BLOG #36

33 12 1
                                    

KABORINGAN

"One dot sasabihin ko sayo kung kanino ka bagay"

Dala ng kaboringan dito sa bahay naisipan kong magopen ng fb at ito agad ang bumungad sa news feed ko.

Boring na boring naba talaga ang mga tao at kung ano ano nalang ang pinagshashare nila?

Tiktok, nilamon na ng tiktok sa myday.
Send pic if you don't hate me tas imamyday din
Mga chain messages katulad ng status na "Bakla ako" tas pag nagcomment o react ka may magpopop sayong message at kailangan mong gawin.
Tas "Describe moko" messages.

Tas ito nanaman ngayon? Hays.

At dahil boring na boring na din ako dito sa bahay nagcomment ako ng dot.

After non nagscroll scroll nalang din ako at naghanap pa ng mga ibang pagkakaabalahan.

Nagpop up sa news feed ko yung pangalan ni Russel- ang ultimate crush ko. Nakalagay sa shared post niya "Mag haha nito ichachat ko tangina ako na magaadjust". Napatawa nalang ako sa sarili ko.

Hmmm, what if maghaha ako? Ichachat niya kaya ako? Hindi ata, ni hindi niya nga ko kinakausap eh. Yung nga chat naming dalawa tungkol sa acads lang. Pero dahil sa kaboringan naghaha nalang ako hahahahahaha kinabahan akong ihaha yon.

Tas scroll scroll ulit, naghihintay kung ichachat nga talaga ako ni Russel.

Tas may nagnotif, sumagot na yung sa one dot one dot. Boring ko itong pinindot. At nagulat ako sa sagot.

"Bagay kayo ni Russel" nanlaki ang mga mata ko at napasigaw sa di malamang dahilan.

*TING*

Kasabay ng pagsigaw ko dito sa bahay at nagtataka na si mama kung anong nangyayari sakin may nagmessage sakin- Si Russel

"AAAAAAAAAHHHHHHHH" kilig kong sigaw sa aking kwarto. Mabuti't nasa mood si mama kaya't di niya ko napagalitan.

Di pa tapos yung sa one dot one dot.

RUSSEL GARCIA ALSO REPLIED TO YOUR COMMENT

Nanlaki nanaman yung mata ko at kibakabahang iopen yung notif

RUSSEL GARCIA
"Oo, bagay kaming dalawa"

BYE MOM!!! I'M GETTING MARRIED!

AAAAAAAAHHHHH!!! Kaya kayo guys, wag na wag kayong susuko sa pagpaparinig sa fb niyo sa crush niyo malay niyo maging kayo yiiiiieeee

A/N: Thank you for reading and I hope you love it! Don't forget to click the VOTE BUTTON below and if you have requests and suchs just COMMENT it below. Loveyou. Muah!

BLOGS AND CONFESSIONS (Extended Version)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang