Part 24

20.6K 596 38
                                    


Pagkasara ng pinto nagkatinginan na naman sila ni Maki. At hindi niya alam kung bakit pero biglang parang hinalukay ang sikmura niya at umalinsangan ang pakiramdam niya. Naging kakaiba ang katahimikan. Naging tensiyonado. Ang weird kasi noong mga bata pa sila, walang ganitong pakiramdam kapag silang dalawa lang ang magkasama.

Tumikhim si Allen sabay nilang binawi ang kani-kanilang tingin. "Anyway, manood na tayo." Lumapit siya sa DVD player at tinuloy ang pagsasalang ng pelikula. Nang muli siyang humarap sa binata sandali lang siya nagalinlangan bago umupo sa tabi nito. Itinaas niya ang mga paa at niyakap ang mga tuhod. Pagkatapos pinindot na niya ang play button.

Isang lumang Jet Li movie ang pinapanood nila, isa sa mga paborito niya. Pero hindi niya maintindihan kung bakit sa gabing iyon ay hindi masyado nag reregister sa isip niya ang mga eksena. Masyado siyang conscious sa presensiya ng lalaking katabi niya. Mukhang hindi rin naman ito nanonood talaga kasi bigla na lang ito nagsalita, "Sabi ni tito Jovit, matagal ka na raw hindi nag ta-taekwondo."

Biglang napatingin si Allen kay Maki na kanina pa pala wala sa TV screen ang atensiyon. Nakatitig kasi ito sa kaniya. "Why did you stop?"

Kumirot ang puso niya. Palaging ganoon ang nararamdaman niya kapag naalala niya ang nakaraan. "Hindi ba sinabi ni papa sa'yo?" paiwas na sagot niya.

"Hindi. Ang sabi niya, ikaw daw ang magsasabi sa akin."

Bumuntong hininga siya. "Hindi naman ako huminto. Nag pa-practice pa rin naman ako araw-araw pero hindi na lang katulad ng dati. Saka hindi na ako bata. Kailangan ko na mag focus sa pag-aaral para magkaroon ako ng matinong trabaho pagka-graduate ko," pagdadahilan niya.

"So you prefer to live like everyone else than do something you really love? Ganoong buhay ba ang gusto mo, Allen? Iyong normal at katulad ng sa karamihan?"

Tumindi ang kirot na nararamdaman niya sa puso niya. Dinaan niya sa tawa at iling ang sakit. "Maki, it's not a big deal."

Nagulat siya nang biglang pumihit ang binata hanggang nakaharap na ito sa kaniya at dumikit na ang hita nito sa mga binti niya. "Kung talagang hindi big deal, bakit ka sumilip sa training ng taekwondo team noong pangalawang beses tayo nagkita sa campus? Hindi mo nakita ang facial expression mo habang nakasandal ka sa pader ng auditorium at nakikinig sa practice nila pero ako nakita ko. You look like you missed it so badly. You look in pain."

Napanganga si Allen. Ganoon ba talaga ang hitsura niya ng araw na iyon?

"Kaya bakit ka tumigil?"

May bumara sa lalamunan niya at humapdi ang kanyang mga mata. Narealize niya na hindi niya maiiwasan ang mga tanong ni Maki. Hindi ngayong silang dalawa lang ang naroon at mukhang determinado itong iinterrogate siya. Kaya pinindot na niya ang stop button para huminto ang pelikula. Saka siya pumihit paharap dito. Sa ginawa niya, nawalan na nang distansiya ang mga katawan nila at mas magkalapit na kaysa kanina ang mga mukha nila. Hindi ito umatras, tumitig lang sa kanyang mga mata. Lalo lang tuloy tumindi ang hapdi sa mga mata niya.

"Alam mo na ang daming nangyari sa buhay ko sa taon ng graduation natin noong elementary 'di ba? Namatay si mama tapos... umalis ka." Kumurap si Maki at may dumaang sakit sa mukha nang maalala siguro ang naging paghihiwalay nila noon. Umiling siya at hindi nakatiis na hinaplos ang pisngi nito. "Alam ko hindi mo kasalanan. Wala kang choice na magdesisyon para sa sarili mong buhay noon. Eleven years old lang tayo 'non. Mga adult pa ang gumagawa ng desisyon para sa atin. Alam ko 'yon sa isip ko pero masakit pa rin para sa akin na dalawang taong mahal ko ang nawala sa buhay ko noon. Dinibdib ko masyado at kahit anong gawing pang-aliw ni papa sa akin at kahit gaano pa kakulit sina Francis at Amory... hindi pa rin bumalik ang sigla at saya ko.

Bachelor's Pad series book 13: THE MYSTERIOUS HEIRWhere stories live. Discover now