CHAPTER 31

372 9 2
                                    

DESTINED FOR YOU

AERO'S POV
Hindi ko akalain na ang mahanging babae na yon eh takot pala sa clown! May mga pocket knife, nakikipag suntukan, hambog, pero tiklop sa clown! Partida picture lang yon ah.

Uwian na namin, marami sa mga kaklase ko ay naka-alis na. Konti lang ang naimbitahan kong kaklase, more on close friends lang, panigurado akong mga kaibigan at business partners nina mom and dad ang naroon.

Nang mapansin kong wala nang tao sa room namin bukod samin nina Axel at mga kaibigan ni Cate. Ay lumapit ako sa kanila.

"Hey....punta kayo sa bahay ah" inbita ko sa mga kaibigan nya.

"Eh...ano bang meron dyan sa bahay nyo" mataray na tanong ni Alliyah.

Bahagya akong tumawa. "It's my birthday...may konting celebration lang, so ano? Maasahan ko ba kayo don?" Tanong ko.

Nagliwanag naman ang mata nung kambal. "Weh? Totoo ba yan? Sige-sige! Sasama kami" si Alliyah. Hinampas naman sya ng kakambal nyang si Heather. Ehhh?...

"Ahh...ehh...hindi naman namin alam ang bahay nyo" si Heather. Tiningnan ko si Axel na parang tanga sa tabi ko. Nakatulala ba naman kay Heather.

"Pwede namang sunduin ko kayo ni kapatid sa inyo kung ganon" saka ako tinapik ni Axel. Naks! Landi ah

"N-nakakahiya naman" si Heather.

Parehas kaming natawa ni Cate. Parehas rin kaming binatukan. Si Heather ay Alliyah binatukan si Cate samantalang ako, binatukan ni Axel.

"Aray ha!" Sabay naming sabi ni Cate.

Nagkatinginan kami at saka ule tumawa. I  always want to see her smile.

"Kingna, may something na yata sa dalawang to" si Axel na bahagyang lumayo at tinitigan kaming dalawa habang ang kamay at nakataklob sa kanyang bibig.

"Anong something?! Gusto mong pumanaw ng maaga?" Banta ni Cate, habang dinuduro si Axel gamit ang lollipop na kinakain nya.

"Nako...tama na yan.. Basta Heather, Alliyah at Ace, invited kayo, formal lang naman yung suot kaya hindi mahirap hanapin" sabi ko.

"Sige-sige, eh teka ano bang oras?" Tanong ni Alliyah. Gusto talagang makapunta ah.

"Six mamaya" simple kong sagot.

Lumapit saakin si Cate. "Wag mo nalang sana ipagkalat yung kanina, about sun sa clown" buling nya. Wala namang nakapansin non dahil, nag-aayos ng gamit ang mga kasama namin.

"Yeah, I will" saka ko sya nginitian.

Agad namang napagkasunduan na si Axel ang susundo kayna Heather at Alliyah sa bahay nila. Si Ace naman ay gagamit nalang daw ng GPS.

Naka-uwi na ko at todo handa ang lahat sa may pool side. "Happy Birthday kuya naming saltik" bati ng kambal.

Niyakap ko sila. "Thank you kambal, saltik talaga? Di ba pwedeng kuya gwapo nalang?" Biro ko.

"Saltik bagay sayo kuya, dahil niloloko kana tuwang-tuwa kapa" si Jalie. Hindi ko alam kung matatawa ako o kung ano, parang may iba kaseng ibig-sabihin ang mga salitang yon.

"Oo nga kuya saltik ka, kase hanggang ngayon nagpapaka-tanga kapa, may mahal naman palang iba" isa pa tong si Jamie. Panggatong rin to eh.

Ginulo ko ang huhok nila. "Kayo talaga, sige magpaphinga muna si kuya ah" tumango  saakin.

Agad naman akong umakyat sa kwarto ko. Tinanggal ko ang aking sapatos pati slacks maging ang polo ko saka ako nahiga.

Destined for You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon