Part 31

19.1K 598 30
                                    


NATULALA si Allen habang nakatitig kay Maki na hindi naman makatingin sa kaniya. Nakayuko ito, laglag ang mga balikat at namumula ang mga tainga. Halata na nanliliit ito at nahihiya sa mga inamin nito sa kaniya. Parang nilamutak ang puso niya. Kasi hindi niya inaasahan na ganoon ka-twisted ang sitwasyon ng binata mula noong maghiwalay sila hanggang ngayon. Ang sakit isipin na lahat ng frustration, galit, helplessness at suffocation na naramdaman nito sa nakaraang apat na taon ay kinimkim lang nito nang mag-isa.

Nanginig ang mga labi niya at marahang huminga ng malalim. "Maki."

Sandali itong pumikit ng mariin bago dumeretso ng upo at humarap sa kaniya. Nagtama ang kanilang mga paningin. Alam niyang hinihintay nito ang magiging reaksiyon niya. May bikig sa lalamunan niya kaya imbes na magsalita ay niyakap niya ito. Mahigpit na mahigpit. Na-tense ito noong una pero mayamaya lang naramdaman niyang pumaikot din ang mga braso nito sa katawan niya at gumanti ng yakap. Pagkatapos isinubsob nito ang mukha sa leeg niya. Matagal na ganoon lang sila, walang nagsasalita pero alam niyang nagkakaintindihan sila.

Akala ni Allen, wala nang titindi pa sa naging karanasan niya noong high school siya. Pero mas matindi pala ang pinagdaanan ni Maki. At least kasi siya may suporta at pagmamahal ng papa niya. Samantalang ito walang emotional support. Napapaligiran man ito ng mga tao pero mag-isa pa rin ito sa nakaraang apat na taon. Humigpit lalo ang yakap niya rito.

"Hindi ka na puwede manatili sa pamilya nila," basag niya sa katahimikan. "Engineering ang course mo 'di ba? Ibig sabihin lampas apat na taon pa bago ka maka-graduate. Mukhang may isang salita ang foster father mo pero... sa tingin ko hindi makakabuti sa'yo ang maging dependent sa pamilya nila ng ganoon katagal pa. Saka sigurado ba tayo na kapag naka-graduate ka na ay 'yon na 'yon? Kapag sila ang nagpaaral sa'yo, mahihirapan ka kumawala sa utang na loob mo sa kanila."

Nakasubsob pa rin ang mukha nito sa leeg niya nang tumango ito. Pagkatapos dahan-dahang lumuwag ang pagkakayakap nila sa isa't isa. Hinarap siya nito. "Nag-iisip na ako ng paraan para hayaan nila akong humiwalay sa mga Angeles. Alam ko na hindi ako aabusuhin ng foster father ko. Though hindi rin siya mag-e-effort na pakitaan ako ng mabuti. Pero hindi ako komportable na abot kamay lang ako ni Shannon kapag gusto niya akong pagtripan. That woman never accepts no for an answer. In fact, sa tuwing tinatanggihan siya lalo lang siya nagiging mapilit at malupit."

May dumaang imahe sa isip ni Allen. Si Maki at Shannon, magkayakap, magkalapat ang mga labi at –

Kumurap siya nang ikulong ng binata ang mukha niya sa magkabilang palad nito. Nagtama ang kanilang mga paningin at may kumurot sa puso niya nang marealize na alam nito kung ano ang naiimagine niya.

"I will never do it with her again, Allen. I swear I will never do it again with anyone else," seryosong sabi nito.

May init na humaplos sa puso niya at may kuryenteng kumalat sa buong katawan niya. Kasi kahit hindi nito sinabi ng malakas ay parang narinig niya ang karugtong ng mga sinabi nito... anyone else but you.

"Bakit?" mahinang tanong niya.

