CHAPTER 77

211 12 8
                                    

DESTINED FOR YOU


AERO'S POV

"Anak hindi kana dapat nakipagsagutan kay Vishkan" si Mama na nasa tabi ng kama ko.


Dinala ako sa ospital nina Beram, kay mama ko lang pina-alam dahil sigurado akong magagalit si Queliah sa tatay namin at ayaw kong mangyari yon, tama ng ako nalang ang galit sa kanya.



"Pano hindi ko sasagutin ma, eh mata palang nakakairita na?" Natatawa kong biro sa kanya. Tinanggal na kanina yung bala sa braso ko, yung sa bi ti naman daplis lang kaya hindi ganong kabig deal.



"Nako...sige magpahinga ka na muna" sabi ni mama bago tumayo.



"Tara na ma uwi na tayo" aya ko sa kanya. "Nakakabagot dito eh"


"Aero..." nagbabanta nyang tono saakin.


"Mama..." nakangisi kong ginaya ang tono nya. "Ma...hindi ako sanay sa ospital...ayoko dito" sabi ko sa kanya.


Naaalala ko kase yung panahong nagising akong wala na daw si Cate, ayoko na pag-gising ko ulet sa kama ng ispital, mangyari na naman yon.



"Sige pero siguraduhin mong magpapagaling ka don" sabi ni mama, para naman akong bata na tumango sa kanya.



"For the mean time Dad, dito na muna kayo" sabi ko kay Dad habang nakaupo ako sa sofa.



Dito ko na muna sila pinapatulog, hindi namin alam kung wala ng galmay si Vishkan dito sa Pilipinas, sabi ni Kuya Mark sya na daw bahala sa lahat, kailangan ko nalang daw gawin e ang magpagaling at asikasuhin ko din daw ang pagsuyo kay Cate. May saltik talaga yon.


Tinignan ko si Queliah na nakikipagharutan sa kambal. Hindi nila alam ang totong nangyari, ang sinabi namin aksidente lang.


Wala paring malay si mom, nandon sya sa kwarto na tutuluyan nila ni Dad dito. Si mama naman parang teenager, biglang natahimik ng dumating si Dad.


"Queliah, kambal..." tawag ko sa mga kapatid ko. "Time to sleep" sabi ko.


Agad namang tumayo si Dad para alalayan ako. Medyo makapal ang balit sa binti ko, kumikirot rin iyon kaya hindi pa ako makalakad ng ayos, ang braso ko naman naka elevate Sling


Umakyat kami sa kwarto ko, "thanks dad" sabi ko ng alalayan nya pa akong humiga sa kama ko.


Nginitian nya lang naman ako bago lumabas ng pinto. "Sayang hindi si Cate ang doctor ko" buling ko habang nakahiga.


Naalala ko kase noong bata pa kami. Sya rin pala ang unang babae na dinala ko don sa garden ang lolo at lola ko, naikwento nila sakin noon. At mukang totoo ang sabi sa nakaraan ng garden na yon, kung sino ang una kong dinala na babae don, sya ang makaktuluyan ko.


Kinabukasan, babalik na rin sina Dad sa bahay nila. Nagpalagay nalang ako ng extra cctv, at mga bantay sa loob at labas ng bahay.


"Ma....inaantok pa ako" reklamo ko dahil ang aga-aga ginigising na agad nya ako. "Mama naman eh—


"I'm not your mom, rock headed kid" agad na napamulat ang mata ko dahil narinig ko ang boses ni Cate. "My brother told me to take care of you" sabi nya.



Pagkamulat ko palang ay sya na agad ang bumungad sakin. Maganda ang gising ko ngayon ahh... nanlaki ang mata ko ng maalala ang suot ko. Ito kase pinaka komportableng suot pag natutulog. Naka boxers lang ako!!


Destined for You Where stories live. Discover now