CHAPTER 6

518 15 1
                                    

DESTINED FOR YOU


AERO'S POV
Bumukas ang pinto ng aking study at niluwal ang kambal at kapatid ng dalawang kulapog dito. Mga mukang pinagsakluban ng langit at lupa ang mga muka ng mga to.

"Ano balita nilitis ba kayo nina tita?" Tanong ni Darren na para bang inaasar pa ang kapatid at si Louis .

"Hindi naman.. tsaka.... pumayag sila" masaya nitong sabi.

Di na to bago saakin, madami ng nagtangkang manligaw sa mga kapatid ko pero saakin palang hindi na pumapasa, lahat ng manliligaw nila ay dumadaan muna saakin bago kayna mommy.

"Nice.. wag nyong paiiyakin tong kambal kundi...magtatago kayo sa likod nyang mga  kapatid nyo" panloloko konsa kanila. " may tiwala ako sa inyo" nakita kong nakatawa lang ang magkakapatid at wala ang kambal.

"Kuya" pagtawag ng kambal saakin galing sa likod.

"Bakit?" Tanong konsa mga ito, nakangiti ang mga ito ng pang-aso at nasa likod ang mga kamay.

"Close your eyes, we have a surprise for you" tanong ni Jamie habang unti-unting lumalapit saakin.

Pumikit naman ako para mapagbigyan sila. Naramdaman ko na nakatigil na sila sa harapan ko.

"Are you ready kuya?" Tanong ni Jalie. " open your eyes kuya" deklara na.

Pag-bukas ko ng aking mga mata ay inihampas nila saakin ang cake kaya kumalat sa muka ko ang chocolate nito. Natawa ako dahil hindi ko inaasahan na yon pala yon.

"Surprise" sabay sabi ng dalawa habang nakataas pa ang kamay.

Narinig ko pang nagtatawanan ang apat na kulapog sa gilid ko. Kaya pala nawala yung cake kanina 

" yan dre sweet kana"Natatawang asar ni Axel saakin.

Napuno ng asaran at tawanan ang pag-uusap. Dahil mag-gagabi na ay umuwi na rin sila Axel at Darren.

"Thank you for this day kuya" sabi ng kambal at yumakap saakin.

Tumango ako sa mga ito "sige na matulog na kayo at maaga pa kayo bukas sa pagpasok" inihatid ko sila sa pinto ng kanilang kwarto. "Goodnight" sabi ko sabay halik sa kanilang noo.

Nagpunta na ako sa aking kwarto para makapag-paginga. What a nice day  except sa masamang hangin na nakita ko...

Tuluyan na akong nilamon ng antok kaya agad rin akong nakatulog.


CATE'S POV
  Pumunta ako sa art boutique para bumili ng kahit anong art stuff, bumili rin ako ng mga pocket books. Kase sa pocket books na love story, pagkakipas ng mga taon mahal ka paren.

Nakakita ako ng kambal na nagtatalo sa painting section. Nilapitan ko ito dahil mukang alam ko naman ang pinagtatalunan nila.

"Ito nalang kase neon ung kulay" sabi nung isa.

"Ito nalang kase glow in the dark para pag walang power satin may ilaw tayo" sabi naman nung isa na ikinatawa ko.

"Jalie, we can use our generator" sabi nung kakambal nitong Jalie.

"Ahh basta itong glow in the dark ang kukunin natin" pagpupumilit nitong si Jalie.

"Ahmm... hi" bati ko sa kanila, nagulat sila sa aking presensya kaya nagpakilala ako sa kanila. "Ako si Cate, you can call me Ate Cate if you want. Don't worry I'm not bad, I just want to help the both of you to pick your painting stuffs" sabi ko sabay ngiti sa kanila. Di naman ako mukang dragon diba?

Destined for You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon