CHAPTER 16

399 13 3
                                    

DESTINED FOR YOU
Dediicated to:
—Mr. Ampol HAHAH

AERO'S POV
Kadadating ko lang ng school kasama sina Darren at Axel. Inihatid ko na rin si Love sa room nya. Nagpa-late talaga kami kase wala naman yung dalawa naming lecturer.

Pagkapasok ko ng room ay nakita ko si Natsu na natutulog, what if? Nice idea gwapo.

"Oh Aero wag mong pagnasaan yang si Cate ah" pang-aasar sakin ni Axel.

Nilingon ko sya at sinamaan ng tingin. "Eh kung ihahis kaya kita don sa first floor?"

Nilapag ko sa upuan ang gamit na dinaan ko kanina sa locker ko. "Hmmm... may dala kayong gunting?" Tanong ko sa dalawang bakulaw sa tabi ko.

Nilingon ako ni Darren "Oo, bakit? San moba gagamitin?" Nagtatakang tanong ni Darren.

"Sanba ginagamit ang gunting? Pahiramin mo nalang ako andami mo pang dada ehh" sarkastiko kong sabi.

Iniabot naman nya ang gunting saakin, dahan dahan akong lumapit kay Cate. "Hoy Aero ano yan? Wag mong papatayin si Cate huy! Maghulos-dili ka naman!" OA na reaksyon ni Axel. Mamamatay tao lang ha Axel?

"Alam mo minsan bawasan mo pagkakape mo, masyado kang nerbyoso, hindi ko papatayin okay?" Nagpatuloy ako sa paglapit kay Cate. Sakto namang nakalugay ang mahaba nitong buhok.

"Ehh anong gagawin mo?" Si Tsismoso paren.

"Masyado nang mahaba ang buhok nya, paiikliin ko lang"

Patakbong lumapit saakin si Darren at Axel. "Ano bang pumapasok dyan sa kokote mo Aero?" Si Darren. "Mapapahamak ka lang ehh"

"Hindi naman ako mapapahamak kung hindi nyo sasabihin diba?"

"Pero——what the hell!!" Mura ni Axel matapos kong igupit ang gunting sa buhok ni Cate.

"Walang pero-pero, sinimulan nya ang gulo? Papatulan ko lang" saka ako nagpatuloy sa pagupit sa buhok nya. Much better kung hindi pantay diba? Hahahha

Masyado akong nasisiyahan sa paggugupit sa kanya. Kanina dapat hanggang bewang lang yung ibabawas ko eh, medyo masaya pala maggupit kaya ginawa kong mga hanggang balikat nalang.

"Yan, diba bagay sa kanya? Ganyan dapat hair style nya, hindi pantay-pantay cut" saka ako ngumisi. Buti nakang hindi nagising tong Natsu na to. Ibinalik ko na kay Darren ang gunting. "Tara na muna sa labas, ang boring na dito"

"Pag yon nalaman ni Cate, maghanda kana makalbo" si Axel habang dali-daling pinupulot ang mga buhok sa sahig at inilagay sa isang supot.

"Basta ba walang magsasalita sa inyong dalawa eh, Oy Darren yang bibig mo ha"

"Ako pa talaga ha? Yang si Axel ang sabihan mo alam mo naman yang bibig nyan may sa sirang plaka"

Lumabas kami ng room, syempre masyado akong masaya kaya palagi akong nakangiti at nasa good mood. Pagkalabas palang namin ay pinagkakaguluhan na kami. Ohhh, my appeal is spreading

"Hello Papa Aero!" Sigaw ng babae

"Hi" bati ko rito, you know I'm in a good mood.

Destined for You Where stories live. Discover now