Part 51

19.8K 561 9
                                    


"NAMI-MISS mo si Maki 'no?"

Nabitawan ni Allen ang bitbit na kicking pads sa sobrang gulat niya kasi biglang nagsalita sa likuran niya si Mr. Kim. Nang lingunin niya ito nakita niyang nanunudyo ang ngiti ng boss niya.

"Uy, nami-miss niya," sabay at pakantang biro rin nina Donna at Nina na pareho ring nagliligpit ng equipment na ginamit sa klase. Katatapos lang ng evening session.

Tumikhim siya at sumimangot. "Huwag na nga kayo mang-asar."

"Pero hindi niya dineny na miss na niya si pogi," sabi ni Donna.

Uminit ang mukha ni Allen pero hindi sumagot. Pinulot lang niya ang nabitawang kicking pads at halos tumakbo papunta sa storage room para makalayo sa mga ito.

Isang linggo na mula nang huli silang magkita ni Maki. Siguro nga tama ang mga katrabaho niya na na-mi-miss niya ito kahit na ilang beses naman ito nag text sa kaniya sa nakaraang mga araw. Alam din niya na busy ito. Pero hindi iyon ang totoong dahilan kaya distracted siya at hindi mapakali. The truth is, not seeing Maki for a week makes her feel uneasy and... afraid. Sa history nilang dalawa mula pa noong mga bata sila, sa tuwing nawawala ang binata ay inaabot ng taon bago sila magkita uli. Sa tuwing nagiging komportable at sigurado siyang magkakasama na talaga sila, palaging bigla na lang itong hindi magpapakita sa kaniya na walang paliwanag. Paano kung ang hindi nito pagpapakita ngayon ay matulad na naman sa mga nangyari noon?

"Ano pa bang inaalala mo, Allen?" concerned na tanong ni Mr. Kim mula sa nakabukas na pinto ng storage room. Ni hindi niya naramdaman na nakasunod pala ito sa kaniya.

Inilagay niya sa tamang lagayan ang kicking pads, pasimpleng huminga ng malalim at saka lumapit sa matandang koreano. "Ano pong ibig niyong sabihin?"

Pinagmasdan nitong maigi ang mukha niya. "Gusto mo siya pero pinipigilan mo ang sarili mo. Gusto ka rin niya at nakikita kong sincere siya sa nararamdaman niya para sa'yo. I personally like that man for you, Allen."

Malungkot siyang ngumiti. "Bestfriends nga talaga kayo ni papa kung pareho kayo ng taste sa lalaki. Papa loved him too."

Kumislap ang emosyon sa mga mata ni Mr. Kim, para bang inaalala ang kanyang ama. Noong bata pa siya, palaging laman ng mga kuwento ni papa ang bestfriend daw nito since high school. Purong koreano daw ito pero lumaki sa pilipinas kaya magaling magtagalog. Bukod sa avid fan daw ng tagalog movies at tv series ang bestfriend nito. In fact, ninong daw niya sa binyag si Mr. Kim pero tatlong taong gulang pa lang daw siya nang bumalik ito sa South Korea at doon na nanirahan. Kahit nang mamatay ang papa niya, hindi ito nakapunta dahil huli na nang malaman nito ang nangyari.

Three years ago, in one of the lowest points of her life, he suddenly contacted her. Nagkita sila at sa isang iglap, nasiguro niya agad na ito nga ang bestfriend ng papa niya. Maraming pictures ang mga ito sa lumang family photo album nila. Naramdaman din niya kaagad ang fatherly affection nito para sa kaniya. Kaya nga naamin niya rito ang lahat ng naranasan niya sa nakaraang mga taon, kahit iyong ayaw niya ipagsabi sa iba. Nagalit ito para sa kaniya at pagkatapos umiiyak na niyakap siya. Nang mahimasmasan sinabi nitong balak na nitong manatili sa Pilipinas at magtayo ng martial arts school. Namatay na raw kasi ang asawa nito at may kani-kanilang pamilya na raw ang mga anak nito. Sumama raw siya rito sa maynila para magturo. Kaya heto na siya ngayon.

