Part 47

19.4K 596 7
                                    


ANG BUHAY ni Maki tinalo pa ang isang telenobela. Kahit nang matapos ito magkuwento, nakanganga pa rin si Allen. Sinabi nito sa kaniya ang tungkol sa naging kasunduan nito sa foster father nito nine years ago na siyang naging rason kaya naging hacker ito para sa kalabang fraternity na affiliated pala sa isang sindikato. Sa kung anong rason na ayaw nito sabihin, umatras daw ang Empress Bank sa pagsasampa ng kaso laban dito. Pagkatapos may good samaritan daw ang tumulong dito para makapagtago kasi target pa rin ito ng sindikato. Ang taong iyon din daw ang naging benefactor nito kaya natuloy nito ang pag-aaral at nagkaroon ng magandang trabaho.

"She's strange and bossy but she was my savior. Kung hindi dahil sa kaniya, hindi ko alam kung anong buhay na ang mayroon ako. Kung ang papa mo ang naging father figure ko, siya naman ang tanging babae na kinikilala ko talagang nanay ko," pagtatapos ni Maki sa kuwento nito.

Sa totoo lang, nararamdaman ni Allen na marami pa itong hindi sinasabi sa kaniya. Masyadong simplified ang kuwento nito at maraming impormasyon ang ayaw nito idetalye. Pero hindi siya nangulit. Kasi siya hindi niya alam kung makakaya niyang ikuwento rito kung ano ang nangyari sa kaniya sa nakaraang siyam na taon. Ayaw din niya aminin pero nakaramdam siya ng inggit. Kasi nang maulila siya ito naman ang nakakita ng taong naging totoong pamilya para rito. He gained something she had lost.

How ironic how their lives seem to always go opposite of each others. And how scary.

"Ngayon alam mo na ang nangyari. Hindi ko sinadyang iwan ka, Allen."

Huminga siya ng malalim at tumango uli. "Okay. Gets ko na."

"So... hindi ka na galit sa akin?"

Napatitig siya sa mukha nito. Mukha itong hopeful. He looks adorable. Pero masyado na siyang guarded para bumigay sa pagiging adorable nito. "Hindi ko pa alam."

Nalaglag ang mga balikat nito pero marahan namang tumango. "Okay. I understand."

Biglang may tumunog na ring tone. Nawala sa kaniya ang tingin ni Maki at may dinukot na cellphone sa bulsa. Kumunot ang noo nito bago sumulyap sa kaniya. "I need to answer this."

"Sige lang."

Sinagot nito ang tawag habang si Allen naman tumitig uli sa playground. Nagtatawanan ang mga bata roon, ang sasaya at parang mga walang problema. Noong kaedad ba siya ng mga ito ganoon din ang tunog ng tawa niya? Ganoon din ba siya kasigla? Sa dami ng nangyari sa buhay niya, hindi na niya matandaan.

"Kayo na ang bahala mag desisyon kung saan ang charity event. Ask Rob for help. Nasa labas ako. Mind your own business. Ugh, fine. Pabalik na ako." Narinig niyang sabi ni Maki sa tumawag bago tinapos ang tawag. Bumuntong hininga ito, tumapik na naman sa hita ang mga daliri at parang ayaw pa talaga umalis.

"Akala ko pabalik ka na?" tanong niya mayamaya.

"It's fine. I want to stay with you a little longer."

Nagkatitigan sila. Ngumiti ito. Medyo nawala ang bigat sa dibdib ni Allen at hindi napigilan gumanti ng tipid na ngiti. Pagkatapos sabay silang na-relax at sumandal sa bench. Hindi na sila nag-usap at tumitig lang sa mga batang naglalaro pero kahit papaano nawala na ang ilangan sa pagitan nila.

HINDI KUMAKATOK na binuksan ni Maki ang pinto ng opisina ni Keith sa ground floor ng Bachelor's Pad. Nakatayo ang kaibigan niya at nagsasalin ng umuusok na brewed coffee sa mug.

"At last, umuwi ka na. Tapos na ang meeting. Sa home for the aged ang charity event natin sa weekend."

Tumango siya at sumalampak ng upo sa couch. Inilapag niya sa center table ang ipad niya at ngumiti. "She finally talked to me today."

Tumaas ang mga kilay ni Keith pero ngumiti rin. "That's good. Gusto mo ng kape?"