Katulad ng dati, naintindihan nito ang kahulugan ng tanong niya. Noon pa man ay ganoon na sila, kahit noong hindi pa ito nakakapagsalita. Palagi para silang may telepathy. Alam kung ano ang iniisip ng isa't isa.

"Sinabi ko na kanina. I will only do it with the one I really like. And it will be at the right time when we are both ready for it. Ikaw lang naman ang babaeng nagustuhan ko Allen. So there is no way I will consider anyone else," seryoso pa ring sabi ni Maki.

Umawang ang mga labi niya at napatitig sa mga mata nito. Uminit ang mukha niya nang sumilay ang ngiti sa mga labi nito. "Mula noon, ngayon at malamang sa mga susunod pang taon, ikaw lang ang babaeng gusto ko."

Namasa ang mga mata ni Allen. Kasi sa pag-amin nito sa feelings nito, naging malinaw din sa kaniya ang totoo niyang nararamdaman. "Noon pa man espesyal ka na sa akin, Maki."

"I know. Ganoon ka rin sa akin."

"Mula noon hanggang ngayon, sa harap mo lang ako naiiyak, alam mo ba? Sa'yo ko lang naipapakita ang kahinaan ko."

Naging masuyo ang ngiti nito at tumango. "I know. Sa'yo ko lang din naipapakita ang kahinaan ko."

May bumikig sa lalamunan ni Allen pero nagpatuloy siya sa pagsasalita. "You give me strength but you are also my weakness. And I think that's okay, you know?"

Tumango si Maki, tahimik na sinasabi na ganoon din ito.

"So you have always been important to me. Pero ngayon, itong nararamdaman ko sa'yo, hindi na katulad ng dati eh. Sa nakaraang mga linggo, nalilito pa ako kung ano ba talaga itong nararamdaman ko. Pero ngayon alam ko na ang ibig sabihin ng pagiging espesyal mo para sa akin. Alam ko na kung bakit ang sakit sa dibdib ko noong akala ko may girlfriend ka. At alam ko na kung bakit nasaktan ako nang makita kong sumakay ka sa kotse ni Shannon. I like you, Maki. I really, really do."

Kumislap ang mga mata ni Maki at ngumiti. Napangiti rin tuloy si Allen. Pagkatapos, narealize na lang niya, unti-unti nang nababawasan ang distansiya sa pagitan ng mga mukha nila. Bumilis ang tibok ng puso niya at uminit ang pakiramdam niya. Pero wala siyang balak umatras. Katunayan nang malapit na ang mga labi nito ay sinalubong niya iyon. They kissed. Magaan lang, nananantiya at nakikiramdam. Ni hindi gumagalaw ang mga labi nila. Magkalapat lang talaga.

Makalipas ang ilang segundo sandaling naglayo ang mga mukha nila. Nagkatitigan sila. Hindi na nakangiti at may kakaibang intensidad na sa mga mata. Then they kissed again. It was still a soft and tender kiss. But this time their lips are moving, feeling and tasting each other. Nang matapos ang halik ay nagkatitigan na naman sila. Hindi na talaga sila tulad ng dati. Kumbaga sa karera, may linya silang tinawid ni Maki. Hindi na sila puwede pang bumalik sa platonic na relasyon. Medyo kinabahan si Allen. May nakapa siyang takot at alinlangan sa dibdib niya pero may anticipation at excitement din siyang nararamdaman.

"Anong nangyari sa atin, Maki?" mahinang tanong niya.

Mukhang napansin nito ang nararamdaman niya kasi ngumiti ito at hinaplos ng hinlalaki ang gilid ng kanyang mga labi. "We grew up."

Kumurap si Allen, huminga ng malalim at napatango. Kasi iyon lang naman talaga ang rason sa mga naging pagbabago sa mga buhay nila at sa mga nararamdaman nila. Hindi na sila mga bata.

Bachelor's Pad series book 13: THE MYSTERIOUS HEIRWhere stories live. Discover now