CHAPTER 40

487 16 5
                                    

DESTINED FOR YOU

SUP-RAYSSSSSSS!!!

Authorist notist:

Bigyan ko kayo ng trivia about sa characters ^•^

•Meron akong characters dyan na magkakapatid sa totoong buhay....HHAHA, sina Ate Alliyah, Kuya Ace at Aero....magkakapatid talaga sila, studyante sila ng ate ko, ehhh alam nyo na naging Crush ko yung isa don {^,^} kaya don ko kinuha name nila. Pero si ano na Crush ko HAHAHA, jp beke nemen...

• yung kay Liam Ace (si ace) yung Liam galing don sa movie ng the darkest mind....try nyo panoodin yon...maganda...shett naiyak ako don amp!


AERO'S POV

Hindi ako sa bahay namin umuwi, baka mag-alala pa sina kambal tsaka si Dad kapag nakita nila ang nangyari sakin. Si Mom..hindi ko naman nakikitang nag-aalala sya.



"Dre....tabi nalang tayo gusto mo?" Sa bahay ako nina Axel matutulog.



"Bading ka ba at ako ang gusto mong katabi?" Natatawa kong tanong. Binato naman nya ako ng unan galing sa gilid nya.



"Sa dami ng chixx ko, sasabihan moko ng bading" halos lumuwa na ang mata nya "malabo dre,malabo, lalaki to oy!" Saka nya hinampas ang dibdib nya na parang gorilla.



"Tigil monga yan, muka kang unggoy" saka ko inayos ang unan na gagamitin ko.



Hihiga na sana ako ng pumasok si Tita Jeshyn, mama ni Axel. "Aero, sigurado kaba na ayaw mo don sa guest room matulog?"


Agad naman ako umiling. "Okay na po ako dito tita...Thank You po" then I smile.


Kanina pa nila ko pinipilit na don nalang sa guest room matulog pero panay din ang tanggi ko, nahihiya kasi ako sa kanila.



Tita Jeshyn nodded, bago sinara ang pinto. "Goodnight Dre!" Sigaw ni Axel saakin.



"Goodnight" tugon ko naman tsaka sya nginitian.


Iniayos kona ang higa ko, kinumutan kona rin ang kalahati ng katawan ko. Malawak naman ang sofa ni Axel dito sa kwarto nya kaya sakto lang ako.



Inilagay ko ang aking mga braso sa likod ng ulo ko. Medyo kumikirot pa yon dahil sa nangyare kanina.



Narinig ko pa na tumumog ang cellphone ko. Agad ko naman iyong inabot sa katabi kong lamesa.



JALIE:
Kuya...hindi kaba talaga uuwi? Nag-aaway kase sina mom at dad...natatakot kami ni Jamie.



Napangiti naman ako kasabay ng pagngiwi, agad ding nantipa ng isasagot sa kanya.




AKO:
Sorry Jalie, hindi makaka-uwi ang kuya eh....don nalang muna kayo matulog ni Jamie sa kwarto ko, pero wala kayong pakikialaman na gamit ha...



Sound proof yon kaya makakatulog sila ng ayos. Saglit pa akong pumikit bago muling dumilat ng dalawang beses tumunog ang cellphone ko.



JALIE:
Sige kuya Goodnight, i love you!


JALIE:
i love you din daw sabi ni Jamie...


Agad ako nagtype ng text sa kanila.

AKO:
Sige na...matulog na, mahal din kayo ng kuya....


Saglit pa akong naghintay ng text nila. Nang umabot sa sampung minuto na wala silang reply ay ibinalik kona ang telepono ko sa lamesa.


Destined for You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon