Part 72 [FINAL CHAPTER]

41.7K 1.4K 258
                                    


Maraming taon ang lumipas. Matilda St. Clair was never the same again. Sa harap ng maraming tao, isang matagumpay at matapang itong babae. Pero kapag mag-isa, ginugupo ito ng lungkot at pagluluksa sa nawalang anak. Doon nagsimula ang habit nito na mag ampon ng mga batang lalaki. Sa tuwing may nakikita itong bata na may potensiyal at may pagkakahawig sa hitsura, aura, ugali at talino ng tunay nitong anak, inaampon nito at inaalagaan. Nang makasampung ampon na ito, nagdesisyon si Matilda na tumigil na. She finally have heirs and she loves them all.

Pero isang araw, kinailangan nito pumunta sa Pilipinas na apat na beses sa isang taon lang talaga niya nabibisita. May natanggap itong report na may nagtagumpay raw i-hack ang computer system ng Empress Bank. Isang teenager na may pangalang Maki Frias. Gamit ang malawak at intensive network ng Private Investigation and Security Agency ng St. Clair Holdings International, pinaimbestigan nito si Maki. Kaya nito nalaman ang tungkol sa issue ni 'miracle boy'. Kaya nagkakutob si Matilda. Nabuhay uli ang pag-asa sa puso nito. Through underhanded tactics, she was able to obtain his DNA sample. Then with a huge amount of money involved, she was able to test their compatibilty in the shortest time possible.

Positive. Si Maki Frias nga ang nawawala nitong anak. Pero nang makita na nito ang teenager, naduwag ito nang matitigan ang mga mata nitong puno ng pait, galit, frustration at kawalang pag-asa. Kaya nagdesisyon si Matilda na legal na ampunin ito, para lang magkaroon ito ng dahilan na makasama ang tunay na anak.

Sa nakaraang siyam na taon, kahit wala itong ibang gustong gawin kung hindi ang yakapin si Maki at ipaalam ang tunay na relasyon ng mga ito, nanahimik ang matandang babae. Sinubukan nitong maging ina pero may distansiya pa rin para hindi mahalata ni Maki na espesyal ito para kay Matilda.

"Ngayon alam ko na kung bakit paminsan-minsan nahuhuli ko ang kakaibang tingin niya sa akin at kung bakit minsan nagmumukha siyang malungkot," pabuntong hiningang basag ni Maki sa katahimikan.

"At handa siyang huwag ipaalam sa iyo ang totoo kung hindi ka lang nabaril at hindi mo natandaan ang nangyari. Wala talaga kapantay ang pagmamahal ng isang magulang 'no?" nakangiting sabi ni Allen.

"Yeah. Their love can surpass time – just like my mother's love for me. And their love can also overcome death itself – just like your parents' love for you."

Nagkatitigan sila. Hinaplos ni Maki ang pisngi niya at bumulong, "Pero hindi papatalo ang pagmamahal ko sa'yo Allen. I feel like everything that happened in our lives were destined to happen so that we could meet. That means a huge deal, right?"

Ngumiti siya at tumango. "I love you, Maki."

Gumanti ito ng ngiti. Pagkatapos sabay nilang tinawid ang pagitan ng kanilang mga labi para sa isang masuyo at magaan na halik. Sunod na hinalikan ni Maki ang pisngi niya. Pagkatapos ang tainga niya. Na-overwhelm si Allen nang magsimula ito bumulong. Napahagikhik siya. Kasi binubulong nito sa kaniya ang nararamdaman nito sa lahat ng lengguwahe na alam nito.

"Ti amo, wo ai ni, I love you, mahal kita."

Pero nahinto ang paghagikhik niya nang maramdaman niyang hinawakan nito ang kaliwang kamay niya at may inilagay ito sa daliri niya. Napasinghap si Allen at inilayo ang mukha kay Maki. Nakangiti pa rin ito nang iangat nito ang kamay niya. Nanlaki ang mga mata niya. May diamond ring na siyang suot.

"Paano ka nagkaroon nito?"

"I have a bestfriend who I can rely on." So si Keith pala ang nagdala ng singsing na iyon sa ospital na hindi niya namamalayan.

Masuyong hinalikan ni Maki ang daliri niya kung saan nakasuot ang singsing kaya napatitig siya sa mga mata nito. Nakita niya ang kaseryosohan at sinseridad sa titig nito. Parang gusto tuloy niya maiyak. Lalo na nang magsimula na naman ito bumulong sa iba't ibang lengguwahe. Lahat ang kahulugan ay, "Will you marry me?"

Bachelor's Pad series book 13: THE MYSTERIOUS HEIROnde histórias criam vida. Descubra agora