Part 66

22.4K 614 37
                                    


"NO! TEACHER, huwag ka umalis!"

Namasa ang mga mata ni Allen at parang gusto yakapin lahat ng mga estudyante niya kasi ayaw rin niyang iwan ang mga ito. Pero kailangan na talaga niya magpaalam lalo at orientation na sa bago niyang trabaho sa isang araw.

"Papasyal naman ako kapag may time ako, kids. Basta huwag lang kayo titigil mag taekwondo magkikita pa rin tayo. Ma mi-miss ko kayo."

Matagal bago niya napakalma ang mga estudyante niya. Mas emotional pa nga siya kahit nang makaalis na ang mga ito kasama ang kani-kanilang guardians. Lalo at maluha-luha rin sina Donna at Nina nang magpaalam siya sa mga ito. Natatawa na lang si Mr. Kim habang pinapanood sila.

Kinagabihan, pagkatapos ng huling klase umorder pa ang matandang lalaki ng malaking pizza para raw sa farewell party niya. Alas nuwebe na tuloy nang magdesisyon silang maghiwa-hiwalay. Bumilis ang tibok ng puso ni Allen nang makitang naghihintay sa labas ng martial arts studio si Maki. Hooded jacket at maong na pantalon ang suot nito. Pakiramdam niya ang tagal na mula nang huli niya itong makita na ganoon ang ayos. Mukhang katatapos lang nito makipag-usap sa cellphone.

Napangiti siya at masayang tumakbo palapit dito. Pero kumunot ang noo niya nang mapansin ang seryosong ekspresyon sa mukha nito.

"Maki? Anong problema?"

Hinarap siya nito, pinilit ngumiti pero halatang may iba pa ring iniisip. Ginagap nito ang kamay niya. "Hindi ako nagdala ng kotse kasi na-miss kong maglakad kasama ka pero mukhang mali ako ng desisyon. So let's go take a cab. We'll go back to my place. I don't think it's safe in your apartment."

"Ha? Anong ibig mong sabihin? Anong nangyayari, Maki?" nagtatakang tnaong ni Allen habang naglalakad sila palayo sa martial arts studio papunta sa kalsada. Sigurado siya na mahihirapan sila humanap ng taxi kasi kapag ganoong oras halos walang dumadaang sasakyan sa bahaging iyon.

Humigpit ang hawak ng binata sa kamay niya at bumilis pang lalo ang mga hakbang. "Shannon is missing. Nalingat lang daw ang security niya bigla na lang siya nawala. Nang tingnan ang cctv ng hotel kung saan siya naka check in mula nang maibenta sa atin ang bahay at lupa, nakitang may grupo ng mga lalaki ang puwersahan siyang ipinasok sa isang itim na van bago iyon humarurot palayo."

Nanlaki ang mga mata ni Allen. "K-kidnapping 'yon ah! Dapat natin siya tulungan. Kailangan natin tumawang pulis."

"Nakikipag-usap na ang security agency ng St. Clair Holdings sa kinauukulan para alamin kung nasaan sila. Pero tumawag sa akin si Ross na mas makakabuti raw kung mag stay tayong dalawa somewhere safe. Nakakatanggap daw kasi sila ng death threat na sa tingin nila mula sa asawa ni Shannon. They are being aggressive with the annulment case you see? At sa tingin ng kaibigan ko baka makatunog daw ang lalaking 'yon na ako ang dahilan kaya may security at abogado si Shannon ngayon. Hindi raw malabo na pinamamatyagan na ako." Sinulyapan siya ni Maki. "I'm sorry na madadamay ka na naman. For now we need to go somewhere safe until this issue is resolved."

Huminga ng malalim si Allen at mahigpit na kumapit sa braso nito. "Wala ka dapat ihingi ng tawad. Dahil naman sa kagustuhan ko mabawi ang bahay at lupa namin kaya ka naman na-involve na naman kay Shannon. Ako ang dapat mag sorry na nagiging magulo na naman ang buhay mo."

Mukhang nagulat ito sa sinabi niya. Huminto kasi ito sa paglalakad at humarap sa kaniya. "Allen, I plan to be with you as long as I live so I am prepared to face anything. Huwag ka mag sorry. At para fair, hindi na rin ako mag so-sorry. You can bother me all you want. Your burden will be mine and I trust you enough to share my burden with you. Basta magkasama tayo, malalampasan naman natin ang lahat 'di ba?"

Napangiti na siya at tumango. Nagsimula na uli sila maglakad nang makarinig sila ng tunog ng paparating na sasakyan. Mukhang hindi lang iyon isa. "Baka taxi na ang isa sa mga parating," komento niya sabay lingon sa isang panig ng kalsada.

Naningkit ang mga mata ni Allen kasi nasilaw siya sa liwanag na galing sa headlights ng mga sasakyan. Huli na tuloy nang marealize niya na hindi taxi o normal na private car ang mga iyon. Dalawang itim na van ang biglang huminto sa harapan nila ni Maki.

"Shit, let's run," biglang sabi ng binata na humigpit ang hawak sa kamay niya. Patunay na pareho silang nakaramdam ng panganib. Pero kahit na naging alerto na sila ay hindi nila nagawang tumakbo. Bumukas na kasi ang pinto ng dalawang van at tinutukan sila ng goons na sakay niyon ng mga baril.

"Huwag kayo kikilos. May go signal kami na pwede kayo patayin kapag nanlaban kayo," sabi ng isang lalaki na ngumisi pa. "Doon din naman ang bagsak niyo kung tutuusin." Pagkatapos sumenyas ito sa mga kaasama na mabilis naman lumapit sa kanila. Marahas silang hinawakan at hinila palayo sa isa't isa.

"Allen!"

"Maki!"

Nagkatitigan sila. Alam niya na katulad niya gusto nito manlaban. Kaya nila kung tutuusin. Kaso pareho silang takot na baka sa maling galaw nila, may mabaril at mamatay sa kanila. Sa huli marahas silang nakaladkad ng mga lalaki hanggang maisakay sila sa magkahiwalay na van.

"Hindi sila makakaisip tumakas kapag hindi sila magkasama. Magandang ideya, boss," tumatawang sabi pa ng nakaupo sa driver's seat.

Mariing itinikom ni Allen ang kanyang mga labi, pilit kinakalma ang mabilis na tibok ng puso niya. Hindi siya masyadong kabado para sa kaligtasan niya kahit na may nakatutok na baril sa tagiliran niya. Mas worried siya para kay Maki. Mariin siyang pumikit at taimtim na nagdasal.

Lord, papa, mama, don't let anything bad happen to him. He's all I have now. Keep him safe. Please.

Bachelor's Pad series book 13: THE MYSTERIOUS HEIRWhere stories live. Discover now