Part 68

21.7K 656 57
                                    

Humakbang palapit sa kanila ang matandang lalaki. Napa-igik siya at napatili naman si Allen nang bigla siya nitong sipain sa tiyan. "Mayabang ka pa rin tumingin sa akin kahit nakasalalay sa akin ang buhay mo ha?" Sinipa siya nito uli. Naramdaman niyang gusto ni Allen na harangan siya pero marahas niya itong itinulak palayo sa kaniya. Siya lang ang kailangan ng mob boss na 'to. Siya lang ang dapat masaktan.

"Jovit Magsanoc. Siya ang rason kaya mo pinakielaman ang dealings ko sa nakaraang mga taon, tama ba? Alam kong tatay-tatayan mo siya. May tauhan din ako sa police station, bata. Alam kong umiyak ka nang malamang namatay siya. Alam kong nakiusap ka sa kanila na makita ang burol niya. Alam ko ang lahat bago ka biglang nawala na parang bula na kahit ang tuta ko sa istasyon ay hindi nalaman kung saan ka napunta. Pero bakit ako ang gusto mo gantihan dahil namatay siya, Maki Frias?"

Lumuhod bigla sa harap niya ang matandang lalaki, hinablot ang kuwelyo ng suot niya at puwersahang itinaas ang mukha niya hanggang magkatitigan na sila. "Ikaw ang dahilan kaya namatay siya, hindi ako. Bala na para sa'yo ang pumatay sa kaniya. Pero paano ba 'yan? Ngayong gabi wala nang sasalo ng bala para sa'yo. Ah... meron pala."

Parang lumobo ang ulo ni Maki nang lingunin ng matandang lalaki si Allen, may malisyoso at malupit na kislap sa mga mata. "Kung ibibigay mo siya sa akin, baka buhayin pa kita, bata. She's not my type but she will do."

Umalpas ang galit sa dibdib niya. Kahit sobrang sakit na ng katawan niya sa mga sipa nito ay nagawa pa rin niyang kumilos. Ubod lakad na sinuntok niya ito sa mukha. Napaupo ito sa sahig. Nag echo ang pagkasa ng mga baril at lahat natutok sa kaniya. Itinaas ng matandang lalaki ang kamay, tahimik na pinipigilan ang mga tauhan na barilin siya. "Ako ang papatay sa kaniya!" sigaw pa ng matanda na matalim siyang tiningnan. Namumula na sa galit ang mukha nito habang pinipilit makatayo.

"Maki!" naiiyak na tawag ni Allen sa kaniya.

Nilingon niya ito at nataranta siya nang makita ang determinasyon sa mukha nito. "No. Don't fight," mariing sabi niya rito. Kapag nanlaban ang dalaga, siguradong hindi magdadalawang isip ang mga lalaking barilin ito. Hindi niya hahayaang mangyari iyon. Mas mabuti pang isipin ng mga ito na mahina at harmless si Allen.

Mas narinig na naman siyang kasa. Bumalik ang tingin niya sa matandang lalaki. Nakatutok na sa kaniya ang hawak nitong baril.

"Tigilan mo na 'to, Scott," umiiyak na sabi ni Shannon. "Hindi na ako makikipaghiwalay. Gagawin ko na lahat ng gusto mo. Just stop this. Please."

Tumawa ang matandang lalaki, ni hindi nilingon ang asawa. "Hindi ito tungkol sa'yo Shannon. May atraso sa akin ang lalaking 'to at ito lang ang kabayarang kailangan ko. Paalam na Maki Frias – "

Biglang bumagsak ang malaking pinto ng bodega. May usok na pumasok sa loob, parang sinadya para hindi makita kung sino ang mga bagong dating. Kasunod niyon narinig ni Maki ang tunog ng mga papalapit na helicopter at malakas na sirena ng police car na mukhang nakapalibot sa kaniya. At sa wakas, tunog ng armalite, na sinundan ng igik mula sa mga lalaking nakatutok ang baril sa kaniya, na nasundan ng pagbagsak ng mga katawan. Nawala sa kanila ang atensiyon ng boss at ng iba pa nitong mga tauhan na itinutok sa may pinto ang baril at nagsimula na rin magpaputok.

