CHAPTER 2 (first fight)

1K 32 3
                                    

DESTINED FOR YOU

CATE'S POV
Papasok nako ng room ko,  nasa section A ako ngayon umupo agad ako sa pinaka likod habang may pagkakataon. Kumuha ako ng lollipop sa bag ko at saka iyon kinain.

Lumipas ang halos limang minuto ng nadagdagan na ang mga studyante na magiging kaklase ko, lahat silay napatingin sakin buti nalang ay naubos kona ang aking kinakain nang dumating ang lecturer namin.

"Good morning students" panimula nya sa unahan "I'm gonna be you're lecturer for this school year" bati nya, mukha namang mabait dahil maamo ang muka, siguro kasing edad nya lang si mama "I'm Ms.Ibara your English teacher" sabay ngiti saaming lahat. "Students since this is the first day of our school, please introduce your selves here in front and say some quotes or your motto in life" agad namang nagsimula ang mga kaklase ko sa pagpapakilala sa unahan. Nakasuot ren sila sibilyan. Taon-taon, tuwing unang araw ng pasukan laging nagsisibilyan ang mga studyante rito.

Diko namalayan ang oras dahil sa dami ng iniisip, ako nalang pala ang natitira kaya agad akong tumayo at nagtungo sa unahan. Habang naglalakad ako isang babae ang nakaagaw ng aking paningin, nakakunot ang noo nito na direstso ang tingin saakin pero di ko na iyon binigyan ng oras at nagtungo na lamang ako sa una. "Hello everyone, I'm Cate Dixon" ngumiti ako ng pilit sa kanila "and my motto is Truth without love is brutally, and love without truth is hypocrisy" un nalamang ang sinabi ko at agad na bumalik patungo sa aking upuan.

Magsasalita na sana si Ms.Ibara ng may kumatok galing sa aming pintuan, ilang saglit ang lumipas at bumukas ito. "Good morning miss, sorry for interrupting your discussion" yumuko ito at pumasok sa room. "May I excuse Ms. Cate Dixon"

"Ms. Dixon, come here in front" tawag sakin ni Ms. Ibara, tumayo ako ay pumunta sa unahan.

"Yes Maam? How may I help you?" Tanong ko sa kanya. Nilingon ko si Ms.Ibara kaya bahagya itong ngumiti saakin.

We've decided na ililipat ka namin sa fourth year Highschool, dahil masyado kanang accelerated para sa pagiging third year" nabuhay bigla ang natutulog kong dugo, nababagit kase ako sa mga kakklase kong ito. "Don't worry sa section A ka pa rin naman namin ilalagay, we will process your papers to transfer, and pwedeng bukas ka nalang pumunta  sa klase nya I excused you already. That's all, thank you" yumuko ito at lumabas.

Saglit pakong nanatili sa unahan. "Ms. dixon I think you should go now, Goodluck" si Ms. Ibara.

Ngumiti ako pabalik "thank you Miss" bumalik ako sa upuan ko upang kuhanin ang aking bag, bago ako lumabas ay nagpaalam muna ako kay Ms. Ibara para umalis. Nang makalabas na ko ay agad kong narinig ang pagtunog ng bell na hudyat na break time na.

Bago pa man ako makarating at makapasok sa cafeteria ay marami ang tao dito kaya wala akong nagawa kundi makipagsiksikan at umupo sa isang single table sa gilid, lumapit saken ang isang waitress.

"Ano po ang sa inyo maam?" Tanong niya saakin.

"One slice of mocha cake at isang apple juice" nginitian ko ito nang ngumiti sya saakin.

"Ok Maam, one minute to serve" saad nito tumango na lamang ako bilang sagot sa kanya. Kumuha ako ng lollipop sa aking bag at kinain iyon habang nag-hihintay sa aking pagkain.

Kapansin pansin ang isang table na walang nakaupo pero biglang nag-alingawngawan ang mga tilian at hiyawan ng mga babae sa bandang labas ng cafeteria, dumating rin ang pagkain kasabay ng mas lumalakas na pag ingay sa labas.

"Thank you" sambit ko sa babaeng waitress, susubo na sana ako ng cake nang biglang may bumuhos sa aking buhok na likido at dumaloy papunta sa aking coat. Tiningala ko ang aking likod at nakita ko ang isang lalaki na napaka laki ng ngiti sa mukha.

Destined for You Where stories live. Discover now