CHAPTER 9

467 17 4
                                    

DESTINED FOR YOU


CATE'S POV
Pagkalabas ni Aero ay tumayo na ako para ayusin ang sarili ko ngunit bigla namanng dumating sina Heather kaya napigilan nila agad ako.

"Cate, okay kana ba?" Nag-aalalang tanong sakin ni Heather. "Mahiga ka na muna"

Tumango ako sa kanya bilang tugon. Nagtungo ako sa sofa na sinabi ni Aero kanina.

"Cate, mahiga kana lang muna" saad naman ni Heather.

Habang nasa sofa ako ay nilingon ko sila. "Bakit kayo lang dalawa, nasan si Ace?" Pag-iiba ko ng uspaan.

Nilingon ko ang scarf ko at ang aking coat. Maayos ang pagkakatupi nito. P-panong? Nagtatakang sabi ng isip ko dahil ang aking scarf ay ribbon ang istilo ng pagkakatupi nito.

"Huy Cate, san ba sa alapaap lumulutang yang isip mo? Kanina pa kami ni Alliyah dada ng dada dito eh" pagmamaktol ni Heather.

"Ah may iniisip lang, sige mauna na ko may pupuntahan pa ko eh"

"At san ka naman pupunta aberrr?" Nakapamaywang na tanong ni Alliyah.

"Sa airport. Remember? I told you already about that diba?" Saad ko habang ibinababa ang manggas ng aking long sleeve.

"Oo nga pala, eh pano yon pupunta ka sa shop namin mamaya?" Si Heather.

Napakibit balikat na lamang ako. "But I'll try my best susunod nalang ako, basta i-text nyo sakin yung location"

"Sige , bet ko yan" sabi ni Heather.

"Bet kaba?" Pang-aasar naman ng kanyang kakambal.

"Alam mo tumahimik ka nalang baka magdilim pa paningin ko!" Iritadong sabi ni Heather.

"Sige na mauna na ko sa inyo, baka madamay pako sa ayaw nyo eh" pabiro ko namanng sabi sa kanila.

Umalis na ako peo sumunod parin sila saakin. Ihahatid daw nila ako sa sasakyan ko. Syempre dumaan muna ko sa administrators para sabihin na aalis ako.

"Mukang close kayo ng mga administrators ah" pang-aasar ni Alliyah saakin, habang tunutusok ang aking tagiliran.

"Ah yon ba? Wala lang yon, malakas kase ang appeal ko" pagbibiro ko sa kanila. Nakarating na kami sa parking area sa ilalim ng school. "Sige dito nako"

"Saglit lang asan dito yung kotse mo?" Tanong ni Heather, habang nagpapalinga linga sa paligid.

"Ito" sabay turo ko sa sasakyan sa aking tabi.

"Bago nanaman?" Tanong ni Heather at Alliyah saakin patungkol sa kotse ko

"Hindi, matagal na yan sakin, mahilig lang talaga ako sa kotse tsaka sa mga motor kaya iba-iba sila" sabi ko.

"Sige nga.... ilan kotse mo tsaka motor, baka naman mai-donate mona sakin yung isa" sabi ng isang boses sa likod.

Paglingon ko ay taong sungay na naman ang nakita ko. Angel pa ito kanina ah, bat naging demonyo nanaman? Wala tong kasama, wala ang mga alepores nito na si Axel at Darren.

"Uy, donate mona sakin tutal diba sabi mo MARAMI ka namang kotse" pagdidiin nya sa 'marami'. "Tigilan mo nga tang mga kaibigan mo, ganon kaba kayaman para magkaron ng madaming kotse. Ni hindi nga bakas sa pagkatao mo na mayaman ka, muka ka lang tuta sa hawla ng mga leon"

Destined for You Where stories live. Discover now