CHAPTER 54

294 9 4
                                    

DESTINED FOR YOU



AERO'S POV

Nagpaalam ako saglit kayna Cate na pupunta ako ng CR. It's already Friday, mamaya na ang flight nya papuntang Japan. Ewan ko ba parang gusto ko syang pigilan.




Pabalik na sana ako ng makasalubong ko Si Stefanie. Plano ko na sana syang lagpasan ng harangin nya ako.




"Payat galit kaba?" Tanong nya. I glanced at her.






"Wag mo kong tawagin nyan" naalala ko yung sinasabi ni Cate na nagseselos sya. " anong eskandalo yung kahapon huh?!" Hindi ko pa sya natatanong dahil masama parin ang loob ko sa kanya. "Hindi porket pinakilala kita sa buong Campus bilang kaibigan ko, lalaki na yang ulo mo!"





Nakayuko lang sya habang magkahawak ang kamay. "eh kasi..."





"Eh kase ano?! Dahil may gusto ka sakin? At inaakala mo na inagaw ako ni Cate sayo?!" Nasapo ko ang aking muka. "Tang ina naman Stefanie!" Yun ang sabi ng kapatid nya sakin. Akala nya magugustuhan ko rin sya.





"Diba ako si Diandra? Ako yun diba? Ako dapat yung mahal mo! Ako dapat yun eh" para syang bata na nagdadrama dahil hindi binigyan ng laruan. "Aero ako nalang please..." hinawakan nya pa ang kamay ko.






"Stefanie tama na....umalis kana..." ayaw kong magalit sa kanya hanggat maaari.






"Aero please...ako yung para sayo oh, bakit?" inis kong tinanggal ang pagkakahawak nya sa braso ko.






"Tanga ka ba?! Tangina! Stefanie! Ilang beses ko bang sasabihin sayong hindi kita mahal! Kaibigan lang kita! Ano bang mahirap intindihin don?" Tinulak ko sya para lumyo sya sakin. "Si Cate! Sya lang ang mahal ko!"





Nilagpasan ko na sya, hindi ko pa rin inaasahan na nagbago na ang ugali nya. Hindi sya ganon noon. Hindi sya ang Diandra na nakilala ko.






Kinalma ko muna ang sarili ko bago tuluyang bumalik kay Cate. "Tumae ka yata Aero eh" biro ni Axel sakin.






"Salaula" bulong ko bago ngumiti. "Hey babi.." paglalambing ko kay Cate. "Wag kana kayang pumunta ng japan yung kuya mo nalang?"






Bigla nya akong binatukan. "Hindi nga pwede eh" kagabi ko pa kase syang kinukulit. "Sino yung nag-text sayo kanina?" Shitt! Naiwan ko pala ang cellphone ko sa tabi nya. "Kailan ka pa nakakatanggap ng death threats?" Seryosong tanong nya.






Hindi kami pakinig ng mga kaibigan namin dahil abala sila sa paglalaro ng mga cellphone nila. Simula kahapon. Palagi na naming kasama si Tracie yung kapatid ni Stefanie.





Mabait naman pala sya, napipilitan lang na sumama sa ate nya kase bilin ng magulang nila. No wonder kung bakit sya nagustuhan ni Darren. Matalino sya, mahinhin, medyo madaldal oo, pala kaibigan, maganda, medyo may katangkaran rin. Ibang iba sa ate nya.





Huminga ako ng malalim. "Since my birthday" sagot ko. Halos araw araw may natatanggap ako, pero hindi ko pinapaalam sa iba.





"Dapat sinabi mo kaagad" inis na sagot nya. "Pano kung wala ako sa tabi mo? Oo malakas ka, kaya mong protektahan ang sarili mo, pero alam din natin ang limitasyon mo" that's why Im so inlove with you.. "mahal kita at ayaw kong nasasaktan ka. Saktan na nila ko basta wag ang lalaking mahal ko"





Destined for You Where stories live. Discover now