Part 65

21.3K 597 19
                                    


"MAKI! TULOG KA PA BA? I'm back!"

Napadilat si Allen sa malakas at sunod-sunod na katok kasabay ng pamilyar na boses ni Keith mula sa labas ng kuwarto. Mukhang naging alerto na rin si Maki na kayakap niya kasi frustrated itong umungol at mabilis na bumangon paupo.

"Maki!"

"Shut up! Get out of the penthouse. Bumalik ka na lang mamaya," sigaw nito na hindi umaalis sa kama.

Tumahimik. Bumangon din ng upo si Allen at inipit sa mga kilikili ang kumot para matakpan ang kahubdan niya. "Okay lang ba 'yon?" worried na tanong niya.

"It's fine." Humarap ito sa kaniya. Nagkatitigan sila. Biglang bumalik sa isip niya lahat ng nangyari kagabi kaya uminit ang mukha niya at nakaramdam siya ng hiya. Napangiti si Maki, yumuko at mabilis siyang hinalikan sa mga labi. "You look cute when you're being shy."

Naningkit ang mga mata niya at mahina itong sinuntok sa braso. Mahina itong tumawa at parang balak na naman siya halikan nang –

"Shit. Kasama mo ba si Allen sa loob?"

Nanlaki ang mga mata niya at napasimangot naman si Maki. Si Keith, nasa pinto pa rin ng master's bedroom! Hiyang hiya na isinubsob niya ang mukha sa dibdib ng binata at umungol. "Hindi ko na siya kaya tingnan sa mukha pagkatapos nito," daing niya.

Niyakap siya nito. "Wala ka dapat ikahiya. He had seen more extreme things in his life."

"Guys, ayoko sana kayo istorbohin pero papunta si Matilda dito. In fact pasakay na siya ng elevator. Sasalubungin ko siya para bigyan kayo ng time mag ayos," sabi ni Keith na sinundan ng papalayong mga yabag.

"Shit," tarantang lumayo si Allen sa binata at hila ang kumot na bumaba siya sa kama. Hindi ganito ang naisip niyang magiging pagkikita nila ng adoptive mother ni Maki. Sigurado magagalit ito sa kaniya at magiging kontrabida sa relasyon nila na katulad sa mga drama. Kasi kung anak niya rin ang maabutan niyang may kasamang babae sa bahay nito na obvious na may ginawa magdamag, magagalit din siya. Siyempre gusto niya na magustuhan siya ni Matilda kasi mahal ito ni Maki na parang tunay na ina.

"Calm down, Allen," sabi ng binata na bumaba na rin sa kama at naglakad papunta sa closet. Kahit kabado siya hindi niya napigilan mapatitig sa hubad nitong katawan. She could not help herself from appreciating how beautiful he is without clothes on. "Kilala ka naman na niya so formality na lang ang magiging meeting niyo ngayon."

Napakurap siya at bumalik sa kasalukuyang sitwasyon ang kanyang isip. Hinanap niya ang mga damit niya at napangiwi nang maalala kung nasaan ang mga iyon. "Isinampay ko sa banyo ang mga damit ko."

Nag shorts at t-shirt si Maki. Pagkatapos lumapit ito sa kaniya at nakangiting hinawakan ang magkabilang pisngi niya. "I'll get your clothes." Pagkatapos siyang halikan sa noo ay lumabas na ito ng master's bedroom.

Pabuntong hiningang umupo na lang si Allen sa gilid ng kama. Masyadong kalmado ang binata. Sigurado naman siyang hindi ito sanay na mahuling may kasamang babae kasi kagabi, inamin nito na celibate ito sa nakaraang mga taon. Nagulat pa nga siya nang malaman iyon. Sumimangot pa ito nang magtanong siya kung bakit.

"Hindi ba nangako na ako noong college pa lang tayo? I will never do it again with anyone else." May init na humaplos sa puso niya nang maalala ang sinabi nito. Napangiti siya. Kaya nang bumalik si Maki sa master's bedroom dala ang mga damit niya ay kalmado na siya.

Bachelor's Pad series book 13: THE MYSTERIOUS HEIRWhere stories live. Discover now