CHAPTER 45

459 15 3
                                    

DESTINED FOR YOU


TRIVIA!!

Do you know?

Alam nyo ba yung movie na UP? Yung lumipad yung bahay gamit yung lobo? Basta yun...heheheh... yung ibon na makulay don na si Kevin na inspired sa dodo bird (Raphus Cucullatus) in real life, isa syang flightless bird, hindi takot ang mga dodo bird sa tao, sabi ng karamihan, tao rin daw ang umubos sa lahi nila, dahil ang kinakain ng dodo bird ay pagkain din ng tao, pero ang dodo bird ngayon sa panahon natin ay extinct na. how sad :((

Now you know....hehehe

Wala lang sher ko lang....heheheh..



CATE'S POV

Nakasakay na kami sa eroplano papunta ng El Nido. Wala naman akong napansin na kakaiba habang papunta kami ng airport. Sinabi kona rin kayna Heather pati kayna Aero na wag sasabihin kung saan kami pupunta.




"Babi" narinig kong pagtawag ni Aero sakin. Sya ang katabi ko. Habang magkatabi si Heather at Alliyah, tapos si Darren at Axel.




Nilingon ko sya. "Hmm?" Tanong ko. Medyo inaantok na ko.






"Nag-book na ko ng suite sa hotel don, pinili ko nakang yung sama-sama tayong lahat, para sigurado" sabi nya. Mabuti na yon para masiguro kong walang bobong aaligid.





"Okay" inaantok na talaga ako. Napatakip pako ng bibig dahil nahihikab ako. "Gisingin mo nakang ako kapag andon na tayo ah" sabi ko, tsaka ko tinanggal ang salamin ko bago ipikit ang mata ko.





Bago ako tuluyang makatulog ay naramdaman ko pa ang pagsandal ni Aero ng ulo ko sa balikat nya at ang pag-akbay nya saakin. Napangiti nalang ako bago tuluyang lamunin ng antok.





"Babi..." nagising ako sa bahagyang pag-alog sakin ni Aero. "Babi, magla-land na tayo... gising kana" sabi nya.





Kinusot ko ang mata ko. Napansin ko ring naka-akbay parin sya saakin hanggang ngayon at may bahagyang nakakumot sa aking Scarf.





Inaantok pa ko, gusto ko pang matulog. Sinubukan ko nalang uli pumikit nagbabaka sakaling makatulog ulit kahit saglit.





Napamulat ako bigla ng ayos. He gave me a soft kiss on my forehead. "Sleepy head" sabi nya bago ako ngitian.





Ngumiti nalang ulit ako bago ko suklayin ng mga daliri ko ang buhok ko. Sinuot kona rin ang salamin ko.




Hindi din nagtagal ang byahe namin at nakalapag na kami. "Wahh!! Yehey walwalan na to!" Excited na sigaw ni Alliyah pagkababa ng eroplano.





"Inom tayo mamaya!" Isa pa tong si Heather na may pasuntok-suntok pa sa hangin. Mga tigreng nakawala sa hawla datingan ah..





"Madami nanamang chikabeybs!" Sigaw ni Axel habang nakatingin sa langit at ngingiti-ngiti pa.





Muntik na syang masubsob sa lakas ng tulak sa kanya ng nobya nya. "Mangbababae ka nanaman! Eh kung pagbuhulin ko kaya kayo ng babae mo tapos iwan kita?!" Sigaw ni Heather sa kanya.





Hindi ko nalang sila pinansin dahil hinila ko si Aero palayo sa kanila, ng makalayo kami ay nag aaway parin sina Axel. Pati sina Alliyah at Darren lumayo na rin.






"Babi, ako na dito" sabi ni Aero saka kinuha ang aking maliit na maleta. Hinayaan ko lang naman sya na dalahin iyon.






Destined for You Where stories live. Discover now