CHAPTER 13

440 14 0
                                    

DESTINED FOR YOU

AERO'S POV
Nakita ko ang Account nya sa facebook. May nakita rin akong post na mga picture nya. Last May 27 pa ang post na iyon pero August 15 na ngayon.

Nasisiguro kong hindi dito sa Leviathan o dito sa Pilipinas kinuha ang litrato, maaaring sa ibang bansa iyon.

Nagpatuloy lang ako sa pag-scroll ng timeline nya. Pero wala pang tatlong minuto ay nasa dulo na agad ako. Siguroy may iba pa syang account pero wala ng ibang lumabas bukod doon.

Nagtingin pa ako sa iba pang social media app pero wala nang lumabas na posibleng account nya.

Muli kong binalikan ang account nya sa facebook, nagdadalawang isip ako kung magfe-friend request ako o hindi.

Bat naman ako magfe-friend request sa kanya? Ano sya sinuswerte? Ang gwapong si Aero Quel MonteCarpio? Manigas sya! Pagtutol ng aking isip, ini-home kona ang aking laptop kesa mag-aksaya ng oras sa paghahanap ng account ng babaeng yon.

Hinayaan ko nalang na lumutang ang isip ko ng maalala ko si Diandra. Naalala ko ang mga pangako ko sa kanya, pero baka hindi ko na yon magawa dahil, hanggang ngayon di ko pa uli sya nakikita.

Hindi rin nagtagal ay nakatulog na ako. Nagising ako pasado alas'said ng umaga.

"Good morning handsome" bati ko sa aking sarili. Nagtungo ako sa banyo para maghilamos at pati narin maligo.

Pagkatapos kong gawin ang aking mga ritwal na pang-umaga ay humarap ako sa salamin. "Napaka-gwapo mo talaga Aero, walang kupas" sabi ko habang nagpapagwapo sa salamin.

Ano naman kaya ang pwede kong gawin ngayong araw? Habang inaayos ko ang hibla ng aking buhok ay iniisip ko kung ano ang pupwede kong gawin ngayong araw.

Naisip ko nalang puntahan Si Czayra at yayain syang lumabas, para naman magka-time kami ni love. Tama yun na nga lang masayang litanya ng isip ko.

Masaya akong bumaba sa aking kwarto. Syempre nandon na ang kambal pati sina daddy ay mommy. Umupo ako sa tabi ng kambal.

"Goodmorning Kuya" masyang bati ng kambal saakin.

"Goodmorning din kambal" gumanyi din ako ng masaysang ngiti sa kanila. "Ah, mom pupunta po pala ako kayna Czayra ngayon" pagpapaalam ko kay mommy.

"Oh, sure anak, basta umuwi ka ng maaga, aalis kami ng daddy nyo papunta ng meetings, baka walang makasama ang kambal. Sina kuya Roman lang at iba pa nating kasambahay ang nandidito"

"Sige mom, ako na bahala kayna kambal, eh keln ba uwi nyo?" Tanong ko, pano ba naman kase kung maghabilin parang taon kung mawala.

Kumuha si mommy ng fried rice bago simagot. "siguro mga three days" sabay subo ng isang kutsang fried rice.

"Pwedeng mag-sleep over dito sina Darren?" Tanong ko sa kanya. Napatingin ako kay Dad na tumikhim ng bahagya, pero di ko nalamang iyon pinansin.

Nilunok muna ni mommy ang kinakain bago muling nagsalita. "Yes, of course, but remember Aero, No girls are allowed even Czayra, Jamie ang Jalie are the only girls allowed here" saad ni mommy na medyo tinuturo-turo pa ako.

"Yes mom I know that" bahagyang nakangiti kong sabi.

Natapos ang almusal namin na napuno ng katahimikan. Habang nasa byahe ako papunta kayna Czayra ay di mawala sa labi ko ang ngiti, hindi ko alam kung bakit pero naiisip ko palang na makikita ko nanaman sya ay napapangiti nalang ako.

Destined for You Where stories live. Discover now