BLOG #18

45 16 7
                                    

"Doctor? Oh, Deathtor?"

Isa akong doktor, isang kilalang doktor. Sabi nila trabaho ng doktor na pagalingin ang may sakit, iligtas ang mga nagaagaw buhay at higit sa lahat magbigay pag-asa na sila'y mabubuhay pa.

Pero hindi ganon ang trabaho ko...

Ang trabaho ko'y wakasan na ang kanilang buhay dahil dun din naman sila mapupunta. Ano pang rason para mabuhay sila kung inaabuso na nila ang sarili nila? Ano pang karapatan nilang mabuhay kung hindi naman nila ito pinapahalagahan?

Siguro nagtatanong kayo kung bakit ganon. Bago sila mamatay kinakausap ko muna sila ng saglitan. Ipinapaliwanag ko na kailangan na nilang mawala kasi mapangabuso sila.

Dapat nga magpasalamat pa sila sakin kasi di na nila mararamdaman yung sakit na nararamdaman nila eh. Kasi nga ako na ang tumatapos sa paghihirap nila.

***
"DOK! DOK! May pasyente nanaman po sa Room 104" Dali-dali lumapit sakin ang isa sa mga nurse at mabilis na pumunta din ako doon.

Pagkapasok sa loob ng kwarto nakita ko ang isang lalaki na nagaalburuto na.

Dahan dahan ko siyang nilapitan.

"D-dok tu-tulong-g!" Sigaw nito.

Pero imbes na tulungan ko siya napangiti pa ko ng pagkalaki laki.

Ito nanaman...

May matatapos nanamang buhay...

Inilabas ko ang syringe galing saking bulsa na naglalaman ng liquid arsenic.

"Dd-dok" Muni nito.

"Any last words?" Wika ko sa pasyente.

"T-tulungg-an n-niyo pp-o aa-ko" Kitang kita ko sa kanyang mukha ang paghihirap at sakit na nararamdaman niya.

"Your wish is my command!" At agad kong itinusok ang malakarayom kong aparatus sa braso niya

Ilang sandali pa, nagbuga na ito ng mga dugo at tuluyan nang nalason.

"Sa wakas...paalam itay..."

A/N: Thank you for reading and I hope you love it! Don't forget to click the VOTE BUTTON below and if you have requests and suchs just COMMENT it below. Loveyou. Muah!

BLOGS AND CONFESSIONS (Extended Version)Where stories live. Discover now