Part 39

20.1K 575 7
                                    


Nine years later...

"UGH. Time out!" sigaw ni Keith na umatras palayo sa kaniya. Itinaas nito ang mga kamao na nakasuot ng boxing gloves at habol ang hininga.

Hinihingal din si Maki nang ibaba ang mga braso at i-relax ang pagkakatayo sa gitna ng square mat na kasukat ng isang normal na boxing ring. Nasa loob sila ng gym sa penthouse ng Bachelor's Pad. It is his personal space pero paminsan-minsan katulad ngayon, inaaya niya si Keith o kaya naman si Apolinario Montes para may ka-sparring siya.

"What's wrong with you? Masyadong mabigat at may frustration ang bawat suntok mo," sabi ni Keith at nakakunot ang noong tinitigan ang mukha niya. "Tapos na ang project na tinatrabaho mo ng isang linggo so... pinanood mo na naman siya magdamag 'no? Dude, you should stop doing that. It's creepy."

Matalim niya itong tiningnan. "Alam ko, okay?" Kaya nga iniiwasan niya lumabas ng kuwarto o kaya opisina niya sa oras na alam niyang nasa loob ng building ang night janitor nila. Iyon nga lang, may mga gabi na hindi na talaga niya kaya tiisin ang matinding longing na makita ito. Kahit pa kapalit niyon ay hindi siya nakakatulog kasi bumabalik sa isip niya ang nakaraan. Katulad kagabi.

Siyam na taon ang lumipas. Sabi ng marami mabilis daw ang takbo ng panahon. Pero para kay Maki, bawat araw, bawat sandali pagkatapos ng gabi na nakilala niya si Matilda St. Clair ay napakahaba. Tama ang kanyang adoptive mother na magbabago ang buhay niya kapag sumama siya rito. But the first few years since that night had been hard for him. Bukod sa hindi niya nadamayan si Allen at hindi naihatid sa huling hantungan ang ama nito, kinailangan niya magtago ng dalawang taon sa isang safe house na pag-aari ni Matilda sa isang liblib na village sa Hongkong.

Dahil kasi sa usb na naprotektahan niya mula sa mga sindikato, naibalik ang record na binura niya sa system ng Empress Bank at nagamit iyon para maparusahan ang politiko na involve sa droga. Nagalit ang politiko lalo at nawala sa mga balita ang tungkol sa kaniya. Kaya para hindi siya mapag-initan kinailangan niya mawala. Hindi niya alam kung paano nagawa ng mga tauhan ng adoptive mother niya pero naitago at nagawang confidential ang lahat ng records niya. Pinalitan din ang apelyido niya at ginawang St. Clair. Kaya kahit anong imbestigasyon ang gawin ng kahit na sino, walang makikita ang mga itong public at private record ni Maki Frias.

Tumigil man siya pumasok sa University, natuloy pa rin niya ang kanyang pag-aaral sa pamamagitan ng online education. Si Matilda mismo ang personal na pumili sa mga naging teacher niya. Kalaunan na lang niya nalaman na curriculum pala ng isang prestihiyosong kolehiyo sa amerika ang sinusunod nila. Kaya naman pala puro foreigner ang mga nagtuturo sa kaniya.

Minsan lang sa dalawang taon nagpunta si Matilda sa safehouse para bisitahin sila. Busy ito sa napakaraming negosyo sa ilalim ng St. Clair Holdings International at sa iba pa nitong mga ampon na nang mga panahong iyon ay hindi pa niya nakikita kahit isa lang. Ang alam lang niya mas matanda siya sa mga ito. Hindi rin katulad niya, bata pa ang mga ito nang ampunin ng kanilang adoptive mother.

Kaya bukod sa regular lessons niya online, wala nang nakakausap na ibang tao si Maki maliban kay Keith habang nasa Hongkong sila. Bago kasi sila umalis ng Pilipinas ay kinailangan niya sirain at itapon ang cellphone niya pagkatapos burahin lahat ng email at iba pang account niya sa internet. Kaya sa loob ng dalawang taon, naging isolated sila ni Keith sa safehouse. Isang housekeeper na siya ring tagaluto at dalawang bodyguard lang ang kasama nila. Puwede sila lumabas at makisalamuha sa village pero kakaunti lang ang mga tao roon na mas abala sa pangingisda at iba pang trabaho kaysa magsayang ng oras sa kanilang mga dayo.

Their isolation gave way to dark and painful thoughts. Isang taon mula nang mapadpad sila roon, parehong nawala ang sigla nila ni Keith. Natigil ang pag-uusap hindi dahil nagkasamaan sila ng loob kung hindi dahil pareho silang naging occupied ng kani-kanilang isipin. They were consumed with sadness. They were defeated by the demons of their past. Pero siguro dala ng mas may experience sa buhay at mas matanda si Keith kaysa sa kaniya, nauna itong makatakas sa depression. Nagising na lang siya isang umaga na nakaupo ito sa may veranda. May hawak na notebook at ballpen. He was writing something. Noong una akala niya sulat. Pero sa paglipas ng mga araw nagpatong-patong ang mga notebook hanggang marealize na lang niya na nobela pala ang isinusulat nito. It was his salvation. It was what kept Keith sane.

Bachelor's Pad series book 13: THE MYSTERIOUS HEIRKde žijí příběhy. Začni objevovat