Sinamantala ni Maki ang kaguluhan. Gumapang siya papunta kay Allen na narealize niyang gumagapang din palapit sa kaniya. They met halfway and hugged each other. "Let's get away from them," bulong niya sa tainga nito.

Tumango si Allen, humigpit ang yakap sa kaniya. "Isama natin si Shannon. Kailangan din niya makatakas sa asawa niyang psychotic," nanginginig ang boses na sagot nito.

Mariin niyang hinalikan ang tuktok ng ulo nito. Pagkatapos mabilis silang gumapang papunta sa direksiyon kung saan nila huling nakita si Shannon. Hindi pa rin tumitigil ang palitan ng putok at dalawang beses na naramdaman ni Maki na may dumaplis na bala sa braso at binti niya. It hurts like hell but he tried not to show it. Mas lalo niyang hinarang ang katawan kay Allen para hindi ito matamaan.

Naabutan nila si Shannon na nakayukyok pasandal sa patong patong na kahon. Umiiyak at nanginginig sa takot. Napatingin ito sa kanila nang makalapit sila. "I'm sorry. I'm sorry," paulit-ulit na bulong nito sa kanila.

"No. I'm sorry," sagot ni Maki. Pagkatapos tumingin siya kay Allen. "I'm sorry." Umiling ang dalaga at magaan na tinapik ang pisngi niya. Hinawakan niya ang kamay nito kasi nanginginig iyon. "Stay here with Shannon. Kailangan ko magpakita sa rescue team para alam nilang ligtas tayo."

Tumalikod siya at akmang tatayo pero biglang hinawakan ni Allen ang braso niya. Napangiwi siya kasi iyon ang nadaplisan ng bala kanina. "Maki," nanlalaki ang mga matang tawag nito sa kaniya. Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. "Dumudugo ang ulo mo. At ang damit mo, puro dugo rin."

Unti-unti nababawasan ang putok ng baril. Hanggang tuluyang mawala iyon. Nginitian niya si Allen at marahang inalis ang kamay nito sa braso niya. "I'm fine. Wait here, okay?" Saka siya tumalikod at maingat na humakbang palayo sa dalawang babae.

Maraming katawan ang nakahandusay sa sahig, ang iba wala nang buhay. Ang mga humihinga pa ay tinatanggalan naman ng armas at pinoposasan ng mga lalaking base sa uniporme ay pinaghalong NBI at member ng security agency na under ng St. Clair Holdings International.

"Maki, are you alive?" malakas ang boses na tanong ng boses lalaki. Lumingon siya at nakahinga ng maluwag nang makita ang nagsalita.

"Gio! I'm here," tawag niya sa atensiyon ng maskuladong lalaki na nakasuot din ng uniporme ng security agency. Tumingin ito sa kaniya at relieved na bumuntong hininga. Pagkatapos nagsimula maglakad palapit sa kaniya si Giovanni St. Clair, ang kapatid niyang sumunod na matanda sa kaniya. Dahil nagbalik na si Keith at Matilda kaya alam niyang nasa Pilipinas na rin ito. Mabuti na lang pala ang emergency number ng Security Agency na para lang sa kanilang mga St. Clair ang napindot niya nang tumawag siya kanina.

Humakbang siya para salubungin ang kapatid. Pero napahinto siya nang may makita siya sa kanyang peripheral vision. Lumingon siya at nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang nakakatayo pa pala ang boss ng mga sindikato. Nagpaputok ito ng baril, sunod-sunod hanggang maubos ang bala nito.

Ilang segundo bago narealize ni Maki na siya ang binabaril. Napaatras siya sa tindi ng puwersa ng bawat balang tumama sa katawan niya. Nang marinig niya ang umiiyak na sigaw ni Allen, saka lang niya naramdaman ang matinding sakit. Nagdilim ang paningin niya at naramdaman niyang matutumba na siya. Nang tumama ang likod niya sa sahig, nasiguro niya na mamamatay siya. At na katulad ng dati, hindi na naman niya matutupad ang pangako niya kay Allen na hindi na siya mawawala.

He's really bad at keeping his promises. But at least this time, no one will die because of him.

Bachelor's Pad series book 13: THE MYSTERIOUS HEIRWhere stories live. Discover now