Part 52

21.2K 640 20
                                    


NANLALAKI ang mga matang napakapit si Allen sa laylayan ng jacket ni Maki nang huminto sa harap ng Chef Derek's ang sinasakyan nilang taxi. "Diyan tayo kakain? 'Di ba pang sosyal diyan? Papapasukin ba tayo sa suot natin?"

"Don't worry about it," kaswal na sagot nito, nagbayad sa driver at binuksan ang pinto para makababa silang dalawa.

Kahit nang naglalakad na sila palapit sa entrada ay worried pa rin siya. Napansin na niyang mula sa restaurant na iyon ang pagkain na palaging pinapadala nito sa martial arts studio nila pero hindi ba may dress code sa mga ganitong kainan?

Sinulyapan niya ito. "Palagi mong tinatago ang mukha mo pero masyado ka naman yatang kompiyansa at relaxed na pumasok sa lugar na maraming tao?" komento niya.

"I'm not really calm you know," sagot ni Maki na huminga pa ng malalim. "Pero kailangan ko na sanayin ang sarili ko na napapalibutan ng maraming tao," determinadong sabi pa nito bago siya niyuko at nginitian. "Kaya samahan mo ako palagi, ha?"

Umawang ang bibig ni Allen pero hindi na nagkaroon ng pagkakataon magsalita kasi may staff nang nagbukas ng pinto at magalang silang binati. Nang mag-angat ng tingin ang staff at mapatitig sa binata ay nanlaki ang mga mata nito at natulala. Dati pa niya napansin na iyon ang normal na reaksiyon ng mga taong nakakakita kay Maki. Matagal bago kumurap ang staff at inulit ang pagbati, hindi pa rin maalis ang tingin sa mukha ng binata.

Na-tense na naman siya at mariing kinuyom ang mga kamay. Mukhang napansin nito ang reaksiyon niya kasi bigla nitong hinawakan ang isang kamao niya at marahan iyong ibinuka. Nanlaki ang mga mata ni Allen at manghang tiningnan lang nang paglingkisin nito ang mga daliri nila. Nang pisilin nito ang kamay niya, unti-unti siyang na-relax. Lalo na nang pagtingala niya sa mukha nito ay ngumiti ito. "Let's find a table. Gutom na gutom na ako."

"We have a vacant table for two, sir," ngiting ngiti na sabi ng staff. Hawak pa rin ng binata ang kamay niya nang sumunod sila rito. Malalampasan na sana nila ang isang pinto nang bigla iyong bumukas at may lumabas na nakasuot ng chef's uniform. Kusina pala ang nasa kabilang side ng pinto na iyon.

"Excuse – " Biglang huminto ang chef sa akmang pag-iwas sa kanila at gulat na napatitig kay Maki. Halatang nagulat ang chef at biglang ngumisi. "I can't believe this. Ikaw ang huling tao na maiisip kong bibisita sa restaurant ko. Hindi ka na nagtatago?"

"Hindi na puwede," sagot ni Maki.

"Are you sure? Madalas sila mag dinner dito. In fact, kakatawag lang ni Ryan sa akin na papunta na sila ni Jesilyn."

"It's fine. Nakita na ako ni Ryan dati. Besides, I have to face everyone soon anyway."

Tumaas ang mga kilay ng chef na mukhang kaibigan ni Maki. Hindi nga lang niya masundan ang takbo ng usapan ng mga ito.

"Gutom na kami Derek," inip na sabi ng binata at pinisil ang kamay ni Allen.

Saka lang lumingon sa kaniya ang chef. Napanganga na naman ito at pinaglipat-lipat ang tingin sa kanila ni Maki. "Ano 'to? Paano ka nagkaroon ng girlfriend kung hindi ka naman lumalabas?"

"Sino naman ang may sabi sa'yo na hindi ako lumalabas? Hindi mo lang nakikita. Let's do the chat later. Feed us first, would you?" Hinila na siya ng binata hanggang makarating sila sa isang bakanteng lamesa.

Nang makapuwesto na sila pareho ay naglapag ng tig-isang menu sa harapan nila si Derek at nakangiting inilahad ang kamay. "Sorry for being rude awhile ago. I'm Derek Manalili. Welcome to my restaurant."

Manghang tinanggap ni Allen ang pakikipagkamay nito at binanggit din ang pangalan niya. Ngiting ngiti si Derek, parang marami gusto itanong pero mukhang napipigilan ang sarili. Sa halip tinanong na lang siya nito kung ano ang gusto niya kainin mula sa menu. Nakakamangha lang na mismong ang may-ari ng restaurant pa ang nagaasikaso sa kanila. Mayamaya pa, nang maka-order na sila ng pagkain ay nagpaalam na ito. Saka lang niya tinitigan si Maki.

Bachelor's Pad series book 13: THE MYSTERIOUS HEIRWhere stories live. Discover now