CHAPTER 46

365 14 1
                                    

DESTINED FOR YOU


NOTE!!

Mahal ko kayo, kaya wag nyo intindihin yung nasa paligid nyo, wag nyo sila pansinin, patunayan mo ang sarili mo, kaya natin to! Aja!!

Labyu oll!!



CATE'S POV

Last day na namin, mamayang hapon uuwi na kami dahil may pasok pa bukas. Maaga akong nagising, tiningnan ko kaagad ang cellphone ko.




Maraming text don galing kay mama, kuya, nana at sa halimaw kong tatay. Hindi nila alan kung san ako pumunta, ang alam lang nila may school project kami. Inuna kong buksan ang kay mama.



MAMA:
  Anak nasan ka?

MAMA:
  Nag-aalala na ako Nak...

MAMA:
  Sagutin mo naman ang tawag ng kuya mo Cate

MAMA:
   Anak, nasan kana ba? Umuwi kana Cate

Marami pa syang text pero tinatamad nako magbasa, sinunod ko naman ang kay Kuya. 132 text at 213 miscalls. OA ka bro?



BROTHERHOOD:
  Cate, where are you? Nagpapanic na si mama


BROTHERHOOD:
  Hey, nasan kaba? Nagpapnic na rin tatay natin dito, tatawag na daw ng pulis.


Talaga lang huh? Nag-aalala pa sakin halimaw na yon? Bahagya lang akong tumawa habang nakahiga.

BROTHERHOOD:
  Hey, is this my fault? Sorry...just come back please..



Hindi ko na rin binasa lahat, paulit-ulit lang naman sasabihin nya. Tsaka tamad akong nagbasa.




Si nana naman limang text lang, puro din 'umuwi kana' tsaka 'nasan kaba Cate?'. Yung sa magaling ko namang tatay, puro pagbabanta. 'Iuuwi kita sa Europe kapag hindi ka bumalik dito' 'nasan ka bang bata ka?' 'Yan ba ang natutunan mo dito?!'




Napa-irap nakang ako bago ibaba ang cellphone ko sa lamesa malapit sakin. Bumangon na ako para magsipilyo sa banyo.




Naligo na din muna ko at nagpalit ng white off-shoulder na naka-tuck in sa high waisted kong pantalon, nag-flat shoes lang ako na may maliit na design ng doraemon.




Natapos na kong magbihis, pero si Aero tulog na tulog parin sa kama nya. Lumapit ako sa kama nya at dahan-dahan akong umupo roon.




"Aero..." bulong ko bago bahagyang tapikin ang balikat nya. "Huy! Aero...tulog mantika kang bata ka ha" mas nilakasan kona ang boses ko.




"Hmmm?" Tanong nya pagkamulat nya. Kinusot nya saglit ang mata nya. "What time is it?" Tanong nya habang humihikab.



Tumingin muna ako sa wrist watch ko. "Mapa-five na" tinapik ko ang tagiliran nya, pati ang pisngi nya. "Bilis na" tatayo na sana ako ng bigla nya akong yakapin.




"Ten minutes" sabi nya habang yakap nya ako mula sa likod. Nakahiga sya habang nakasiksik ang ulo sa bandang leeg at likod ko.




Sinubukan kong umalis pero mas hinihigpitan nya lang ang pagkakayakap nya sakin. "Bilis na...mahuhuli ka mamaya tingnan mo"




Pinipilit kong tanggalin ang braso nya na nakapulupot sa bewang ko. "Six pa tayo aalis babi, mabilis kang ako maligo pati mag bihis" siniksik nya pa lalo ang ulo nya sa nay bandang leeg ko. "Ten minutes lang please..." sabi nya. Tss..parang bata...




Destined for You Where stories live. Discover now