CHAPTER 58

292 12 5
                                    

DESTINED FOR YOU

Authorist Notist:

Sa may kakilala po sa crush ko...pakitulungan po ako salamat..HAHAHHcharottt!!

Sorry sa mga wrong graham este wrong grammar, tsaka typo heheheh...hindi ko pa nare-read eh..thank you! Love you all:))





CATE'S POV

Nasa America na kami. 3:00 PM na kami nakarating. 12:00 AM kami umalis sa Pilipinas, halos 13hrs rin ang naging byahe namin.




"Kuya don nalang tayo sa bahay natin" sabi ko, may bahay rin kami rito kaya madali lang para sakin magpalipat-lipat ng bansa. "Also....I will take the responsibilities to our transactions"




Nasa byahe kami papunta sa bahay namin. Sakay kami ng black SUV, may sarili rin kaming driver rito kaya hindi hassle.





"Cate, alam mo ba ang sinasabi mo?" Halos pasigaw ng tanong ni kuya. Mas minabuti nalang nyang magtagalog para hindi maintindihan ng kano naming driver. " dragon Cate, dragon ang papalitan mo" saad ni kuya.




"Cate, hayaan mo nalang si tito don" si hyung. Alam din ni Hyung ang lahat tungkol sa samin. "Hindi mo pa oras para pahirapan ang sarili mo"





Tumikhim ako bahagya. "Para san pa ang lahat ng paghihirap ko kung hindi ko naman makukuha ang gusto ko?" Bago ko sila tinitigan.




Hindi na sila nagsalita. Kumuha nalang ako ng lollipop sa bag ko bago mag-scroll sa cellphone ko. Pagkabukas na pagkabukas ko palang ng cellphone ko ay sandamak-mak na messages ang tumambad sakin. Galing sa mga naiwan ko sa Pinas.




Simula kase kagabi hindi kona binuksan ang cellphone ko kaya siguro naipon lahat ng text, chat at mga email. Inuna kong buksan ang kay Gino.


From: Bunging Gino

Is that true? Umalis ka daw ng bansa?


From: Bunging Gino

Ano ba yan wala pa tayong bonding tapos lalayasan mona agad ako?


I smiled a bit. Siguro hindi nya pa alam ang nangyari. Sinunod kong buksan ang kay Heather. Napangiti nalang ako ng makita ang pangalan nya, sya mismo ang naglagay non.



From: Heather Ganda

Hoy!! Cate! Asan kana, huhuhu...uy wag naman ganito oh! Iiwan mo kami? Cate naman...ni hindi ka nga namin nakita bago umalis...nung friday pa huling kita namin sayo...Cate wag naman oh...


From: Heather Ganda

Sino ng magtatanggol samin ng kakambal ko? Magre-reyna reynahan naman si Czayra kase magiging rank 1 nanaman yon!!


From: Heather Ganda

Uyyy...san ka nyan mag-aaral. Umuwi kana oh, ako na bahalang bumugbog kay Aero umuwi ka lang.



Alam na pala nila, hindi kona itinuloy dahil 134 messages pa ang natitira isinunod ko na ang kay Alliyah. Alam nyo namang tamad ako magbasa.



From: Alliyah the Hot

Hoy babaita! Hindi nakakatuwa tong prank mo ah! Umuwi kana dito!


From:Alliyah the Hot

Uy naman eh...umuwi kana please...pano pag nagkabarilan ulet dito edi wala ng magliligtas samin? Uy Cate, bakit mo naman kami iniwan.


Destined for You Where stories live. Discover now