Mayamaya ngumiti ang matandang lalaki. "Hindi ba mas malaking rason 'yon para hindi ka maging guarded pagdating kay Maki? Kaming mga ama, sobrang overprotective kami sa mga anak namin lalo na kapag babae. The fact na pareho kaming boto ng tatay mo sa kaniya, hindi ba malaking factor iyon para huwag mong pigilan ang sarili mong magustuhan siya? Ilang beses ko pa lang siya nakita pero alam ko nang hindi basta basta ang nararamdaman niya para sa'yo."

"Paano niyo naman nasabi?" tanong ni Allen.

"Because when he looks at you he has the softest expression on his face. So soft that he looks almost sad. Be with someone who looks at you like that; as if your mere existence makes his heart melt. That man will treasure you forever, Allen. Kapag tinitingnan ka niya ng ganoon, wala ka bang nararamdaman?"

Nakagat niya ang ibabang labi at nagbaba ng tingin. Alam niya ang sinasabi ni Mr. Kim. Kapag nahuhuli niyang nakatitig sa kaniya si Maki parang nilalamutak ang puso niya at parang gusto niya umiyak. Pero natatakot siya. Paano kung kailan hulog na hulog na naman siya para rito ay bigla na naman siya nitong abandonahin? She's already tired of being left behind.

"Why not take a risk? Malay mo, hindi naman mangyari ang kung ano mang kinakatakutan mo. Isa pa, kung magkamali man siyang paiyakin ka, malilintikan siya sa akin. Parang anak na rin kita at hindi ako papayag na may manakit sa'yo," sabi pa ni Mr. Kim na para bang nabasa ang iniisip niya.

Hindi siya nakapagsalita at napangiti na lang. Na-touch kasi siya sa sinabi nito.

"Allen!"

Napakurap siya. Pareho silang nagulat ni Mr. Kim sa malakas na pagtawag ni Donna sa pangalan niya. Napatakbo sila palabas ng storage room.

"Anong nangyari?" manghang tanong niya.

Nasa tabi ng bintana ang co-teachers niya, nakasilip sa labas. Lumingon si Nina sa kanila at impit na tumili, kilig na kilig. "Nasa labas si pogi."

Napanganga siya at uminit ang pakiramdam niya. Napasulyap siya kay Mr. Kim na mawalak nang nakangiti. "Go. Kami na ang bahala magtapos ng paglilinis dito."

"Oo nga, Allen. Go na. Huwag mo paghintayin si pogi," udyok din ng co-teachers niya.

Hindi na siya nagpakipot. Nagpasalamat siya sa mga ito at mabilis na nagpunta sa locker room. Nagpalit siya ng damit at bitbit ang backpack na lumabas ng martial arts studio. Nahigit niya ang hininga nang makita niyang nakatayo si Maki ilang metro mula sa pinto. Nilingon siya nito at ngumiti.

Bumagal ang bawat hakbang niya at napatitig dito. Hooded jacket pa rin ang suot nito pero hindi na nakasuot sa ulo ang hood niyon. Mukhang sa gabing iyon wala itong balak itago ang mukha nito. Huminto siya sa harap nito. Naging masuyo ang ngiti nito. "Hi."

"Hindi ka na busy?" mahinang tanong niya.

"Busy pa rin. Pero hindi ko na kayang hindi ka makita. Miss na miss na kita."

Sumikdo ang puso niya at uminit ang mukha niya. Tumikhim siya. "Hindi kita na-miss."

Mahina itong tumawa at hinaplos ang pisngi niya. "Then can you just do me a favor? Have dinner with me?"

Huminga siya ng malalim, nag-alangan. Pero naalala niya ang sinabi ni Mr. Kim. Why not take a risk? Nakakatakot. Pero kinakalma ng magaan na haplos ni Maki sa kanyang pisngi ang takot na nararamdaman niya.

"Please?" dugtong pa nito sa alok.

Lumunok siya. Pagkatapos itinaas ang noo at sumagot, "Okay."

Bachelor's Pad series book 13: THE MYSTERIOUS HEIRWhere stories live. Discover now