Part 44

22K 742 32
                                    


MALAKAS na bumuntong hininga si Allen at pabagsak na sumalampak ng upo sa isa sa mga silya sa pantry. Isinubsob niya ang mukha sa lamesa at mariing pumikit. Pagod na pagod ang pakiramdam niya.

"Huy, okay ka lang?" tanong ni Donna. Si Nina na kasi ang nasa open space studio at naghihintay sa mga estudyante nito. By age group ang mga klase nila. Siya ang in charge sa mga batang ten years old and below. Si Nina ang may hawak sa eleven to thirteen years old. Evening session naman ang klase ni Donna at mga older teenager ang hawak nito.

"Kailangan ko lang magpahinga ng ilang oras. May trabaho pa ako mamayang gabi," sagot niya na hindi inalis ang pagkakasubsob ng mukha sa lamesa.

Naramdaman niyang lumapit si Donna at umupo sa katabi niyang silya. "Umalis na ba si pogi?"

Napangiwi si Allen kasi kahit ayaw niya sumikdo pa rin ang puso niya sa tanong nito. "Kausap pa niya si Yona nang magpunta ako rito. Ewan ko ba bakit hindi pa umaalis ang lalaking 'yon. Sabi ni Mr. Kim isang session lang ang papanoorin niya eh."

"Hindi naman 'yung session ang pinanood niya. Ikaw," tudyo ni Donna.

Napaderetso siya ng upo at marahas na bumuntong hininga. "Paano ba nangyari na napa-donate siya ng tv? Akala ko ba fundraising na ang napagkasunduan natin at ang parents ng mga estudyante?"

"Sabi ni Mr. Kim sa amin habang nagka-klase ka, tumawag daw sa kaniya si pogi noong isang araw. Good Samaritan daw na mahilig talaga mag organize ng charity events. Tanda mo 'yung event sa park diyan lang sa malapit? 'Yung may activities at pakain sa mga bata na sponsored ng foundation ng TV8?" Tumango si Allen. Natatandaan niya iyon kasi nag-cancel sila ng klase sa araw na iyon para makasali ang mga estudyante nila sa event.

"Well, isa siya sa major sponsor ng event na iyon. Tapos kaya niya nalaman na kailangan natin ng tv ay dahil palagi pala sila nagkikita nila Yona sa park. Nasabi ng bata ang tungkol sa meeting natin with the parents. Sabi ni Mr. Kim gusto raw ni pogi na pasayahin ang mga bata kaya nag volunteer siyang ibigay ang TV. Pumayag si boss kasi gamit naman na daw 'yon at hindi na masyado nakakahiya tanggapin."

Kumunot ang noo ni Allen. Kahit kasi ayaw niya hindi niya maiwasan ma-curious. Kung mayroon mang isang bagay na mukhang hindi nagbabago kahit ilang beses sila maghiwalay at magkita ni Maki, iyon ay ang sense of mystery na palaging nakapalibot sa pagkatao nito. Sino na ito ngayon? Bakit afford nito magbigay ng mamahaling tv kahit pa second hand iyon at bakit kaya nitong maging major sponsor ng isang malaking charity event at the same time ay may palayaw na 'Mr. Bum'?

"Curious ka?" nanunudyong tanong na naman ni Donna.

Sumimangot si Allen at tumayo. "Hindi."

"O saan ka pupunta?"

"Sa locker room. Magbibihis na ako para makauwi ako sandali at makatulog bago ang susunod kong trabaho."

Nawala ang pagbibiro sa mukha ni Donna. Naging worry na. "Okay ka lang ba, Allen? Hindi mo ba inaabuso ang katawan mo sa dalawang trabaho?"

Ngumiti siya at na-touch sa concern nito. "Kayang kaya ko. Don't worry. Kailangan ko lang talaga makaipon. See you tomorrow." Lumabas siya ng pantry. Nasa tabi lang niyon ang locker room. Mabilis siyang naghubad at isinuot uli ang t-shirt, jeans at rubber shoes na suot niya kanina. Pagkatapos nagsuot siya ng baseball cap at isinukbit sa mga balikat ang backpack. Bumalik siya sa pantry at nagpaalam kay Donna na halatang concerned pa rin sa kalusugan niya.

Sa totoo lang, hindi naman mahirap pagsabayin ang pagtuturo niya sa mga bata at ang pagiging night janitor sa isang condominium building na malapit lang din sa martial arts studio, mga thirty minutes na lakad lang. Maganda ang suweldo at kahit mag-isa lang siya ay hindi naman mahirap ang trabaho. Halos wala naman kasing nililinis sa building na iyon kasi hindi naman sakop ng trabaho niya ang mga okupadong unit. Sa nakaraang dalawang taon din bihira siya makasalubong ng residente. Si Keith na siya ring nag recruit sa kaniya sa panahong kailangan niya ng isa pang trabaho ang madalas lang niyang kausap at nakikita sa loob ng building.

Isa pa, mas gusto na ni Allen na okupado ang halos buong araw at gabi niya at may sapat lang na oras para matulog at magpahinga. At least everyday she's too tired to remember and think about unnecessary things. Isa na si Maki sa mga ayaw niyang isipin at alalahanin sa nakaraang siyam na taon. Katunayan, ito ang huling tao na gusto niyang makita uli.

Kaya bakit nang makalabas siya sa martial arts studio at wala na ang binata ay bigla siyang nakaramdam ng pagkadismaya?

SA MGA sumunod na araw sinubukan ni Allen na umakto na parang walang nangyaring kakaiba sa buhay niya. Ni ayaw niyang aminin sa sarili na sa tuwing bago siya pumasok sa martial arts studio ay automatic niyang iginagala ang tingin, may hinahanap. Ayaw rin niya aminin na sa tuwing may klase si Yona ay nangangati siya magtanong kung nakikita pa ba nito si Maki. Mas lalong ayaw niyang aminin na lately, dumadaan siya sa park kung saan daw madalas tumambay ang binata.

Pero nang lumipas ang isang linggo na hindi niya nakita kahit anino nito, nainis na siya sa kanyang sarili kasi masyado siyang distracted. Kaya pinilit niyang burahin sa isip ang binata at nag concentrate sa pagtuturo niya ng taekwondo. At dahil off niya sa pagiging janitress sa gabing iyon, nanatili pa siya sa loob ng studio at tumulong kay Mr. Kim na mag-ayos ng kung anu-anong papeles sa opisina nito. Alas nuwebe na nang matapos sila.

"Umuwi ka na, Allen at magpahinga ka naman," sabi ng boss niya nang kahit tapos na sila ay nakatambay pa rin siya sa opisina nito.

Napilitan tuloy siyang tumayo kahit na sa totoo lang ayaw pa niya umuwi. Hindi siya komportableng tumambay ng matagal sa studio type apartment niya. It's too quiet and too suffocating to be completely alone inside that small space. Pero ayaw niyang mag-alala si Mr. Kim. Masyado na malaki ang utang na loob niya rito.

Nauna nang umalis sina Nina at Donna kaya patay na ang ilaw sa studio. Ang boss niya malamang uuwi na rin mayamaya. Tahimik siyang lumabas ng pinto at nakababa na siya sa tatlong baitang na hagdan nang kumalat ang awareness sa buong katawan niya. Napahinto siya at dahan-dahang lumingon. Nanlaki ang mga mata ni Allen at nahigit ang paghinga nang makita si Maki, nakasandal sa pader ng martial arts studio. Nakasuot ito ng hoodie pero nang lumingon siya ay inalis nito iyon at nagsimulang humakbang palapit sa kaniya.

Na-tense siya pero hindi naman kumilos para umatras. Katunayan pumihit pa nga siya paharap sa binata at pinakatitigan ang mukha nito. Huminto ito sa kanyang harapan at umangat ang gilid ng mga labi. "Hi."

Kumurap si Allen. Naalala na galit siya rito at hindi dapat magpadala sa ngiti nito. Kaya naningkit ang mga mata niya at humalukipkip. "Anong ginagawa mo sa dilim na parang stalker?"

Naging ngiwi ang ngiti nito at isinuksok ang mga kamay sa bulsa ng hoodie nito. "I didn't intend to look like a stalker. Kanina pa kasi ako naghihintay pero ngayon ka lang lumabas."

"At bakit mo ako hinihintay?"

Seryosong sinalubong nito ng tingin ang kanyang mga mata. "Kasi gusto kita makita. Kasi gusto kita makausap. Kasi na-miss kita. The years when I didn't see you were so long. Ayoko na dugtungan pa ang siyam na taong magkalayo tayo. I cannot stand it."

Umawang ang bibig ni Allen, nabigla sa sigurado at determinadong tono ni Maki. Na-caught off guard din siya sa sinseridad at kompiyansa na nakita niya sa mga mata nito. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Ang galit na pinampoprotekta niya sa sarili ay bahagyang natunaw.

Naging masuyo ang facial expression nito at magaan na hinaplos ang baba niya kaya naitikom niya ang kanyang bibig. "Puwede ba tayo mag-usap ng maayos? Bigyan mo naman ako ng chance magpaliwanag. Pagkatapos, kung hindi mo pa rin ako mapapatawad sa mga pagkakamali ko noon at kung ayaw mo pa rin talaga akong bigyan ng chance na maging bahagi uli ng buhay mo, irerespeto ko ang desisyon mo."

Bachelor's Pad series book 13: THE MYSTERIOUS HEIRWhere stories live. Discover now