Tumango siya uli at binalikan sa isip ang mga nangyari sa araw na iyon. Tama siya ng desisyon na huwag magpakita araw-araw kay Allen. Narealize niya na ito ang tipo na lalong nagagalit kapag pinepressure. Still, ayaw niyang isipin nito na hindi niya ito naalala kaya dinaan na lang niya sa pagpapadala ng bulaklak at pagkain araw-araw. Galing kay Keith ang ideya na iyon.

Inilapag ng kaibigan niya sa lamesa ang mug ng kape at umupo sa silya na nakadikit sa office table nito. "So, anong nangyari?"

Nagkibit balikat siya at humigop ng kape. "Sinabi ko sa kaniya ang nangyari nine years ago. Gets na raw niya pero alam ko na hindi pa niya ako tuluyang pinapatawad. She's too aloof and guarded now. Hindi katulad noon."

"Normal lang na mag-iba siya. Hindi naman maiksing panahon ang siyam na taon. Kahit nga ikaw, nag-iba na."

Tumango siya kasi alam niyang tama naman si Keith. Inaasahan din naman niya na hindi basta magtitiwala sa kaniya si Allen. After all, alam niyang naramdaman nitong may mga detalye siyang hindi sinabi. It's just that, Maki doesn't want her to know yet that he's now a St. Clair. Ayaw pa rin niyang malaman nito na siya ang may-ari ng Bachelor's Pad at na ang totoo dalawang taon na niya itong inoobserbahan. Isa na naman iyong bagay na sigurado siyang ikakagalit nito. Once she's more unguarded towards him, he will tell her everything.

"Tumawag nga pala si Matilda kani-kanina lang. Bibisita raw siya rito one of these days."

Napangiwi si Maki. "Akala ko matatagalan pa siya sa business trip niya."

"Mukhang minamadali niya. Alam mo naman kung ano ang mga plano niya 'di ba? You cannot postpone it anymore, Maki. May responsibilidad ka bilang pinakamatandang tagapagmana niya."

Bumuntong hininga siya at tumitig sa kisame. "Alam ko."

"Sinabi mo ba kay Allen kung sino ka na talaga ngayon?"

"It's too soon. Besides..."

"Besides?" nagtatakang tanong ni Keith.

Nakinita ni Maki ang mukha ni Allen. Lalo na ang mga mata nito na kapag natititigan niya ay nagpapasikip sa dibdib niya. "Marami rin siyang hindi sinasabi sa akin. Kapag tinitingnan ko siya nararamdaman ko na may nangyari sa nakaraang siyam na taon na hindi maganda. She has this lost and pained look in her face sometimes."

"Pareho kayo," komento ni Keith.

Huminga siya ng malalim at tiningnan ito. "Hindi kami pareho. I have you. I have Matilda. I have the boys of Bachelor's Pad though they don't personally know me. Pero siya... sino ang kasama niya sa nakaraang siyam na taon?"

Natahimik ang kaibigan niya. Ngumiti. Okay na sana kaso bigla itong nagsalita, "Mahaba ang siyam na taon. At dahil hindi siya recluse na katulad mo, hindi imposible na kung nagkaroon siya ng boyfriends."

Sumimangot si Maki at matalim itong tiningnan. Lalo at naalala niya ang lalaking umakbay kay Allen at nginitian nito ng matamis two years ago. Wala na ba ito sa buhay ng dalaga o may relasyon pa rin ang mga ito hanggang ngayon?

Biglang tumawa si Keith kaya nabalik dito ang atensiyon niya. "You look funny, Maki. Ngayon lang kita nakita mag selos."

Inis na inubos niya ang kape at saka pabagsak na ibinaba ang mug sa center table. Tumayo siya at hinablot ang ipad niya. "Whatever. Aakyat na ako sa penthouse."

"Teka lang, hindi ka pa rin ba sasama sa charity event? Ayaw mo pa rin ba magpakita sa kanila?"

"Next time," sagot ni Maki at saka tuluyang lumabas. Okupado na kasi ng ibang bagay ang isip niya, na kay Allen na uli, nasa pag-iisip ng paraan para mag open up ito sa kaniya.

Bachelor's Pad series book 13: THE MYSTERIOUS HEIRWhere stories live. Discover now