"I memorized your favorite song." Sabi ni Jaden sa akin at excited na umupo sa tabi ko. We're in the living room of my house. "I always hear you singing it in the shower. We should sing it together."

"What song? I don't even sing in the shower." Pagdedeny ko kasi alam ko sa sarili kong pangit ang boses ko. Nakakahiya naman na pinapakinggan niya pala ako!

"Ha?! I swear, lagi kita naririnig kinakanta 'yon!" Naguguluhan niyang sinabi at napangiti na ako. "See? You're smiling. Alam mo 'yon eh."

"You really wanna sing it with me? 'Yong 'Make It With You'?" Nagtatakang tanong ko at tumango siya. "Why? Ang pangit ng boses ko eh, 'di gaya sayo."

"I don't mind. I like the song. It reminds me of someone I like." Mahinang sabi niya at napaiwas ng tingin. Gulat ko siyang nilapitan at tinignang mabuti 'yong mukha niyang namumula na ngayon.

"You?! You like someone? Sino?! Bakit hindi mo sinasabi sa akin?" Sunod-sunod na tanong ko habang natataranta. Oh my God, Jaden likes someone!

"It doesn't matter. Pinaplano ko rin naman nang itigil." Natatawang sabi niya at binato ko siya ng unan.

"Why?!" Galit na tanong ko. Ngayon lang kasi nagkagusto si Jaden at nakakainis na pinanghihinaan na agad siya ng loob! Any girl would like someone like him!

"I don't think she likes me. Mukha lang siguro akong lampa sakanya. Sakitin ako at hindi gaya ng mga nagkakagusto sakanyang varsity. Who would even like me?" Malungkot na sabi niya at ngumiti sa akin. I frowned as I carefully sat beside him. Ramdam ko 'yong lungkot niya.

"I would."

Nagising ako sa katotohanan nang biglang may tumalsik na beer galing sa backseat. Nangamoy agad ito sa kotse.

"Hala! Hala! Sorry, Jaden!!" Natatarantang sabi ni Sydney.

Napatingin ako sakanya. Natapon 'yong iniinom niyang beer kay Jaden.

"Sorry!" Sabi niya ulit at ngumiti lang si Jaden. Kanina pa siya tahimik. I really wanna know what's up. I don't get why he doesn't want to tell me what's on his mind.

"It's okay." Matipid na sagot ni Jaden habang nakangiti. I really love his eyes when he's smiling. Sa sobrang singkit niya ay nawawala na 'yong mga mata niya pag ngumingiti siya.

"You should get changed." Sabi ko sakanya at tumango-tango si Sydney.

"I agree! We should pull over muna saglit." Sabi ni Sydney at napatingin ulit ako kay Jaden.

"Sige na nga. I'm gonna stop sa next na gasoline station." Sabi niya at bumalik na 'yong tingin ko sa kalsada. I'm gonna use this chance to talk to him.

Maya-maya pa ay may nakita na kaming gasolinahan. Itinabi ni Jaden 'yong kotse sa gilid at pumasok na kami sa gasolinahan. He parked the car sa gilid nito.

"I'm gonna go to the restroom muna, ha?" Paalam ni Sydney at tumango ako. Kinukuha na ni Jaden iyong pulang shirt niya sa bag niya sa backseat. "Ayaw mo sumama, Meghan?"

"No, I'm fine." Sabi ko sakanya at ngumiti. Tumango siya at lumabas na ng kotse.

As soon as she got out of the car, humarap agad ako kay Jaden.

"What's the problem, Jaden? Bakit ayaw mong sabihin sa akin kung anong gumugulo sa'yo?" I asked, running out of patience. Napatigil siya saglit pero hindi ako tiningnan. "Why won't you say anything?!" Naiinis na tanong ko.

Meghan, My ChaosDove le storie prendono vita. Scoprilo ora