"Don't you fucking dare try me. Once I find out na may binabalak ka sakin, I'll burn your fucking house down." Banta niya at hindi ko nalang siya pinansin.

He's just a desperate asshole na walang ibang kayang gawin kundi maging basura.

"Ayusin mo muna mukha nyan." Sabi ni Rhys at hinila ako nung lalaki papuntang CR.

Halos hindi ko na maramdaman yung mga binti ko. Siguro sa pagkatali, sa ilang oras na hindi paggalaw, o sa mga sipa ni Rhys. O baka sa lahat ng 'yon.

"5 minutes." Sabi nung lalaki sakin at pumasok agad ako sa CR. Binuksan ko yung pinto at muntik nang mapamura sa reflection ko sa salamin. Damn, I look nothing like myself.

Umihi agad ako at pagkatapos ay naghugas ng kamay at naghilamos.

"Fuck." Bulong ko dahil sa sobrang hapdi ng mga sugat ko sa mukha. Nagsugat narin yung wrists ko dahil sa tali.

Wala pang five minutes ay nakalabas na ako. Inabutan ako ng face mask nung lalaki.

"Wear this and don't tell anyone you've been beaten up." Sabi niya sakin at tumango nalang ako. Gusto ko nalang makaalis dito.

Sinuot ko na yung mask at hinila hila niya ako papunta sa pinto. Tinulak niya ako palabas ng condo. Hindi ko na nakita si Rhys. Nabaliw na siguro sa kwarto.

Inabot niya sa akin yung dalawang phones. Isa sa akin at isa kay Ash. Sinamaan niya ako ng tingin at sinaraduhan na ng pinto.

I took a deep breath as soon as I got outside. What a fucking experience.

Mabilis akong naglakad papunta sa elevator and pressed the button for the lobby. Napasandal ako sa pader at napapikit. May thought na gumugulo sa isip ko na kanina ko pa iniiwasan.

I didn't see Meghan. She didn't come for me. She said she doesn't care about me.

But I understand why she couldn't go. Dapat lang naman na hindi siya pumunta. She did the right thing.

Hindi ko namalayan, bumukas na pala yung elevator. Naglakad ako dun trying my best na hindi matisod. Ang sakit ng binti ko. Ang sakit ng buong katawan ko. I can't believe I just got beaten up.

"Are you okay?" Narinig kong tanong sa akin ng isang babae.

Napalingon ako and realized na siya yung mayamang babae na nakasalubong ko sa elevator kanina.

Tumango lang ako at naglakad na palabas. Iniwasan kong makipageye contact at baka mapansin niya pa na may kakaiba sa akin.

Ang sarap sumigaw sigaw at tumalon nang makalabas na ako at matanaw na yung kotse ko.

"Thank God." Bulong ko sa sarili ko nang mahawakan na yung kotse ko.

Dahan dahan akong sumakay doon at napasandal. Huminga ako ng malalim at pumikit muna.

How am I supposed to go home looking like this? Ni hindi pa nga ako nagpapakita sakanila simula kagabi. My parents must be worried.

Nilabas ko yung phone ko and saw the time. It's already 1:44. Wala pa akong kain. I groaned at inopen yung mga messages ko.

My mom flooded me with texts, asking me where I am. Nireplyan ko nalang siya na galing ako ng party kagabi at nalowbat ako.

She won't ask too much. Gusto niya nga na mag'live my life' daw ako. Pinipilit niya ako na sumama sa bar with my friends like Ross. Gusto niya rin na magkagirlfriend na ako.

Binaba ko yung phone ko after sending the text at huminga nang malalim. Pumikit muna ako, iniisip yung mga nangyari.

I feel a bit disappointed, kahit alam kong hindi tama. I really wanted to see Meghan...

Narinig ko yung biglang pagbagsak ng ulan at napadilat ako. I started the car at iniisip kung anong irarason ko sa parents ko as to why my face looks like shit.

Kakaalis ko lang sa parking lot ng Eastwoods nang biglang may bumangon na babae sa backseat.

"Fuck!" Sigaw ko at napabrake nang biglaan. "What the fuck?! Anong- B-bakit ka nandito?!!!" Sigaw ko at tinawanan niya ako.

"Surprise." Bulong niya at ngumiti sa akin.

Bakit ba bigla bigla nalang siya sumusulpot? At lagi siyang nagmumukhang multo every single time?

Hindi ko na napigilang mapatitig sakanya at naramdaman ko yung mabilis na pagtibok ng puso ko.

"Bakit tumigil ka sa pagdrive? Bobo ka parin sa kotse?" Tanong niya at napangiti nalang ako.

She really knows how to scare the shit out of me.

Meghan, My ChaosΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα