CHAPTER 76

221 10 9
                                    

DESTINED FOR YOU



AERO'S POV

"Mama, sa tingin mo, pumayag si Cate na ligawan ko sya?" Tanong ko kay mama habang pinupunasan ang baril ko. Sindikato pamilya namin kaya ayos lang kung makita nila akong may hawak na baril.


"Si Silent Dragon liligawan mo?" Takang tanong nya saakin. "Anak alam mong mahirap, ikaw ang ikalawa at sya ang pinuno" pagpapa-intindi ni mama saakin.


Sinabi sakin ni mama na hindi daw pwedeng maging mag-asawa ang pinuno ng organization pati ang ikalawa, kaya din daw naghiwalay sila ng tatay ni Cate, medyo may kaharutan din tong nanay ko, dami ding naging jowa eh.


"Alam ko ma, pero pwede namang sirain ang patakaran na yon diba?" Tanong ko. Hindi naman lahat kailangang sundi, dahil may mga bagay na kapag sinunod mo, ikaw lang din ang masasaktan.


"Hindi natin sigurado anak" sabi ni Mama, tumango nalang ako ng bahagya bago ituloy ang ginagawa.


Pagkatapo kong linisin ang baril ko ay nagpunta na ako sa kwarto ko. "Tayo ang babago ng patakaran Cate, tayong dalawa" bulong ko.



"Dad bumili kana ng crib!" Sigaw ni Keanu kay Kuya Mark. Talagang hindi nya tinitigilan ang dad at mom nya tungkol sa baby corner kuno. Ito namang si Kuya Mark kinukunsinti.


Isinama nila ako dahil daw gusto ni Keanu na kasama ako. Ewan koba bakit botong boto sakin ang soon to be pamangkin ko.


"Hey, Aero... choose what kind of crib do you want" utos sakin ni kuya Mark. Parang nanigas ang katawan ko dahil sa sinabi nya.


"B-bakit ako?" Takang tanong ko sa kanya. "Pwede namang si Keanu nalang"



Napalunok ako ng laway ko ng taasan ako ng kilay ni Kuya Mark. "Choose" seryosong utos nya. Baka bawiin nya yung boto sakin!!



"Yung kulay puti" saka ko tinuro yung medyo malaking crib. "Y-yun nalang" saka ako nag-iwas ng tingin dahil sa hiya. Bakit kase ako ang tinatanong eh?!


Nahihiya tuloy ako ngayon kay Cate. Ikaw ba naman ang papiliin ng crib na ilalagay sa kwarto nya? Ano ako asawa nya? Pero pwede rin naman.


Kung sinuswerte ka nga naman, ako rin ang pinapili ng mga iba pang babay stuff. Ampucha! Tatay na ba ako?! Huh?!


"Sorry ah, parehas kaseng sabog yang si kuya at yung anak nya" sabi ni Cate sakin habang nakasunod kami sa kuya nya. Muka kaming magjowa HAHA.


"Ayos lang yon" nahihiya kong tugon sa kanya. "P-pagbigyan mona"


Natapos ang araw na yon na hiyang hiya ako kay Cate, inaasar kase kami ni kuya Mark sa isat-isa, pabor naman saken pero pre! Nakakahiya parin!


Pagpasok ko ng kwarto ko, nakita ko kaagad yung paper bag na pinaglagyan ko ng coat nya, hindi ko parin naiibigay sa kanya, dahil nahihiya ako. Ngayon ako nahiya kung kailang syam na bwan na sya rito.


"Good morning Engineer" bati ni Shayne saakin. Buset na damit yan! Nang-aakit ka gurl?!


"Morning" sagot ko bago nagtuloy sa paglalakad. "Wag kana muna ulit tumanggap ng mga projects, baka magbakasyon muna ako somewhere" paliwanag ko, kailangan kong paghandaan ang pagharap sa halimaw kong ama.


Si Cate muna ang babawiin ko, sya muna ang uunahin ko, bago ang pagbawi ko sa karapatan ko sa mana na yon.


Pumasok lang ako sa opisina ko para magpahinga. Wala rin kase sina mama sa bahay, nagpunta sila ni Queliah kayna Cate. Gusto nila akong isama pero ako na ang tumanggi.


Destined for You Where stories live. Discover now