BLOG #42

30 11 2
                                    

NATOY

Nung nalaman ko na naextend yung Enhanced Community Quarantine (ECQ) ay nalungkot nanaman ako ng di ko mapaliwanag.

Akala ko April 14 na ang laya namin kaso naextend nanaman pala kaya eto dagdag boredom nanaman dito sa bahay.

Purgang-purga nako sa kakasardinas namin dito at kung sinuswerte ay minsan manok o isda pero kadalasan SARDINAS.

Sawang sawa nadin ako kakaTiktok. Kakalas na ang mga buto ko kakahataw sa Tiktok at imamyday.

Sawa nadin ako sa mga "one dot" scenes sa fb world.

Ako si Kiana, isang simpleng babaeng gustong-gusto nang gumala. Kating kati nako, gusto ko na talaga lumabas ng bahay pero dahil may extension na naganap, wala tengga ulet dito sa hauz.

Nasa kwarto ako ngayon at nakaupo sa aming higaan. Nasa sala sila mama at ang mga kapatid ko nanonood ng legal wife.

At eto ako kakatapos lang magview ng mga myday ng mga epbi prends ko.

At dahil wala naman ako kachat, nagscroll nalang ang lola niyo.

Sa news feed ko nagkalat ang mukha ni Via Gonzales na sinasabi ng mga netizen na gumawa nanaman daw ng part two scandal.

"Respect daw pero gumawa ng part two?"

"Irespeto niyo kasi siya para may part three pa"

"Respect begets respect ate ghorl"

Iyan ang mga iilang shared post ng aking butihing peybi prends tungkol kay Via Gonzales.

Napailing nalang ako at nagpatuloy sa pagiiscroll ulit. Sa kalagitnaan ng aking pagiiscroll may bagong trending nanaman--si natoy.

"Ako to si natoy na mahal na mahal ka"

Isa yan sa mga shared post ko.

Huh? Natoy? Sino yon?

Sa dala ng kurosidad lumabas ako sa sala namin at pumunta kay mudra't nagtanong.

"Ma? Sino si natoy? Kilala mo ba yon?" Si mama kasi ay nakikitrending at lagi ding online kaya nagbabakasakali ako na kilala niya.

"Sinong natoy nanaman yan? Di ko kilala yan." Wika nito at nanood nalang ulit sa tv.

Wala akong napala at malungkot akong bumalik saming higaan.

Sino ba kasi yong natoy nayon ha?

Nagopen ako ng messenger at ichachat ko na sana si Cherry-- bestfriend ko-- kaso di naman online. Pero nakita ko sa katabi nito ay si Josh--ang aking kwass hihe-- na online.

E di ako tong si strong ghorl ay chinat siya, chance ko nadin siguro to kasi matagal nadin kaming di nagchachat.

"Psst" Panimula ko at di nagtagal sumagot din ito.

"Oh" Kahit kelan talaga ang sungit nito.

"Kilala mo si natoy? Yung trending ngayon?" Reply ko.

"Hindi. At wala akong pakielam" Okay, ang sungit talafa nitong krass ko na'to.

May naisip nanaman ako na kalokohan.

"Pero alam mo yung sinasabi niya?" Chat ko.

"Oo."

"Sige dugtungan mo nga to: Ako to si natoy----" Chat ko.

Mga ilang minuto na ang nakalipas ngunit di padin ito nagrereply kaya baka iseen nalang niya ko. Pero nung paalis nako sa messenger ko dapat may tumunog. Si Josh, nagchat.

"Oo na, oo na. Ako to si Josh na Mahal na Mahal ka" Reply nito.

Di ako makapaniwala sa nababasa ko. Totoo? ARCKKKKKK!!! Kinikilig ako!!!

"AHHHHHHHHHHH" Sigaw ko.

"Huy!" Sigaw ni Mama.

"BYE MA! IKAKASAL NAKO MUAH!"

At tuluyan nakong nabaliw sa kilig.

A/N: Thank you for reading and I hope you love it! Don't forget to click the VOTE BUTTON below and if you have requests and suchs just COMMENT it below. Loveyou. Muah!

BLOGS AND CONFESSIONS (Extended Version)Where stories live. Discover now