CHAPTER 79

227 12 1
                                    

DESTINED FOR YOU

CATE'S POV

"Uhmm meron po kayong cold compress? Tsaka pain killer? Tsaka po bandage?" Tanong ko don sa nagtitinda sa drugstore.

Agad namang binigay ni ateng magtitinda ang hinihingi ko. Pagkabalik ko sa kotse nya nandon pa rin sya nagkukutingting ng kung ano-ano.

"Dapat hindi mona pinilit na ilakad to kanina" sabi ko sa kanya habang nilalagyan ng cold compress ang paa nya.

"Kaya ko naman eh, tsaka hindi naman sya masakit—

"Na spain ka, kung pupwersahin mo tong ilakad, lalong mamaga" pag ako nabwiset itataktak ko tong paa nito!. "I'll bring you home na" sabi ko bago tumayo. Nilagyan ko na ng bandage ang paa nya, may siningit pa akong note doon, tapos pina-inom ko sya ng pain killer. "Just tell me your house location, and guide me on how to drive" sabi ko.

"Uhmm...can I barrow your phone?" Tanong ko. Mabilis pa sa alas kwatro nyang iniabot ang cellphone nya.

Ramdam kong nakatitig sya sakin. Hindi ko maiwasang hindi magkunot ng noo. Ganda ko naman sa wallpaper nya... agad ko ng tinawagan ang pakay ko "Hello? Is this Aero's friend?" Bungad ko kay Axel. Hirap mag panggap huh.

"O Cate bakit?"

"uhmm..Axel right?"

"Oo bakit nga?"

"Iuuwi kona sya"

"Pano yung bonding?"

"maybe next time we can bond naman"

"Sige ingat nalang kayo kung ganon"

"okay thank you, see you next time"

"So, let me drive just guide me" sabi ko pag katingin ko sa kanya, ngumiti rin ako ng bahagya.

Nagsimula na akong magdrive. Todo guide nga naman sya, tapos ako kunyari nakikinig pero ang totoo hindi naman. Bigla nalang tumahimik ng mapansin kong nakatulog pala sya.

Nagdrive nalang ako at hindi sya ginising. Kabisado ko rin naman ang daan kaya madali lang para sakin maka-uwi

Bigla nalang akong nataranta ng gumalaw sya, dali-dali kong binuksan ang gps ng kotse nya. Buti nakang sang-ayon sakin ang panahon at pinakisamahan ako.

Tumango lang sya sakin. "Here?" Tanong nya ng nakarating kami sa tapat ng bahay nya. Malaki yon, maganda ang pagkakadesenyo. Napabilib nya ako ron.

"Oo dyan" turo ko sa bahay nya. White and brown ang labas non, modern ang istilo. "Pano ka pala makaka-uwi?" Tanong nya sakin. "Saglit ihahatid na kita" sabihin nyo saking hindi to bobo. Inihatid ko nga sya sa bahay nila! Tapos ihahatid daw nya ko sa bahay namin?! Ano to lokohan?!

"No need, magpapasundo nalang ako kay Kuya" sabi ko bago kuhanin ang cellphone at itext ang number ni kuya.

"S-sige""Halika na muna sa loob, doon nalang natin hintayin ang kuya mo" pag-a-aya nya sakin. Nakss...makakapasok ako sa MANSYON ng kumag.

Nang makapasok kami ay pinaupo nya na ako agad. "Uhm.... kukuha lang ako ng maiinom" paalam nya, iika-ika naman syang naglakad.

"Sabi ng wag ilakad eh, wala ba syang katulong dito?" Bulong ko ng makalayo na sya.

Destined for You Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz