Part 9

22.7K 598 15
                                    

DUMATING ang Christmas vacation. Dalawang linggong hindi nakita ni Allen si Maki. Nagbakasyon kasi ang binatilyo kasama ang foster parents nito sa probinsiya. Ibinigay niya ang telephone number nila bago magbakasyon para makapag-usap sila kahit malayo sila sa isa't isa. Kaso dalawang beses lang ito nakatawag; sa araw ng pasko at noong New Year's eve. Sandali lang sila nakapag-usap kasi nga hindi naman ito puwedeng mag telebabad. Bitin na bitin. Kaya bago pa man magpasukan uli, miss na miss na niya ito.

Isang araw bago ang balik eskuwela, tumawag uli sa kaniya si Maki. Nakabalik na raw ang mga ito galing probinsiya at gustong gusto na raw siya nitong makita. Ganoon din ang nararamdaman ni Allen kaya nagdesisyon silang pumasok ng mas maaga kinabukasan. Kaya lunes ng umaga, mas maaga kaysa normal siya bumangon at naghanda sa pagpasok.

"Allen? Bakit nakabihis ka na? Hindi pa ako nagluluto ng almusal," sabi ng mama niya nang lumabas ito sa kuwarto at makita siyang pababa na ng hagdan.

Nilingon niya ito. Halatang inaantok pa ang mama niya at hinihimas ang malaking tiyan. Mag se-seven months na kasi itong buntis at alam niya na nahihirapan na itong bumangon ng maaga at magkikilos sa bahay. "Matulog pa kayo, 'ma. At huwag niyo na po ako ipagluto ng almusal. Marunog naman na po ako magtimpla ng gatas at okay naman ako sa tinapay lang. Magpahinga ka na lang po muna kasi mukhang inaantok ka pa at saka maputla ka. Malapit na lumabas ang kapatid ko, 'di ba? Kailangan palagi kayong malakas at malusog. Saka mula po ngayon, tutulong na ako sa gawaing bahay para mabawasan ang trabaho niyo rito."

Halatang nagulat ang mama niya at nawala ang antok na napatitig sa kaniya. Hindi naman niya ito masisi kasi tamad siya gumawa sa bahay. Maglinis nga lang ng kuwarto niya maraming beses pa siya sisinghalan bago siya susunod. Pero alam niya na hindi na siya puwedeng umaktong nag-iisang anak na napagbibigyan sa lahat ng gusto. Magiging ate na siya at malapit na rin mag high school. Saka kapag weekdays ay silang mag-ina lang ang nasa bahay dahil naka-duty ang papa niya sa malayo. Kaya kailangan siya ang tumulong at magprotekta sa mama niya.

Ngumiti ang kanyang ina at kumislap sa tuwa ang mga mata. "Aba, nagdadalaga na talaga ang anak ko. Nag ma-mature ka na."

Ngumisi si Allen. "Bumalik na kayo sa kuwarto, 'ma. Matulog ka pa. Ila-lock ko na lang ang pinto mula sa loob kapag umalis ako."

"O siya, sige. Mag-iingat ka ha?" Naghikab ito, hinimas na naman ang malaking tiyan at pumasok na uli sa kuwarto para matulog. Maingat siyang bumaba ng hagdan, hindi na nag-almusal at deretsong lumabas ng bahay. Paglabas niya ng gate nagulat siya nang makita si Maki na naglalakad palapit sa bahay nila. Mukhang nagulat din ito nang makita siya. Pero maya-maya lang ay pareho na silang ngumiti at sabik na binilisan ang lakad pasalubong sa isa't isa.

"Anong ginagawa mo rito?" mahina pero masayang tanong ni Allen.

"Madilim pa at ayokong maglakad ka sa school nang mag-isa," sagot ni Maki na titig na titig sa mukha niya.

"Bakit ganiyan mo ako tingnan?"

Ngumiti ito. "Nire-refresh ko lang ang picture ng mukha mo sa isip ko. Dalawang linggo kitang hindi nakita eh."

Nanlaki ang mga mata ni Allen, uminit ang pakiramdam at kumabog ang dibdib niya. Weird. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang nararamdaman niya ngayon. Lalo lang siya nalilito kapag sinusubukan niya mag-isip ng mga komplikadong bagay kaya binalewala na lang niya ang kakaibang pagtibok ng puso niya. Para mapunta sa iba ang isip niya ay pinagmasdan na lang din niyang maigi si Maki. Maganda pa rin ang mukha nito pero ngayon hindi na ito mukhang babae sa paningin niya. Medyo naging masculine na ito na hindi niya maintindihan. Saka para ring tumangkad na ito kaysa noong huli silang nagkita.

Ngumiti si Maki at nagtatakang tumaas ang mga kilay. "Bakit ganiyan mo ako tingnan?" gaya nito sa tanong niya kanina.

Kumurap si Allen. "Dalawang linggo lang tayo hindi nagkita pero may naiba sa'yo. Anong nangyari sa'yo habang bakasyon?"

Bachelor's Pad series book 13: THE MYSTERIOUS HEIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon