Part 17

21.2K 568 15
                                    


"SINO 'YON? EX MO?"

Sinulyapan ni Maki si Peter na hinubad ang suot na baseball cap pagdating nila sa headquarters ng Alpha Omega Fraternity pero hindi siya kumibo. Wala siyang balak sabihin kahit kanino kung sino si Allen Magsanoc dahil wala naman siyang plano mapalapit sa dalaga ngayon.

Hindi na siya ang dating Maki na kilala nito. He's no longer the purehearted boy who once thought that everything in his life will be fine as long as he's with her. Alam na niya ngayon na hindi siya katulad ng mga masusuwerteng tao na nagiging masaya sa buhay. Now he was just trying hard to survive and remain sane. Walang puwang sa buhay niya ngayon si Allen. Manliliit lang siya kung malalaman nito ang naging buhay niya sa nakaraang apat na taon. Mapapahamak lang ito kapag na-involve sa kaniya.

"Tsk, hindi mo na naman pinapansin ang tanong ko," reklamo ni Peter.

Nagkibit balikat siya at pabagsak na umupo sa isa sa mga silya na nakapaikot sa silid. Mayamaya pa dumating na ang ibang opisyales at miyembro ng fraternity na fourth year high school pa lang siya ay nirecruit na siya at kinumbinsing sumali. That time wala siyang ibang gustong gawin kung hindi tumakas at may mapaglabasan ng matinding galit at pagrerebelde. Kaya kahit na alam niyang suicidal at reckless, kahit na alam niyang bawal at ma-e-expel siya kapag nalaman ng school, sumali pa rin siya sa initiation rights at opisyal na naging miyembro.

Ni hindi inaasahan ni Maki na isa siya sa kakaunting nakapasok sa batch nila. Lalo at ni hindi malinaw ang isip niya sa huling level ng screening, kung saan nagkaroon ng rambulan at ang huling sampung nakatayo ang makakapasa. He was so full of anger, and that rage became the fuel to his punches and kicks. Wala siyang sinanto at hindi niya ininda ang suntok at sipa na tumama sa katawan niya. Sa huli lima lang silang natirang nakatayo.

Pero dahil hindi pa siya college student noon, tanging ang mga ka-batch lang niya at mga opisyales lang ng fraternity ang nakakaalam na kasali siya sa grupo. Hindi rin siya sumasama sa mga official activities na kailangan magpakita sa madla. Pero hindi ibig sabihin niyon na hindi siya aktibong member noong fourth year high school siya. Minsan napupunta siya sa planning committee at computer related stuff. Madalas sumasama siya sa mga illegal activities ng grupo na bawal banggitin kahit kanino kasi malilintikan silang lahat kapag nakarating sa kinauukulan. Ang paborito niya sa lahat, frat war. Kasi iyon lang ang paraan para makapaglabas siya ng galit at frustration.

Ngayong college student na siya, siya ang pinakabatang nahalal bilang isa sa mga official ng Alpha Omega. Not only because throughout the year he garnered a reputation as a cruel, heartless and strong fighter but because he was also the smartest guy in the whole university. Sa dami ng naging frat war at kung anu-ano pang mga aktibidades na puwedeng maging cause for expulsion, kahit kailan walang taga Alpha Omega ang nahuli ng school administration. Iyon ay dahil magaling siya magbura ng ebidensiya. Madali lang para sa kaniya ang i-hack ang security system ng university para burahin ang cctv footage nang hindi mapapansin na may nanghimasok sa software.

High school pa lang si Maki, bihasa na siya sa paggamit ng computer. Ang nag-iisang advantage ng bagong pamilya na umampon sa kaniya ay mayaman ang mga ito at hindi nagtitipid sa pagbibigay ng pera at mga materyal na bagay. Ang pamilya Angeles ang tipo ng pamilya na unang nagkaroon ng computer noong nauso iyon, unang nagkaroon ng mabilis na internet connection at taon-taong nagpapalit ng unit basta may mas makabagong lumabas.

At dahil ang sarili lang niyang kuwarto ang matatawag niyang safe haven sa malaking bahay ng bago niyang pamilya, natutok siya sa computer. Pero hindi siya nakuntento sa mga simpleng web browsing at games. Sa school, naging tambayan niya ang university library, binabasa lahat ng computer related textbooks at inapply lahat ng nalalaman. Madali lang iyon para sa kaniya since hindi niya nakakalimutan ang nakita at nabasa na niya ng isang beses. Bukod sa interesado talaga siya sa computer. Kalaunan hindi na lang niya ginagawa ang mga nabasa niya sa textbook. Nagsimula na siya mag experiment, magkalikot ng existing system, gumawa ng sariling codes at kung anu-ano pa. Hanggang sa sariling sikap, natutunan niya ang hacking.

Sa unang meeting ng fraternity pagkatapos niya maging kolehiyo, inamin ng mga opisyales na ang kakayahan niyang iyon ang dahilan kaya pinilit siya i-recruit ng Alpha Omega. Hindi siya nagulat kasi kasama ang talino sa tinitingnan para makapasok sa brotherhood na iyon. Hindi halata sa isang tingin, pero marami na silang brothers na mga matatagumpay nang abogado, doktor, arkitekto, engineer at kung anu-ano pa. Kahit ngayon, ang mga active member ay mga regular dean's lister sa kani-kanilang departamento.

Biglang nag vibrate ang cellphone ni Maki na nakasuksok sa bulsa ng hoodie niya. Dere-deretso kaya alam niyang may tumatawag sa kaniya. Hindi niya iyon pinansin kasi unti-unti nang nakumpleto ang mga miyembro at magsisimula na ang meeting. Bandang alas nuwebe na nang matapos iyon. Ayaw pa niya umuwi pero wala siyang choice kaya kahit mabigat sa loob ay naglakad siya papunta sa school gate.

Nakalabas na siya at patawid na papunta sa sakayan nang may bumusina. Napahinto siya sa paglalakad at lumingon. Tumiim ang bagang niya nang makita ang pamilyar na asul na kotse na huminto sa harapan niya. Gusto niyang tumalikod at bumalik sa campus. O kaya tumakbo palayo. O ang pinakagusto niyang gawin – sirain ang kotse na iyon.

Bumaba ang binata sa driver's seat at sumungaw ang isang magandang babae – sa panlabas lang. Because inside, she's a demon incarnate. Tumaas ang kilay nito nang hindi siya tuminag sa pagkakatayo. "Ano pang ginagawa mo? Get in," utos nito.

Naningkit ang mga mata ni Maki at kumuyom ang mga kamao pero kumilos rin para buksan ang pinto sa kabilang side at pabagsak na umupo sa passenger's seat. Alam niya ang kaya nitong gawin sa kaniya kung magmamatigas siya at ipapahiya ito sa lugar na maraming nakakakita.

"Tinatawagan kita pero hindi mo sinasagot," sabi nito habang nasa biyahe na sila.

Humalukipkip si Maki at tumingin sa labas ng bintana. Mabuti na lang pala hindi niya tiningnan ang cellphone kanina nang nag ba-vibrate iyon. "I was in the middle of a group meeting."

"Oh really? Hindi mo sinadyang hindi sagutin nang makita mong ako ang tumatawag?"

Hindi siya sumagot.

"Hindi mo ba ako na-miss?"

Mula sa repleksiyon nito sa bintana nakita niyang sumulyap ito sa kaniya at ngumiti. He hates that smile. Kasi alam niyang may itinatagong kalupitan ang ngiti na iyon. Kasi alam niyang may pinaplano itong hindi niya magugustuhan sa tuwing ngumingiti ito ng ganoon.

"Ano bang kailangan mo at pinuntahan mo pa ako sa campus?" malamig na tanong ni Maki.

Huminto ang sasakyan dahil naka-red ang traffic light. Napaigtad siya nang lumapat ang kamay nito sa hita niya. Matalim na tinapunan niya ito ng tingin. "Stop that."

Tumaas ang kilay nito, ngumiti at humaplos pa ang kamay. "Na-miss lang kita. I bet you're so lonely at home. Kasi sa pamilya natin, ako lang ang totoong nagmamahal sa'yo bilang ikaw, Maki. Hindi katulad ng parents natin, hindi ako nagkukunwaring kadugo ka. You are too handsome to be just a younger brother."

Gumalaw na naman ang kamay nito, paalis sa hita niya at papunta sa bahagi ng katawan niyang hindi niya hahayaang mahawakan pa nito uli. Mabilis na hinawakan niya ang kamay nito at mariing pinisil hanggang mapangiwi na ito. "Tumigil ka na, Shannon. I don't want to be your toy anymore."

Naningkit ang mga mata nito. "Ako ang magdedesisyon niyan, hindi ikaw. I won't let you go so easily."

Pabalang na binitawan niya ang kamay nito. Nagsimula na umandar ang mga sasakyan sa harapan nila kaya ibinalik na nito ang atensiyon sa pagmamaneho. Akala pa naman niya, since naka-graduate na ang babae ng college last year at nakatira na sa condo unit nito, hindi na niya ito makikita pa uli. Akala niya makakatakas na siya sa mga kuko nito at mababawasan na ang problema niya. Pero mukhang mali siya. Shit.

"Wala kang karapatan magmatigas ng ganiyan at alam mo 'yan. We have done so much for you. Matuto kang tumanaw ng utang na loob, Maki."

Tumitig siya sa labas ng bintana at hindi na nagsalita. Isinuksok niya ang mga kamay sa bulsa ng hoodie niya kasi mariing nakakuyom ang mga iyon. May galit na nagwawala sa loob ng sikmura niya, gustong kumawala. Pero katulad ng dati, basta nasa presensiya ng miyembro ng pamilya Angeles, kailangan niyang kimkimin ang nararamdaman at magkunwaring manhid. They had done so much for him? Oh yes, they did.

They ruined him.

Bachelor's Pad series book 13: THE MYSTERIOUS HEIRWhere stories live. Discover now