DESTINED FOR YOU


CATE'S POV
Nasa VIP Room kami ngayon. Nagsimula na kaming mag-inuman. Naka ilang shot na ko ng alak pero wala parin akong tama, samangtalang si Axel mukang dito na balak matulog.

"Ikhaw Keyt? Kung mag boboypren kha uleyt? An-anong usto mo s-sa lal-aki?" Lasing na lasing na tanong ni Axel.

"Me? Ang gusto ko lang yung hindi ako ipagpapalit....yung hindi nang-iiwan" saka ako ilit lumagok ng isang lagok.

Tahimik lang ang dalawang kaibigan ni Axel. Habang mas nagtatagal, tinatamaan na rin ako, unti-unti na rin akong nawawala sa sarili ko. Unti-unti na akong nilalamon ng alak.

"Cate tama na" narinig kong saway sakin ni Lucy-fer. Aagawin na sana nya sakin ang alak ng ilayo ko iyon sa kanya. Hindi pwede. Kailangan ko munang magpakasaya para kalimutan lahat!

"An-ong tama na? H-hindi.....kay-ya ko pa..." saka ulit nilagok ang alak. " tara Axel sa labas! Sasayaw tayo!"

AERO'S POV
Pilit kong inaagaw ang alak kay Cate. Pero pilit nya rin yong inilalayo. " tara Axel sa labas! Sasayaw tayo!" Ay nya kay Axel. Shitt masyado na syang lasing.

"Cate, tama na lasing ka lang, iuuwi na kita" inabot ko ang kanyang braso pero iniiiwas nya iyon saakin.

Hinarap nya ako at nilagok ang laman ng bote ng alak. "Ako? Lal-sing? Hindi ahh....sinong *hik* lal-si-sing?" Habang sumisinok sya.

Hindi sya nagpatalo at hinila nya si Axel palabas ng VIP room.

"Ikaw nang bahala mag-uwi kay Cate, ako na kay Axel" si Darren. Tumango na lamang ako at kinuha ang mga gamit ni Cate na nilapag nya sa sofa.

Dali-dali akong tumakbo palabas ng VIP at inilibot ang aking paningin sa paligid. Shitt Cate... nasan kana ba??

Nagpunta ako sa taas para mas madali syang makita pero wala talaga. Gusto kong ipatigil lahat ng nagaganap sa loob ng bar na iyon, para makita ko silang dalawa. Pero Bwiset! Nag-aalala na ko kay Cate! Damn!


CATE'S POV
Pagkalabas namin ay agad na kaming nakihalo sa mga nagsasayaw sa dance floor ng bar ngayon. Wala akong pakialam sa paligid basta gusto kong makalimutan ang lahat ng sakit ng kahapon.

Sa kalagitnaaung pagsasayaw ko ay nawala sa tabi ko si Axel. Di bale na sigurado naman akong nandyan lang yon at naghahanap ng chixx.

Nagpatuloy ulit ako sa pagsasayaw, ng nasa gitna ako ng dance floor ay may naramdaman akong lalaking nagsasayaw sa likod ko. At parang naiipon ang dugo ko sa ulo ko.

Umalis ako don at nagpunta sa gilid ng dance floor, pero nandon pa rin sya at nagsasayaw sa likod ko. Isang-isa nakang maaga kang papanaw....

Hindi parin sya tumitigil sa pagsasayaw hanggang sa na-bwiset na talaga ako. Nagpunta ako sa likod ng bar. Don ako dumaan sa fire exit para walang makapansin.

Naramdaman ko pa na nakasunod parin sya saakin. Ng nasa labas na ako ay tumigil ako para lingunin sya.

Nakangisi sya saakin. Malayo naman sya sakin pero kita ko ang kabuuan nya. Malaki ang katawan nya, at isa lang ang nakikita ko, tinitigan nya ko in the way na para syang asong nauulul.

Balot na balot pa ko nito huh! Wag kang lalapit kung ayaw mong pumanaw na hayop ka

Pero salungat ang nangyare sa aking isip. Unti-unti syang lumapit saakin. Habang lumalapit sya ay hindi ako nagpatinag at hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. You can't scare me bitch!

Destined for You Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang