Part 48

21.8K 669 30
                                    


NAG-INAT si Allen at minasahe ang mga balikat nang matapos niyang linisin ang huling bakanteng unit sa second floor ng building kung saan siya nagtatrabaho bilang janitress. Tinulak niya ang cleaning cart palabas at sandaling iginala ang tingin sa tahimik at walang katao-taong hallway. Napansin niya na sa nakaraang dalawang taon ay unti-unting umaalis ang mga residente pero wala naman bagong umookupa sa nabakanteng unit. Naisip niya tuloy, hindi ba nalulugi ang may-ari ng gusali na iyon? Darating ba ang araw na bigla na lang siyang mawawalan ng trabaho bago pa man siya makaipon? Sayang naman.

Tumingin siya sa wristwatch niya. Alas tres na ng madaling araw. Binilisan na niya ang pagtulang sa cart. Malabong may makasalubong pa siyang residente kaya malaya niyang nagagamit ang elevator kapag ganoong oras. Pagkasara niyon ay automatic siyang napasulyap sa cctv camera. Naningkit ang mga mata niya. Wala siyang naramdamang kakaiba ngayon. May mga gabi kasi sa nakaraang dalawang taon na feeling niya may nanonood sa bawat kilos niya. Alam niya na hindi iyon imposible kasi maraming camera sa loob ng building. Pero minsan sumisipa ang sixth sense niya at umiinit ang pakiramdam niya kapag parang may nakatitig sa kaniya. It was not an unpleasant feeling since she doesn't sense any malice or anything creepy. But it still bothers her sometimes.

Bumukas ang elevator sa ground floor kaya nawala na ang tingin niya sa cctv camera. Itinulak niya ang cleaning cart at maayos iyong itinabi sa storage room na malapit sa isa pang elevator na papunta naman sa lower ground parking area kung saan siya dumadaan papasok at palabas ng gusali. Pagkatapos makapagligpit ay nagpunta siya sa opisina ng building manager at boss niya na si Keith. Kumatok siya bago binuksan ang pinto.

Nag-angat ng tingin ang lalaki mula sa kung anong ginagawa nito sa laptop at ngumiti nang makita siya. "All done for tonight?"

Gumanti siya ng tipid at polite na ngiti. "Oo. Mauuna na ako ha?"

"Ayaw mo muna mag kape or something?"

"Hindi na. Good night, sir Keith."

Tumawa ang lalaki na kahit mahaba ang buhok at balbas sarado ay hindi maipagkakamali na ubod ng guwapo. "Keith na lang. Dalawang taon ko na sinasabi sa'yo 'yan eh."

Tipid na ngiti lang uli ang naging sagot niya kasi sa totoo lang hindi siya komportable sa mga lalaking masyadong friendly. Minsan na siya nagtiwala sa isang taong katulad nito at hanggang ngayon pinagsisisihan niya iyon. "Good night."

"Good night," sagot nito na sumaludo pa sa kaniya.

Mayamaya pa nakalabas na siya ng building. Madilim sa labas at halos walang tao sa kalsada pero wala siyang nararamdamang takot. Hindi na siya kasing lakas ng dati dahil hindi na siya regular na nagte-training na katulad noon pero kaya pa rin niya protektahan ang sarili niya laban sa masasamang loob. Mabuti na lang, never pa naman may nagtangkang mambiktima sa kaniya.

Kumalam ang sikmura ni Allen habang naglalakad kaya nagdesisyon siyang dumaan sa convenience store na malapit sa martial arts studio bago siya umuwi. Twenty four hours kasi iyong bukas. Nagulat siya nang pagpasok niya roon ay makita niya ang pamilyar na bulto ng isang lalaking nakasuot ng hooded jacket. Nakaupo ito sa dulong stool at pumipindot-pindot sa ipad na nakapatong sa lamesa. Si Maki!

Ni hindi siya nagkaroon ng time magalinlangan. Kusa na gumalaw ang mga paa niya at naglakad palapit sa binata. "Anong ginagawa mo rito nang ganitong oras?"

Napaigtad ito at gulat na tumingala. Nanlaki ang mga mata nito at tumingin sa screen ng ipad, malamang sinilip ang digital clock doon. "Ah, I got stuck with my work so I decided to do it outside. Hindi ko na namalayan kung gaano katagal na ako nandito." Tiningala siya nito uli at ngumiti. "At ikaw, bakit nandito ka ng ganitong oras?"

Bachelor's Pad series book 13: THE MYSTERIOUS HEIRWhere stories live. Discover now