"Anong ieexplain mo ha?! At para saan pa?! Wala na tayong chance, Adrien, because you fucking ruined it!" Sigaw ko at naramdamang naluluha ako.

"I don't- I don't have a girlfriend, Meghan..." Mahinang sabi niya habang napapapikit na. Hindi ko alam kung totoo yung sinasabi niya, pero unti unti na akong naniniwala. Lumapit ulit siya sa akin at hinawakan yung buhok ko.

I should just slap him right now, pero hindi ko kaya. Ang sarap sa pakiramdam na andito siya sa harap ko, nakatitig sa akin at hinahawi yung buhok ko.

"I only want you. I've never wanted anyone in my life as bad as I want you." Bulong niya sa akin at napapikit ako. No. No. I was only starting to give Jaden a chance!

"How could you do this? Bakit ngayon pa? Bakit ngayon lang?!" Naiinis na bulong ko sakanya. Idinikit niya yung noo niya sa noo ko at amoy na amoy ko yung alak sakanya.

"I'm sorry, Meghan. I'm sorry it took me a fucking month to find you." Sabi niya habang ipinipikit yung mga mata niya.

"Why didn't you tell me na wala ka pala talagang girlfriend?" Tanong ko at pumikit din, nararamdaman kong sumisikip yung dibdib ko. We could've been something, Adrien. Now it's too late for that.

Everything in me screams that it wants to be with Adrien. But I can't let that happen. Not now. Maybe not ever.

"I tried to explain, Meghan. I tried, but you- you didn't listen to me." Sabi niya at hinawakan yung kamay ko. Nakaramdam ako ng kakaibang shit sa kamay ko. Para akong nakuryente na ewan at bmilis yung tibok ng puso ko. What is he doing to me?

"I'm sorry." Ayun nalang yung nasabi ko. Nakinig dapat ako sakanya. Hindi ko dapat hinayaan yung sarili ko na madala sa mga emosyon.

"I'm... so drunk." Bulong niya sa akin at tumawa.

"That's enough, Adrien! Magsisisi ka sa mga pinaggagagawa mo ngayong gabi pag gising mo bukas!" Sigaw sakanya ng kaibigan niya at lumapit sa amin. Tiningnan ko si Sydney at nakatitig siya dun sa kaibigan ni Adrien.

"No, wait! I'm still talking to Meghan!" Pagpupumiglas niya at biglang hinawakan yung kamay ko. "I'm scared, Meghan." Bigla niyang sabi sa akin at lumapit ako sakanya.

"Scared of what?"

"Of falling for you." Sabi niya sa akin at parang dinurog yung puso ko.

"Why would that be scary?" Tanong ko habang pinapanood yung ekspresyon ng mukha niya na parang naguguluhan, nahihirapan, nalulungkot, napapagod, hindi ko na alam.

"Because you always disappear on me, Meghan. Right when I'm starting to really love the fact that I met you, bigla ka nalang nawawala." Sabi niya sa akin at napaiwas ako ng tingin.

Ang sakit sakit kasi alam kong kailangan ko ring mawala sakanya ngayon. Jaden did so much for me, ayokong ibalewala nalang 'yon dahil lang bumalik si Adrien.

"Then don't fall for me." Bulong ko sakanya at umiling siya.

"I- I can't control it. Lalo na ngayon na nasa harap kita, looking like the most gorgeous girl I've ever met. Just like the first time I saw you." Sabi niya habang napapangiti.

"Why did you come here, Adrien? Hindi mo na dapat ako hinanap." Sabi ko sakanya at lumingon na ako kay Sydney na nanonood lang sa amin at mukhang iiyak na.

"Aren't you happy to see me? Ayaw mo ba akong makita?" Tanong ni Adrien sa akin, his voice slowly cracking.

"Let's go, Sydney?" Aya ko kay Sydney pero hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa aming dalawa ni Adrien. I sighed at hinawakan yung kamay ni Sydney para hilain na siya palayo dito.

"Where are you going?!" Sigaw ni Adrien at biglang hinila yung kabilang kamay ko.

"We're gonna head back into the hotel, Adrien!" Sigaw ko sakanya pero umiling iling siya sa akin.

"Tama na, Adrien." Bulong sakanya nung kasama niya at hinawakan siya sa balikat.

"That's it? Mawawala ka na naman ngayong kakahanap ko lang sayo? Ganito nalang ulit?! Ganito nalang palagi?!" Sigaw niya at napahawak sa ulo niya. Umiwas ako ng tingin kasi hindi ko kayang makita siyang ganito. Ang sakit sakit sa dibdib. I want him as much as he wants me, but I shouldn't be with him. I can't.

"What do you want to do then? Huh? Anong pinunta mo dito? Para sabihan akong 'wag na ulit umalis?!" Sigaw ko sakanya at napabitaw kay Sydney. Lumapit ako kay Adrien at tinitigan siya. "Anong gusto mong mangyari, ha?!"

"Bakit ako pumunta dito? Anong gusto ko?" Hindi makapaniwalang sabi niya sa akin at parang bigla nalang akong matutunaw sa malalim na titig niya. "I fucking want you, Meghan! You! I want to know you in all the ways possible! Gusto ko malaman lahat tungkol sayo! I want to know how much we'll fall if we let ourselves be with each other!"

"Adrien..." Tawag sakanya nung kaibigan niya habang hinihila na siya pero patuloy parin siya sa pagsigaw at hindi siya nagpapigil sa kasama niya. I felt my whole body getting weak at parang gusto ko nalang tumakbo paalis at umiyak.

"You can do whatever you want with me, just don't fucking disappear like it doesn't matter to you, like I don't matter to you! Gusto kong guluhin mo yung buhay ko, Meghan! Love me, ruin me, hate me, start a fucking war with me, do whatever you want! Ayan yung gusto kong mangyari, Meghan! But all you wanna do is leave, and leave, and fucking leave me over and over again!!"

Hindi ko na napigilan 'yong sarili ko. May tumulo nang mga luha galing sa mga mata ko pero hindi ko inalis yung titig ko sakanya. I wish I could tell him I'm so sorry for being such a fucking mess and for having such a complicated life. I wish I could tell him that I wanna start a fucking war with him too. But I have to do the right thing. For Jaden.

"Happy birthday, Meghan." Huling sabi niya at naglakad na paalis.

At kahit nakakadurog ng puso, hinayaan ko nalang siyang umalis.

Meghan, My ChaosWhere stories live. Discover now