Part 27

18.8K 561 3
                                    


MABILIS na lumipas ang mga linggo. Dumaan ang midterm exams. Hindi namalayan ni Allen, malapit na matapos ang first semester. Siguro kasi sobrang nag e-enjoy siya. Bukod sa nakakita na siya ng gym malapit sa university na may boxing at aikido trainors kaya regular na uli siya nakakapag-ensayo, naging constant part din ng araw niya si Maki.

Hindi na ito umiiwas o sumisimangot kapag nagkikita sila sa campus. Katunayan, may araw na ito pa ang kusang pupunta sa building nila para lang magkita at magkausap sila. Kapag din magkalapit lang ang mga klase nila na nangyayari twice a week, sabay silang nag la-lunch. Kahit si Carla na takot sa binata noong una ay unti-unti na nasanay sa presensiya nito. Siguro kasi nasabi na niya sa babae ang lahat ng tungkol sa kanila ni Maki kaya na-o-overlook na rin nito kahit papaano ang masamang reputasyon ng binata. Overall, masaya at mapayapa ang buhay ni Allen bilang isang college student.

Pero isang araw, naramdaman niya na may kakaiba. Nagbubulungan na naman kasi ang blockmates niya at kakaiba na naman ang tingin sa kaniya. Ibig sabihin siya na naman ang sentro ng tsismis. Bumuntong hininga siya at akmang uupo na nang biglang lumapit sa kaniya si Carla at hinila siya palabas ng classroom. Napatitig siya sa kaibigan at napansin niyang namumutla ito at halatang nag-aalala. Kinabahan tuloy siya. "Ano na namang isyu nila sa akin?"

Huminga ito ng malalim. "Allen, ano bang score sa pagitan ninyo ni Maki? Boyfriend mo ba siya o close friends lang talaga kayo?"

Kumurap siya, nabigla sa mga tanong nito. "So tungkol na naman 'to kay Maki?"

Ngumiwi si Carla. "Natatandaan mo ang nakuwento ko sa'yo dati? Tungkol sa sabi-sabi noong high school na may older girlfriend siya? Well... kaninang umaga kasi ang daming nakakita na bumaba sa isang kotse si Maki. Nakita ko rin ang nangyari kanina so hindi sabi-sabi lang itong sinasabi ko sa'yo ha? Magandang babae ang nakaupo sa driver's seat. Tapos lumabas pa siya ng sasakyan, kumapit sa leeg ni Maki at hinalikan siya sa lips!"

Hindi nakaimik si Allen kasi nagulat siya sa kirot na naramdaman niya sa dibdib niya. Mukhang lalong nag-alala si Carla kasi hinawakan nito ang kamay niya at pinisil. "Sorry na kailangan ko 'to sabihin sa'yo. I know how much he means to you. Actually, I think I notice your feelings more than you notice it yourself. Palagi ko kayong nakikitang magkasama kaya alam kong espesyal ka rin sa kaniya. Pero natatandaan mo ang sinabi ko sa'yo na noong high school kami personal kong nakita ang girlfriend niya? Siya pa rin 'yung naghatid kay Maki kaninang umaga. Ibig sabihin hindi pa sila nag be-break."

Marahan siyang tumango kasi hindi siya makapagsalita. Hindi niya alam kung bakit siya nasasaktan. Close sila ng binata pero never naman nito sinabing gusto siya nito sa romantikong paraan. Siya rin naman hindi ganoon ang feelings niya para rito... noong mga bata pa sila. Pero ngayon narealize niya na mas malalim na ang nararamdaman niya para kay Maki. At ang isiping may ibang babae na malapit dito at... nahahalikan ito... ang sakit.

Pinisil ni Carla ang kamay ni Allen kaya kahit papaano bumalik sa kasalukuyan ang isip niya. "Nandiyan na ang prof natin." Tumango siya at sabay na silang pumasok sa classroom. Sinubukan niyang makinig sa lahat ng lecture sa mga sumunod na oras pero hindi niya nagawa. Lutang ang isip niya at ang sama ng pakiramdam niya. Maghapon na ang nasa isip lang niya ay umuwi sa apartment nila para makapagmeditate siya.

Pagkatapos ng huling klase niya, nagulat siya nang tumawag sa cellphone niya si Maki. Palagi itong sumusulpot sa tabi niya kaya sila nagkikita sa loob ng campus pero never ito tumawag sa kaniya. Sa text nga lang ang tipid na nito mag reply. Medyo bumalik tuloy ang sigla niya at nakangiting sinagot ang tawag nito. "Hi!" bati niya.

"Hey. May usapan kami ni tito Jovit na manonood ng basketball game mamayang gabi 'di ba?"

"Yup. Off duty kasi siya simula mamaya hanggang bukas."

"Sorry, I can't make it tonight. Pakisabi na lang sa kaniya na papasyal ako sa susunod niyang off, okay?"

Nawala ang ngiti ni Allen. "Bakit?"

"May lakad ako."

Kumunot ang noo niya. Kinabahan. Kasi kahit hindi niya ito nakikita narinig pa rin niya sa tono nito na may itinatago si Maki. Pasimple siyang huminga ng malalim bago sumagot, "Okay."

Natulala lang siya pagkatapos ng tawag. Kung hindi pa siya nilapitan ni Carla para ayain na umuwi ay hindi pa siya matatauhan. "Anong problema?" worried na tanong ng kaibigan niya.

Ngumiti siya at umiling. Ayaw na niyang mag-alala ito para sa kaniya. "Wala naman. Tara na nga."

Sabay silang naglakad palabas ng campus. Patawid na sana sila sa kabilang kalsada papunta sa direksiyon ng sakayan ni Carla nang bigla itong kumapit sa braso niya. Nang yukuin niya ito nakita niyang may tinitingnan ito. Napalingon din tuloy siya. Umawang ang bibig niya at para siyang sinipa sa sikmura nang makita si Maki. Nakatayo malayo sa school gate na parang may hinihintay. Mayamaya pa may magarang sasakyan ang huminto sa tapat nito. Nakababa ang bintana kaya nakita niyang magandang babae nga ang nagmamaneho.

"Siya 'yon, Allen," bulong ng kaibigan niya.

Sumikip ang dibdib niya nang makitang lumapit sa kotse si Maki at binuksan ang pinto sa passenger's seat. Nakatitig siya sa mukha nitong natatakpan na naman ng hoodie. Kaya nagtama ang kanilang mga paningin nang bigla itong tumingala. Naramdaman yata na may nakatingin dito. Halatang nagulat ito na makita siya. Pagkatapos may nakita siyang dumaang guilt at pagkapahiya sa mukha nito bago yumuko at mabilis na sumakay sa kotse.

Manghang napasunod na lang siya sa papalayong sasakyan. "Nagtama ang mga paningin namin," mahinang usal niya. But he didn't even nod or wave to acknowledge her.

"Allen? Okay ka lang?" bulong ni Carla.

Huminga siya ng malalim at pilit binalewala ang pagsisikip ng dibdib niya. Nilingon niya ang kaibigan niya. "Let's go. Ihahatid na kita sa sakayan mo."

Kumapit ito sa braso niya at pinisil siya. Alam niya tahimik siya nitong binibigyan ng suporta. Kahit papaano tuloy ay gumaan ang pakiramdam niya.

Bachelor's Pad series book 13: THE MYSTERIOUS HEIRUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum